i

132 2 0
                                    

∞ i ∞


"Sorry, break na tayo."


I simply said before standing up, leaving the i-don't-know-the-name guy. He quickly grabbed my arms at nakaramdam agad ako ng inis. Bwisit, ha!


"Lavy, please, mag-usap tayo ng masinsinan," he begged. I rolled my eyes.


"Hindi pa ba sapat 'yon?" I asked while forcing him to let my arms go. Sensitive pa naman ang skin ko! Gosh, naiinis na ako!


"Hindi pa 'yon sapat, Lavy!" He pointed out. I looked at him boredly. "Please naman..."


"I don't even remember your name," I said straightforwardly. "Tapos na tayo."


I said in finality before walking away. Ugh, maghahanap na naman ako ng pwedeng kalandian. I'm bored as hell! I immediately called Scythe's number.


"Sunduin niyo na 'ko," I said while tapping my foot on the ground. The heat of the sun was hugging my skin with its cold wind. Ayos lang namang mainit basta malamig ang hangin.


[Saan ka na ba?] She said while breathing heavily. I bet she's walking while talking with me on the phone.


"Nasa may Leota Avenue ako," I answered while looking around. I heard her hissed.


[Oh, ayan! Jowa pa ng taga-Leota! Ang layu-layo, kami pa naghihirap kaysa sa 'yo!] I pouted while hearing her lecturing me.


"Bilis na! Naiinitan na ako rito!" I complained while pouting. "Mamaya na 'yang sermon mo sa 'kin."


Hindi na 'yan matitigil kapag nasimulan na niya ang pagsermon sa 'kin. Daig niya pa magulang kong wala namang pakialam.


[Oo na!] After that, she ended the call.


Medyo malayu-layo nga mula sa Clara hanggang dito sa Leota, pero mas malayo mula rito hanggang Vivere! Gosh, sana pala hindi na ako nagpunta rito! Sayang sa time!


Kalandian lang naman ang hanap ko! Mabuti na lang talaga at nakita kong may nilalanding iba 'yung i-don't-know-the-name guy! Hindi na ako nahirapang i-break 'yon!


And besides, he's too sad boy and manipulative. Akala ata niya mahuhulog ako sa mga paawa niya. Sayang, gwapo sana. But, the hell I care with his looks.


Mas bet ko 'yung family-oriented, magalang, siyempre mabait na medyo masungit, ganoon. I don't even know if that exists but I don't fucking care.


As I was waiting for my friend, I stared at their school who have a huge 'Leota Avenue Academy' letter with a logo, and every student at Leota. Hindi kagaya naming Viverenine, Leotans are more focused on Academics. They exerts in it more.


Lahat ata ng kakilala kong Leotans ay puro seryoso sa pag-aaral, which I really envy. Tamang pa-chill-chill lang ako. I really love procrastinating. Ilang beses na nga akong pinagsabihan ni Scythe, but still, I chose to cram.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon