ㅡ
"Naks, ikaw Ahra ha. Kaya pala ayaw mong landiin ko kaklase nating si Rhuz, selos ka pala"
Bungad agad ni Lalaine sa'kin ng makarating ako sa room. Hindi man lang ako hinintay na makaupo muna at malapag ang mga gamit ko, ang dami niya talagang nasasabi. Dapat hinanda ko na ang sarili ko sa mga pang-aasar niya e.
"H'wag mo akong asarin, kapag ako napikon. I re-reveal ko na nareject ka noon no'ng crush mo, ano nga ulit pangalaㅡ" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya bigla ang bibig ko.
"Oo na, tama na! Hindi na, heto naman oh. Parang hindi kaibigan e" Depensa niya agad at natawa naman ako sa reaksiyon niya. Buti na lang talaga at may alas ako, makakapag-aral pa rin ako ng tahimik.
Binabawi ko na pala ang sinabi ko, nandito na naman kase 'tong si Rhuz. Masyadong matapang porket sa call lang kami nagkausap kahapon, yabang. Love? Psh, ulol! Nakakadiri kaya.
"Hi, love" Mapang-asar na bati ni Rhuz sa'kin at nilagpasan agad ako. Mahina lang naman ang pagkakasabi niya pero rinig pa rin ng mga kakalase namin, grabe nga naman anh mga tainga nila kapag kalandian ang naririnig. Pero kapag quiz na, pinapaulit-ulit pa sinasabi ni ma'am.
"Naks, sanaol love" Kantyawan ng mga kaklase namin. Niyuko ko na lang ang ulo ko at nagsusulat ng kahit ano sa notebook habang naghihintay sa teacher namin.
Oo nga pala, hindi pa kami nakakapag plano ni Rhuz tungkol sa project. Masyadong kalandian ang inaatupag, hindi man lang ako pina alalahanan sa project. Psh!
Nakinig lang ulit ako at nag take notes. Natapos lang rin naman agad ang morning classes namin, kanina ko pa rin pinag pa-practisan kong paano ko i a-approach si Rhuz.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at panay na sumulyap sulyap kay Rhuz, natatakot ako. Baka kong ano ang isipin niya kapag niyaya ko siyang mag lunch, pero para naman sa project 'yon! Saka walang hiya-hiya kapag grades na ang usapan! Mabagsak na siya, h'wag lang ako.
"Woi, hindi ka ba sasama sa canteen?" Tanong bigla ni Lalaine.
"Hindi, may gagawin pa ako" Pagtanggi ko sa kaniya. Nakita ko ang mapang-asar niyang tingin, alam kong may sasabihin pa siya pero hindi niya rin itinuloy ng samaan ko siya ng tingin.
Nang makalabas silang lahat, sinulyapan ko ulit si Rhuz. Muntik akong mapatalon sa gulat ng makita ko na siya sa harapan ko! Wtf?! Kahit kailan talaga, baka mamatay ako dahil sa gulat nito e.
"Bakit ba ang hilig mong mang gulat!" Reklamo ko sa kaniya at kinuha na ang gamit ko.
"Bakit ba panay ang sulyap mo sa'kin ha?" Tanong niya rin at inilapit pa ng kaunti ang mukha niya sa mukha ko.
"E-eh k-kase ano" Nauutal na talagang saad ko. Hindi ko man lang matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa lapit ng mukha niya.
"Ano?" Saad niyang muli at mas nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
" 'Yong, p-projeㅡ" Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng biglang may tiningnan si Rhuz at kumunot ang noo niya. Tumingin naman ako sa may pintuan para tingnan kong anong meron do'n.
"A-Andrei" Utal na tawag ko kay Andrei ng makita ko siyang nakakunot na ang noo. Tiningnan niya ako at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. He is back with his cold stares.
"May pinapakuha lang si Ma'am. Sige, mauna na ako. Tuloy niyo na 'yan" Tunog sarkastikong saad niya saka kami iniwan. Anong itutuloy? Jusko naman.
"Tara na nga! Yayayain kase sana kitang mag lunch para mapag-usapan na natin 'yong tungkol sa project. May palapit lapit ka pa kase sa mukha mo e!" Dere-deretsong saad ko habang nakatayo lang si Rhuz sa harapan ko. Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'yon ah.
