ㅡ
"Ahra, nandito na si Rhuz. Hinihintay ka"
Nagising ako dahil sa boses ni Daddy. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Pumunta ako sa bathroom para maligo, nag-ayos ako ng sarili at binitbit ang gamit ko saka bumaba. Wala sa sarili kong nilagay sa couch ang mga gamit ko saka dumeretso sa kusina.
"Good morning"
"Good morㅡ" Hindi ko natapos ang sasabihin ng mapamilyaran kong kaninong boses 'yon. Nasa mesa si Rhuz, naglalagay ng mga plato. Si Daddy naman ay nasa kitchen, hinahain ang kanin.
"B-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong. Hindi makapaniwala na nandito siya ngayon, ang aga aga pa masyado.
"I told you, susunduin kita" Pagtukoy niya sa text kagabi. Hindi ko alam na totoo pala 'yon, akala ko jino-joke time niya lang ako.
"Hindi naman kailangan e"
"I'm already here" Napairap ako sa rason niyang 'yon. Ewan ko ba kong bakit siya ganiyan, wala naman sa usapan ang ganitong pasundo-sundo.
"Oh, Ahra. Nandiyan ka na pala" Pagsingit ni Daddy na may dalang plato ng kanin.
"Oo Dad, bakit hindi niyo sinabi na nandito pala 'to"
"Hindi mo ba narinig? Sinabihan kita kanina ah. Ang lakas nga no'ng pagkakasabi ko e"
"Ha? Hindi ko po narinig, Dad" Kunot-noo kong tugon. Dahil siguro sa kalutangan ko 'yon kaya hindi ko narinig ng maigi ang sinabi niya kanina, basta ang alam ko kumatok lang siya at may sinigaw.
"Nako ka, marami ka na sigurong tutuli" Pagbibiro niya na sabay nilang dalawa na tinawanan. "Halika na, kakain na tayo. Baka ma-late pa kayo" Dumulog na kaming tatlo sa mesa at nagdasal saka kumain. Tahimik lang ako, sinasadyang bilisan ang pagkain para hindi na humaba ang kwentohan nilang dalawa, baka kong saan pa mapadpad. Jusko.
"Nga pala, Tito. Can I take Ahra for dinner tonight?" Nasamid ako sa tubig na iniinom ko! Nag panic silang dalawa at sinubukan akong pakalmahin dahil umuubo pa rin ako. Bakit naman kase kong kailan iinom ako ng tubig saka magtatanong ng gano'n, badtrip.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Rhuz. Lumapit siya sa'kin at tinapik tapik ang likod ko. Masama ko lang siyang tiningnan saka umayos ng upo, nakakainis.
"Okay ka lang ba, nak?" Si Daddy. Tumango lang ako bilang tugon at bumalik na sa pagkain, nakikiramdam lang ako sa kanilang dalawa. "What was that again, hijo?"
"I was asking po if I can take Ahra for dinner tonight, Tito"
"Yeah, sure. Basta kailangan before 10 pm, nakauwi na siya" Pagsang-ayon ni Daddy. Pinagkakaisahan talaga ako ng dalawang 'to.
"Hindi naman ako pumayag ah" Malakas na loob kong saad. Napamaang silang dalawang tumingin sa'kin, lalo na si Rhuz na parang trinaydor ko siya.
"You're joking, right?"
"No, I'm not. Ayokong makipag dinner sa'yo"
"Really?" Nauubusang pasensiyang saad niya. Akala niya yata ah.
"Oo, ayoko. Saka bakit ba kailaㅡ"
"Sir, can I court your daughter?" Naputol ko ang sasabihin ng biglang seryoso iyong sinabi ni Rhuz at walang halong pag-aalinlangan. Maski si daddy ay napamaang dahil sa gulat, lalo na ako.
"What?" Gulat kong sambit.
"What?" May bahid ng inis niyang saad.
"Seryoso ka ba?"
"Oo, I don't do jokes" Seryoso nga talagang saad niya. Hindi ko alam kong anong trip nito at kong anu-ano ang sinasabi.
