ㅡ
Natuloy ang gusto niya na mag dinner daw kami after class. Sabay kaming lumabas sa room matapos ang afternoon classes namin, ordinaryong dinner lang naman daw kaya hindi na namin kailangang magpalit pa ng damit.
Dinala niya ako sa isang resto na malapit sa dalampasigan, more like open restaurant iyon at kitang-kita ko ang view. Simple lang ang design no'n pero eleganteng tingnan lalo na at moderno ang mga kagamitan.
"Good evening Sir, Ma'am" Bati ng isang babae.
"Good evening. Reservation for Mr. and Mrs. Cordova, please" Saad niya sa babae. Tiningnan ko siya matapos banggitin 'yon na para bang totoo, psh. Misis daw e nanliligaw pa nga lang siya.
"This way Ma'am, Sir" Nginitian ko lang ang babae at sumunod kami sa kaniya. Inalalayan aki ni Rhuz na maupo saka siya naupo sa harapan ko.
Maganda ang tanawin mula sa mesa namin, makikita ang palubog na araw. Kalmado lang rin ang dagat at nahahawa ito sa kulay ng araw. Malapit ng mag alas sais kaya dumudilim na rin ang paligid.
Hindi nagtagal ay sinerve na ang pagkain namin. Kami lang ang naka uniporme na pang estudyanteng nakaupo doon pero parang wala namang pakealam si Rhuz sa mga suot namin.
"Let's eat?" Aya niya at tumango lang rin ako saka nagsimulang galawin ang pagkain.
"How's your day?""Okay naman, wala masyadong ganap. Ikaw, kamusta?"
"I'm totally fine, mula pa kagabi" Matamis siyang ngumiti. Halata ngang masaya siya, alam ko naman kong bakit. Ano pang dahilan para magtanong ako, tss.
"Kumain na nga tayo" Hindi ko matagalan ang mga titig niya, lalo na ang ngiti niya na mas matamis pa sa dessert. Natawa siya sa iniasta ko at kumain na lang rin.
Matagal-tagal rin kami doon dahil sa dami ng pagkaing inorder niya, ewan ko kong pang dalawang tao lang ba 'yon. Buti na lang at naubos pa rin namin, ngayon ko lang rin nahalata na medyo matakaw pala siya, lalo na pagdating sa seafoods. Seafood ang specialty ng restaurant at talaga namang napakasarap. Ito siguro ang isa sa paborito niyang restaurant dahil kanina ko pa nahahalata na todo ngiti ang mga crew sa kaniya, marahil ay madalas siya dito. Dahil rin siguro paborito niya ang mga pagkaing inihahanda dito.
"Maglakad-lakad muna tayo do'n, medyo marami ang nakain ko e" Aya ko sa kaniya matapos makapag bayad. Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa gilid ng dagat.
Kong kanina ay makikita ang palubog na araw. Ngayon ay makikita mismo sa kinatatayuan namin ngayon ang malaki at hugis bilog na buwan na tila hinahalikan ang dagat. Napaka kalmado ng paligid, tanging ang tinig ng mga alon lamang ang maririnig.
"Are you okay?" Pagbasag ni Rhuz sa katahimikang namumutawi sa pagitan naming dalawa. Nakaupo na kami ngayon sa isang kahoy na malaki.
"Oo, salamat" Sinsero kong saad na nakapagpangiti sa kaniya.
"Kanina lang ayaw mong makipag dinner, ngayon nagpapasalamat ka na"
"Sino ba naman kaseng matutuwa do'n e bigla-bigla ka namang nag de-desisyon ano"
May bahid ng inis kong saad pero sabay lang rin kaming natawa pareho."I'm sorry, hindi kase ako mahilig mang-aya ng nakaplano na lahat e. Kapag naisipan ko lang saka kita aayain, pumayag ka man o hindi. Hahahaha"
"Sira ka talaga"
"Sira ulong nabibighani sa'yo" Idinugtong niya iyon ng nakatingin mismo sa mga mata ko. Nakangiti siya pero kitang-kita sa mga mata niya na ang sinseridad. Dahil sa hindi ko iyon inaasahan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dahilan para mailang ako at mag-iwas ng tingin.
"B-bakit mo ako naisipang ligawan?"
"Hmm, hindi ko alam. Basta ang alam ko, no'ng una pa lang kitang makita, gustong gusto na kitang makilala" Sinabi niya iyon na parang inaalala ang araw na iyon. Sinalubong niya ang mga mata ko at seryoso akong tiningnan. "Are you.. healed?"