"I'm not available today, may lakad ako" Bumalik siya sa upuan niya para kuhanin ang bag niya at dere-deretsong naglakad palabas ng room.
"Anong nangyari do'n? Walk out? Psh!" Lumabas na lang rin ako ng room at naghanap ng tahimik na lugar. Mag pa-plano na lang ako mag-isa, para kahit available man siya o hindi, may maipapasa pa rin ako kay ma'am!
Ginagawa ko lang abala ang sarili ko kakaplano, kailangan kase naming maka create ng painting. May binigay na topic si ma'am at depende na lang daw sa'min kung alin do'n ang gagamitin para makabuo kami ng art work. Dapat daw unique, original, at malinaw 'yong message.
Hindi ako makapag-isip ng maayos, by partner siyang gagawin so paano ako makakagawa nito ngayon kung wala si Rhuz! Baka kapag pinakita ko sa kaniya ang plano ko e hindi niya pala magustuhan, baka ibang topic naisip niya.
"Jusko! Nakaka stress!" Humawak ako sa ulo ko at tiningnan ang papel na ginawan ko ng sketch sa mga ideya na pumasok sa isip ko.
"Because you haven't eat" Ayan na naman si Rhuz! Muntik na akong masanay sa mga pabigla biglang pagdating niya kaya minsan hindi na ako napapatalon sa gulat.
Umupo siya sa harapan ko, nasa may maliit na square garden kase kami. May kaunting benches at tables doon, saka presko pa ang hangin at hindi masyadong mainit dahil sa malaking puno.
"Ang dami-dami mong gustong gawin, nakalimutan mo ng kumain" Isa-isa niyang nilabas ang mga pagkaing nasa may plastik.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba 'I'm not available today, may lakad pa ako' " Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
"Wala, hindi ka naman kase pala marunong manuyo. Kaya bumalik na lang ako" Mahinang sagot niya pero narinig ko pa rin at 'yong ano daw? Manuyo? Anong manuyo? Hetong taong 'to talaga.
"Ha? Pinagsasasabi mo diyan?" Nakakunot ko siyang tiningnan matapos niyang mailapag ang mga pagkain.
"Wala, kain na tayo" Sagot niya lang at nauna ng kumain. Kumain na lang rin ako dahil kanina pa din ako nagugutom, tinatamad lang talaga akong tumayo at maglakad ulit papunta sa may canteen. Medyo malayo rin saka mainit pa.
"Ano 'to? Taong naipit?" Kunot-noo niyang tiningnan ang ini-sketch ko kanina.
"Anong naipit? Kita mo bang kamay 'yan ha?" Pagklaro ko sa ini-sketch ko. Grabe makapanlait, anong naipit? Kita namang kamay 'yon e.
"Anong topic ba napili mo?" Tanong niya habang umiinom sa inumin niya.
"Tungkol sana do'n sa Maguindanao Massacre" Tumango-tango lang siya at tiningnan ng maigi ang ini-sketch ko. "I mean, initial pa lang naman 'yan. Hindi pa naman 'yan ang final since hindi pa naman tayo nakapag plano, saka baka ibang topic gusto mo" Pagpapaliwanag ko. Para namang wala siyang pakialam at tiningnan lang ang ini-sketch ko.
"Hmm, it's good thou. Your ideas are good, base on your sketch" Pag ko-komento niya. Tiningnan niya ako at parang naghihintay ng sasabihin ko, naghihintay lang rin ako kung anong sasabihin niya. Jusko, naghihintayan lang kami.
"S-so ano? Approve ba?" Alanganing tanong ko habang nakatingin mismo sa mga mata niya.
"Yeah, why are you acting like you're scared of me? I won't bite you" He chuckles and continue drinking on his drink.
"Kailan natin gagawin?" I ask innocently.
"When you're ready" Makahulugang sagot niya.
ㅡ
BINABASA MO ANG
NO REGRET FOR LOVE
General FictionJheyiene Ahra Gomez, the daughter of Jheyz Lhoyd Gomez meet Rhuziell Raze Cordova accidentally. An incident she didn't expected to happen. It changed their lives and never expected things will happen wonderfully like that ㅡ an almost perfect relatio...