"Wait, let me talk. Will you both stop?" Singit ni Daddy at parehas naman kaming nanahimik. "Seryoso ka ba talaga, hijo? Kanina dinner lang, ngayon ligaw na" Napapailing na saad ni Daddy saka bumuntong hininga kay Rhuz.
"Yes, Sir. I'm definitely sure about courting your daughter" Napairap ako sa sinagot niya. Nakakainis! Gusto kong magrebelde pero parang tinatraydor ako ng puso ko ngayon. May parte sa'kin na nagugustuhan ang mga nangyayari.
"Okay, I can see that" Tila nag-iisip ng malalim si Daddy kong papayagan niya bang manligaw o hindi. "I'll.. I'll let you court her, pumayag man siya o hinde. Basta, sundin mo ang mga kondisyon ko. Malinaw ba?" Tila nagliwanag ang mukha ni Rhuz at ako naman 'tong hindi makapaniwala sa sinabi ni daddy. Did he just said that? Pumayag man ako o hindi, really? Psh.
"Thank you, Sir. I promise I won't hurt your daughter" Masayang ani Rhuz.
"Aalis na ako" Tumayo na ako at walang pasabing kinuha ang gamit ko sa couch saka padabog na lumabas ng bahay. Nakakainis!
Bakit ba kailangang mangyari ang ganito? Anong ligaw-ligaw e wala naman 'yon sa usapan ah. Isa pa 'tong si Daddy, payag ng payag. Nakakainis.
"Ahra, wait"
"Bakit ba?!" Pasigaw na saad ko dahil sa inis. Napaatras siya ng bahagya dahil sa gulat.
"A-are you mad?"
"Anong gusto mo, matuwa ako? I can feel that you're just making fun of me. Stop it, Rhuz"
"No" Nahuli niya ang palapulsuhan ko ng akma ko siyang tatalikuran. "I'm serious, I really.. really like you, Ahra. I wanna prove it to you, just give me a chance" Walang maski katiting na bahid ng pagbibirong aniya. Halata sa mukha, tingin at ang pagkilos ng mga labi niya na seryoso talaga siya.
"W-why me?" Mahinahon ko na ngayong tanong. Naguguluhan pa rin ako kahit nakikita ko naman kong gaano siya kaseryoso.
"Why not you? I've been finding you for so long, my love. And I won't let this opportunity gone, I promise I will take care of your heart"
"Pero kase ano.." Hindi ko alam kong anong idudugtong sa sasabihin ko. Nakatingala ako ng bahagya sa kaniya ngayon dahil sa lapit niya, hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko at ni minsan ay hindi niya inalis ang paningin sa'kin. Mula sa kinatatayuan ko ay ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga kamay niya at ang mga paglunok niya. Maski ako ay gano'n rin, ang lakas ng tibok ng puso ko na parang nagkakarera, ramdam ko rin ang panginginig ng mga binti ko. Pero ang mas nangibabaw sa'kin ay ang mga salitang sinabi niya na nagdulot ng kong anong kiliti sa sistema ko, para bang nagugustuhan ko 'yon at sumasang-ayon ako sa mga sinabi niya. Ngunit may parte sa'kin na hindi mapakali, natatakot pa rin ako.
Natatakot ako na baka ngayon lang 'to. Na baka bukas ay hindi niya na pala ako gusto, na baka naguguluhan lang siya at maisipan niya na mali lahat ng sinabi niya. Natatakot ako na baka iwan niya ako kong sakaling bigyan ko siya ng pagkakataong ipakita at iparamdam sa'kin na gusto niya talaga ako, mas natatakot ako na baka.. iwan ko rin siya pagdating ng panahon. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak dahil sa'kin, pero paano ko lalabanan ang damdamin ko, alam kong kahit hindi man ito nangyari ngayon ay mahuhulog pa rin ako sa kaniya anomang oras o araw.
"I like you, Jheyiene Ahra Gomez. No but's, no doubts, no why's. I will prove it to you, my love"
ㅡ
BINABASA MO ANG
NO REGRET FOR LOVE
Ficción GeneralJheyiene Ahra Gomez, the daughter of Jheyz Lhoyd Gomez meet Rhuziell Raze Cordova accidentally. An incident she didn't expected to happen. It changed their lives and never expected things will happen wonderfully like that ㅡ an almost perfect relatio...