ㅡ
Ha? Ano daw?!
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kong ano ang sinabi niya. Anong ready? Tanga, mukha bang hindi ako handang gawin ang project?!
"I'm ready to start this project" Tiningnan niya ako at biglang tumawa.
"Your so innocent, love" Tumayo na siya at ginulo ang buhok ko. "Tara na" Aya niya sa'kin. Siya na mismo ang nagdala sa mga gamit ko at sabay na kaming naglakad papasok sa room.
"Punta muna ako sa restroom" Paalam ko at tumango naman siya. He insisted to wait for me but I told him to go.
Pumasok ako sa restroom para umihi, inayos ko na rin ang damit at sarili ko. Palabas na sana ako ng bigla akong harangin ni Ammahra.
I tried to ignore her presence and find my way out. Sinasadya niyang iharang ang sarili niya sa mismong exit para hindi ako makalabas. And she even locked the door!
"Ano bang problema mo? Haharang-harang ka diyan, kita na ngang lalabas ang tao" Inis ko siyang sininghalan. Hindi na ako nakapag timpi at punong-puno na talaga ako sa kaniya. Lalo na no'ng tumawa siya.
"Relax, masyado ka namang high blood beh" Mapang-asar siyang tumawa. Lumapit siya sa'kin.
"Look, you know what..hindi ka bagay dito" Panimula niya. Ano namang paki ko sa babaeng 'to? Psh! "You're no longer with Andrei pero bakit naiinis pa rin ako tuwing nakikita kita?" Dagdag niya pa. Halatang may bahid ng inis at galit sa mga mata niya.
"Eh? Kasalanan ko pa ba 'yon?" Sarkastikong sagot ko at nakipaglaban ng tingin sa kaniya. Syempre, hindi ako magpapatalo.
"Oo, yes! Syempre kasalanan mo. Kasalanan mo kong bakit naiinis ako sa'yo, kasalanan mo kong bakit galit ako sa'yo. Kasalanan mo kase kahit ako ang kasama ni Andrei, sa tuwing nakikita ka niya, parang gusto ka niyang lapitan! Sa tuwing nakikita ka niyang binu-bully, gusto ka niyang protektahan at sagipin! Nakakainis ka kase wala ka namang ginawa kon'di saktan siya pero hindi niya kayang tiisin na h'wag kang pansinin, hindi ka niya maiwasan!" Naluluhang sermon niya sa'kin. Hindi ko alam pero biglang umurong ang galit ko sa kaniya, napalitan bigla ng awa.
Naaawa ako sa kaniya, hindi ko man lang nakikita na naaapektohan rin pala siya. Hindi ko alam na gano'n pala ang epekto sa kaniya kapag nakikita niyang nag-aalala sa'kin si Andrei, alam ko naman na hindi ako totally babalewalain ni Andrei kahit pinapakita niyang wala na siyang pakialam sa'kin.
"I..I'm sorry" Gusto ko siyang yakapin pero umatras siya at lumayo sa'kin. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha niya para hindi ko makita, pero kitang-kita ko na nasasaktan siya.
"Alam mo bang..lagi kong nakikita si Andrei noon na umiiyak at lagi niyang tinatanong kong bakit mo raw siya iniwan..kong bakit kailangan mo siyang iwan, at kong bakit ayaw mo na siyang maging kaibigan. Alam mo bang, kahit ilang beses kitang sinigaw-sigawan..ilang beses ka niyang sigawan sa harap ng ibang tao..ako..ako pa rin ang sinesermonan niya. Kase kahit daw hindi mo na siya gustong maging kaibigan, hindi niya pa rin daw kaya na makita kang sinasaktan" Pagpapatuloy niya. Mahinahon lang siyang nakikipag-usap sa'kin ngayon, hindi na siya sumisigaw at hindi na rin parang sermon ang dating ng pagsasalita niya. "Mahal ka niya Ahra, mahal na mahal ka ni Andrei bilang kaibigan niya. Kaya kahit ako na girlfriend niya, hindi ko kayang palitan o higitan ka sa puso niya o sa paningin niya. Nakakainis, nakakaselos, nakakagalit, kase..ako 'yong girlfriend e, pero ikaw ang mas inuuna niya. Kahit ilang beses siyang umasta na wala siyang pakialam sa'yo, ang totoo..hindi ka niya kayang balewalain. Kaya sana, sana lang..kong ayaw mo na sa kaniya, ipakita mo naman na masaya ka na, para kahit papaano..hindi na siya mag-alala sa'yo" Huling mga salitang binitawan niya saka ako iniwan at lumabas ng restroom.

BINABASA MO ANG
NO REGRET FOR LOVE
Narrativa generaleJheyiene Ahra Gomez, the daughter of Jheyz Lhoyd Gomez meet Rhuziell Raze Cordova accidentally. An incident she didn't expected to happen. It changed their lives and never expected things will happen wonderfully like that ㅡ an almost perfect relatio...