"H-ha?" Wala naman akong sakit. Bakit siya nagtatanong ng gano'n?
"I mean.. di ba kase ano, I-i get to know you more because you and that guy broke up? So I was just asking if youㅡ"
"Hindi ko naging boyfriend si Andrei, Rhuziell" Pagputol ko sa sasabihin niya. Kaya pala, tama pala ako, 'yon ang akala niya kaya sinabi niya noon na I can use him daw. Hay nako, kasalanan ko rin bakit hindi ko sinabi agad.
"W-what?" Hindi makapaniwala niyang saad. Nakaka guilty naman, the whole time iyon siguro ang akala niya.
"I-I'm sorry. Ano.. h-hindi ko ex boyfriend si Andrei, boy bestfriend ko siya"
"Really?"
"Oo, sorry" Sinsero kong paumanhin. Nakatungo lang ako sa kaniya ngayon, hindi siya kayang tingnan sa mga mata dahil sa hiya. May instinct na ako noon pa na gano'n ang akala niya tungkol sa'min ni Andrei pero hindi ako nagpaliwanag.
"All this time.. I-i thought you're into that guy" Iniangat ko ang paningin ko para makita ang reaksiyon niya. "Bakit hindi mo sinabi?" Malambing niya 'yong tinanong na para bang hindi ako nagsinungaling sa kaniya. Hindi man lang siya kakitaan ng galit o inis.
"E kase ano, no'ng time na nasa coffee shop tayo, gusto kong sabihi sa'yo na baka mali ang pagkaka interpret mo kaso nakalimutan kong sabihin.."Pahina ng pahina kong saad dahil sa hiya. Kinalikot ko ang mga daliri ko at hindi na makatingin sa kaniya."Tapos ano.. no'ng tinanong kita if okay lang ba na magpanggap tayo, h-hindi ko na sinabi kase baka maguluhan ka at hindi mo maintindihan ang paliwanag ko.." Pagpapatuloy ko. Nanatili lang siyang nakikinig at hindi na yata inalis ang tingin niya sa'kin. "S-sorry" Nahihiya man ay isinatinig ko pa rin. Gusto ko ng maiyak sa hiya, gusto kong tumakbo pabalik sa resto, gusto ko ng umuwi. Ang daming laman ng isip ko at mas naging dahilan lang 'yon para maramdaman ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. Ewan ko ba kong bakit ako nagkakaganito, naiiyak ako dahil hindi ako nagsabi ng totoo sa lalaking 'to. Noon namanay wala akong pakealam sa kong ano ang opinyon niya tungkol sa'kin, pero ngayon ayokong isipin niya na hindi niya ako dapat magustuhan dahil sinungaling ako.
'Ano ba Ahra.. pigilan mo 'yang luha mo'
"Hey" Naramdaman ko ang dalawang kamay ni Rhuz sa mukha ko. Dahan dahan niyang iniangat ang mukha ko na para bang mababasag 'yon, at iniharap niya ako sa kaniya.
Mas lalo lang akong nahiya ng magpigil siya ng tawa pagkakita sa mukha ko. Yuyuko na sana uli ako pero iniangat niya ulit ang mukha ko para iharap sa kaniya.
"All this time.. I was just sitting at the back, seeing you with that guy and thinking he was your freaking boyfriend" Natatawa niyang sambit. "I.. I was just you know, waiting for you and can't take my freaking shot to make a move because of that guy" Hindi ko alam kong galit ba siya o ano. Hindi naman siya galit o naiinis sa tono niya, pero ang mga salita niya parang may bahid ng inis at panghihinayang.
Hindi niya pa rin binibitiwan ang mukha ko kahit hindi na naman ako nagtangkang yumuko ulit. Tiningnan niya ako sa mukha at sinuyod ang kabuuan no'n na para bang hindi niya pa nakikita ang bawat sulok ng mukha ko.
"I've been waiting for you, how come you didn't tell me that you're single back then. I would have treat you like my wife"
ㅡ

BINABASA MO ANG
NO REGRET FOR LOVE
Fiksi UmumJheyiene Ahra Gomez, the daughter of Jheyz Lhoyd Gomez meet Rhuziell Raze Cordova accidentally. An incident she didn't expected to happen. It changed their lives and never expected things will happen wonderfully like that ㅡ an almost perfect relatio...