xxxvi

36 1 0
                                    


∞ xxxvi ∞


"Good afternoon, Tito..."


Ngumiti ako nang kaunti at inilapag sa tabi ng lapida ang pumpon ng bulaklak na dala ko. Umupo ako sa lupa at nilinisan ang lapida bago nagsindi ng kandila bago bumulong ng dasal.


"Pasensya na po at ngayon lang ako nakabisita," I said when I finished praying. "Ngayon lang po ako nagkalakas ng loob, e," saka ako natawa nang mahina. "Kumusta po kayo? Hindi mo naman po siguro pinapabayaan sina Aurelio?"


Ngumiti ako nang mapait. "Pasensya na, Tito..." Ramdam ko na agad ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko nang sabihin ko 'yon. "Pasensya na dahil natagalan ako sa paghingi ng tawad... Pasensya na dahil mas napangunahan ako ng t-takot...


"Sa mga panahong sinasaktan ako ng mga magulang ko, takot palagi ang nararamdaman ko. Kaya noong panahong nalaman kong sina Mommy at Daddy ang dahilan nang pagkamatay mo, takot akong baka isunod ako... Kaya hindi ko magawang magsumbong...


"Nakaka-konsensya dahil maraming naagrabyado dahil sa pnanahimik ko..." I smiled sadly as I remembered how those witnesses received threats from my parents. "Kaya ngayon, gagawin ko na kung ano'ng sa tingin ko ang tama, Tito... Gagabayan niyo po pa rin ba ako kahit wala na kami ng anak niyo?"


I chuckled painfully. "Mahal ko naman po, Tito. Sadyang mali lang talaga... Tignan mo po kung saan kami dinala ng pagmamahal... Nakakapanghinayang lang po kasi minahal ko po ng totoo si Aurelio..."


Bigla kong naalala 'yung mga panahong magkasama pa kami. Napangiti na lang ako nang mapagtantong ang dami rin naming masasayang alaala... bago nangyari ang mga bagay-bagay.


Pinahid ko na ang luha ko bago ngumiti sa lapida ni Tito. Nakaupo lang ako roon habang paulit-ulit na binabasa ang pangalan ni Tito Antonio. Lumipas ang ilang minuto at tanging huni ng mga ibon ang naririnig ko bago ako tumayo.


Pinagpagan ko ang damit bago ngumiti ulit sa lapida ni Tito. "Masaya po akong nakabisita rito, babalik po ako kapag natapos ko na ang lahat. Gusto ko pong mawala muna ang bigat sa dibdib ko bago bumalik dito..."


After that, I bid my goodbye. Nagmaneho agad ako sa susunod kong pupuntahan. I already thought about this, I just hope I made the right decision. I drove all the way to the jail where they were prisoned.


I don't know what's gotten to me, but this is the second step of making everything right... After visiting Tito Antonio's grave, I'll visit my parents. I have to talk to them, and I'll try my best to be calm.


But as for this moment, I was never calm. My fingers were shaking while I'm making my way at the visitor's room. The police assisted me inside. I smiled a little before sitting on the chair. I was fiddling my fingers when the police told me to wait for a while.


That's what I did. I waited even though I was uncomfortable. I heard the door opened but I didn't threw them a glance. Alam kong sila na 'yan...

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon