#6

4 1 0
                                    



"Ahra, sino 'yong kasama mo kahapon? Ikaw ha!"


Kadarating lang ni Lalaine at 'yan agad ang bungad niya sa'kin. Si Lalaine ang seat mate ko kaya siya lang rin ang nakakausap ko simula no'ng wala na si Andrei. Nagpalipat kase siya ng section, at dahil malakas siya sa adviser namin. Ayon, pinayagan siya.


Ewan ko ba dito kong bakit sobrang updated sa buhay ng iba, lagi na lang may dalang chika sa tuwing magkaka salubong o magkakasama kami. Dakilang marites talaga 'to ng campus, pati buhay ng mga teachers namin alam niya rin.


"Wala, k-kaibigan ko lang" Nautal pa ako ng sagotin ko ang tanong niya.


I know it's not a lie but it felt like I'm lying! Lalo na ng maalala ko kong ano ang sinabi niya sa'kin.


'Treat him as a suitor huh?! Wtf'


"Weh? Bakit ka nauutal?" Pag-uusisa niya pa. Geez! Ito talagang babaeng 'to, masyadong embestigador.


"Kaibigan ko nga lang" Hindi na siya nakapag salita pa ulit dahil dumating na ang teacher namin.


"Good morning class!" Bati ng teacher namin saka nilapag ang mga gamit niya sa may teacher's table. "For some reason, you have a new classmate. Galing siya sa ibang section, he volunteered na maging exchange student since nagpalipat si Mr. Lopez sa ibang section. Come here, Mr. Rhuz!" Pagpapaliwanag ni ma'am at saka may tinawag sa labas para papasokin.


Muntik ko ng masampal ang sarili ko ng makita ko kong sino ang bago naming magiging kaklase!


"Hi, I'm Rhuz" Maikling saad niya saka naglakad papunta sa may pinakalikuran. Ayon na lang kase ang may bakanteng upuan. Nagkaro'n kami ng sitting arrangement last week kaya nasa may gitna na ako ngayon nakaupo.


Sinulyapan ko siya ng bahagya ng mag proceed na si ma'am sa discussions niya. He raise a brow when he saw me staring. Agad kong inalis ang tingin ko sa kaniya at nag focus na lang sa harapan.


Pagkatapos ng morning classes namin ay sabay na kami ni Lalaine mag lunch sa canteen. Wala naman akong choice kon'di sumama sa kaniya dahil wala na si Andrei at ayaw ko ring makita si Rhuz!


"Woi, ang gwapo no'ng bago nating kaklase 'no? May jowa na kaya 'yon?" Agad namang pag chika ni Lalaine. Umupo na kami sa may bakanteng table at nilapag ang pagkaing in-order namin.


"Wala pa siguro, pero wala ka ring pag-asa do'n. H'wag mo ng ituloy" Pagpigil ko kaagad sa kalandian at pag papantasiyang gagawin niya.


"Grabe ka naman, hindi naman. Saka baka para sa'yo talaga nakalaan si Rhuz" Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya! Sa dinami-rami ng pwedeng sabihin, bakit 'yon pa? Jusko!


"Tumahimik ka na nga diyan, kumain ka na lang" Sumunod naman siya at kumain na lang rin ng tahimik. Tumingin ako sa may entrance ng canteen at nakita ko sina Andrei kasama ang girlfriend niya.


Itinago ko na lang ang mukha ko at nagmadaling kumain, ayokong makita na naman nila ako. Baka mag-init na naman ang ulo ng girlfriend niya at mas magalit si Andrei sa'kin.


"Woi, ano ka ba! Dahan-dahan naman" Saad ni Lalaine. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.


Nang tingnan ko ulit sina Andrei, naglalakad na sila papalapit sa gawi namin. Nasa malapit sa counter kase kami naka pwesto dahil 'yon na lang ang bakante kanina.


Tatayo na sana ako at aalis para makaiwas sa kanila ng biglang may mabunggo akong lalaki! When I saw his face, he was just staring at me with his brows furrowed.


NO REGRET FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon