ㅡ
"Salamat sa paghatid, Rhuz" Naisatinig ko matapos makababa sa sasakyan niya at safe na akong maihatid sa bahay.
"No worries. I'll see you tomorrow, then" Ngumiti siya at ginantihan ko naman siya ng ngiti.
"Ingat sa pagmamaneho" Saad ko pang muli.
"Ahra" Gulat akong napatingin kong saan nanggagaling ang boses na 'yon. Hindi ko alam na nakauwi na pala si daddy. "Gabi na ah, bakit ngayon ka lang?" Ayon na agad ang ma awtoridad niyang boses.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay daddy at kay Rhuz, habang silang dalawa naman ay parehong naghihintay sa sasabihin ko.
"A-ahh, good evening dad. Sorry po at ginabi ako, gumawa ho kase kami ng project ni Rhuz e" Pagpapaliwanag ko saka nagmano sa kaniya. Nilingon ko si Rhuz na nakatingin lang rin sa'min. "Ah, nga pala dad. Si Rhuz, kaklase ko. Rhuz, si Mister Jheyz, daddy ko" Pagpapakilala ko sa kanila. Bahagyang lumapit si Rhuz kay daddy para makipag kamay.
"Hello sir, I'm sorry at late ko ng naihatid ang anak ninyo. We were doing our project, sir. Medyo natagalan po bago matapos" Pagpapaumanhin ni Rhuz. Nanatiling nakatingin si daddy kay Rhuz na para bang kinikilatis niya 'to habang ako naman ay kinakabahan at baka magalit si daddy na hindi ako nagpaalam sa kaniya.
"It's okay, you should come inside and join our dinner, hijo. Paniguradong hindi pa kayo kumakain" Pagyayaya ni daddy at nauna ng pumasok. Nakita ko kong paanong mapalitan ang emosyon sa mukha ni Rhuz, nagkatinginan kami at pareho kaming nagulat sa sinabi ni daddy.
"A-ahh, oo Rhuz. Dito ka na lang kumain ng dinner para hindi ka na magluto pag-uwi mo" Pag-aaya ko rin sa kaniya. Gustuhin ko mang paalisin siya ay hindi ko rin pwedeng gawin at baka iba ang isipin ni daddy, baka isipin niyang ayaw kong makasama niya ng matagal si Rhuz dahil may tinatago kami.
"Sure" Tanging sagot niya at ngumiti na kita ang lahat ng ngipin. Halos hindi na makita ang mata niya dahil sa ngiti niya, nahawa tuloy ako. Ang gwapo at cute niya kaseng tingnan.
"Ahra, halina kayo dito" Saad pang muli ni daddy na nasa loob na. Sabay kami ni Rhuz na tumuloy sa bahay.
Maaga pa naman at wala pang alas syete ng gabi. Ang aga ni daddy nakauwi, hindi ako sanay dahil mas nasanay ako na umuuwi siya na lagpas alas syete na.
Naupo kaming tatlo sa mesa matapos kong kumuha ng pitsel na may lamang tubig at tatlong baso. Magkatapat kami ni Rhuz habang si daddy naman ay nasa punong-upuan.
"So, what's that project all about?" Dad ask while looking at Rhuz. Nananatili lang akong kumakain at paminsan-minsan ay sinusulyapan silang dalawa.
"It's a painting about Maguindanao Massacre, sir" Magalang niyang sagot kay daddy.
"Kailan ipapasa at bakit kailangan kang gabihin, Ahra?" Ayon na naman si daddy sa tono niya. Pakiramdam ko gigisahin niya ako mamaya kapag wala na si Rhuz.
"Maaga ho kase kaming na dismissed dad, may meeting ang teachers namin kaya naisipan namin ni Rhuz na ngayon na lang gawin ang project. We haven't started it for about a week, at kailangan na siyang mapasa, dad, dahil sa friday na ang last day of submission" Mahabang paliwanag ko. Tatango-tango namang nakinig si daddy na nasa pagkain lang ang tingin. Habang si Rhuz ay nararamdaman kong sumusulyap-sulyap sa'kin. "I'm sorry dad, hindi ko ho sinadya na gabihin. Tinapos lang ho talaga namin 'yon para wala ng problemahin at maipasa na kaagad bukas" Pagpapaumanhin ko kay daddy. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at hinawakan ang kamay ko saka marahang ngumiti.

BINABASA MO ANG
NO REGRET FOR LOVE
General FictionJheyiene Ahra Gomez, the daughter of Jheyz Lhoyd Gomez meet Rhuziell Raze Cordova accidentally. An incident she didn't expected to happen. It changed their lives and never expected things will happen wonderfully like that ㅡ an almost perfect relatio...