∞ xxiii ∞
"You okay?"
Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Lyle. Ngumiti ako sa kaniya habang sinusundan siya ng tingin habang nauupo siya sa upuang nasa harap ko.
"Uy, naparito ka?" Bati ko sa kaniya. Nandito ako ngayon sa Vivere Park para tumambay. Napataas naman ang kilay niya.
"Why? Ikaw lang ba ang may karapatan dito?" Hindi ko maiwasang mapasimangot sa sagot niya. Nawala lang, pagkabalik, naging masungit na! "But... are you okay? You seemed bothered."
"Halata ba?"
"Yes," agarang sagot niya kaya napakamot ako sa ulo.
"Wala 'to. May iniisip lang," sagot ko na lang. "Anyways, napunta ka rito sa Vivere, ah? Ano'ng ginagawa mo rito?"
He shrugged. "Just strolling around."
"Ang layo naman pala ng inabot ng strolling mo na 'yan. Umabot pa talaga rito," sarkastikong sabi ko sa kaniya pero sinago niya lang 'yon ng tawa. Napatingin ako sa wrist watch ko. It was already 12 in the afternoon. "Kailangan ko na palang mag-enroll."
"You're going to enroll just right now?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumawa ako saka tumango. "Oo, nawala sa isip ko, e! Aalis na ako. Au revior!"
"You want accompany?" Naninigurong tanong niya pero iniling ko na lang ang ulo.
"Hindi na, salamat. Yakang-yaka ko 'to, 'no!" Nakipag-fist bump pa ako sa hangin bago nagpaalam ulit at umalis doon sa park. Nakasalubong ko pa si Chaos, mukhang tapos nang magpa-enroll. Binati ko lang siya bago pumasok sa SVA.
"Ano'ng oras na, ngayon ka lang magpapa-enroll?" Tanong sa 'kin ng registrar. "Magla-lunch na kami."
Napakamot ako sa ulo. "Ihabol niyo na lang po ako, mabilis lang naman po, e. Same course pa rin po."
"Hay nako, Ms. Garcia," umiling-iling ang registrar bago trinabaho ang enrollment ko. Napangisi ako ng palihim. Tulad nga ng sinabi ko, mabilis natapos ang enrollment ko kaya nakalabas agad ako sa registration office.
Napabuntong-hininga ako nang makarating ako sa dorm ko. Nakipagtitigan lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Naisip kong tawagan si Aurelio since tapos na ang shift niya sa trabaho. Hindi pa naman ako nakakapagbihis kaya pwede pa akong humabol para sa gala.
Lavy:
saan ka? tapos na ba shift mo?
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya nakapag-reply.
BINABASA MO ANG
City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)
Teen FictionAVENUE SERIES #1 When the lavender meets the rose-like guy under the city lights of the avenue, she knew it wasn't a play anymore. She fell, hardly to the bone.