iv

57 3 0
                                    

∞ iv ∞


"A-anong ginagawa mo rito?"


Napakurap-kurap pa ako sa mata habang hindi makapaniwalang narito siya sa tabi ko habang kinakausap ako! Gosh, tadhana nga naman at paborito ako!


"Why? Am I not allowed to come here?" Tanong niya habang tinataasan ako ng isang kilay. Napanguso ako. Ang ganda ng kilay, ah? Mas plakado pa kaysa sa 'kin!


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kinausap niya ako! Shit, mukha pa naman akong sabog ngayon! Napapikit ako sa inis at iniwas ang paningin sa kaniya para itago ang mukha ko.


Napatitig ako sa plates ko at agad nahiya. Shit, bakit pa kasi sa dinami-dami ng panahon, ngayon pa niya napiling pansinin ako gayong pangit na pangit ako sa sarili ko!


"So, do you need help?"


"H-huh?" Nagulat ako! Hala, nag-offer siya ng tulong! May progress na talaga! Kaso nahihiya ako. Kahit papaano ay may hiya pa naman ako sa katawan, 'no!


"I don't like repeating my words, Miss," he said boredly. Napanguso ako.


"H-hindi na... Kaya ko pa."


Nagkibit-balikat siya. "Well," agad siyang tumayo at iniwan ako rito! Napaka talaga! Hindi man lang ako pinilit! Nakasimangot tuloy ako habang pinagpatuloy ang plates. Hmp!


Nakahalumbaba ako habang nagpatuloy sa pag-sketch. Sketch na lang muna para hindi gastos sa illustration board. Nag-iipon ako para kung sakaling gusto kong mag-iba ng course ay may magagamit ako sa pag-aaral.


Napaangat ako ng tingin nang may biglang maglapag ng kung ano sa lamesa ko. Napaawang ang labi ko ng makita si Aurelio!


"Akala ko umuwi ka na?" Kunot-nuong tanong ko pero imbes sagutin ang tanong ko ay umupo siya sa harapan ko. 'Yung inilapag niya kanina ay dalawang kape. Nagulat nga ako ng ibigay niya 'yung isa sa 'kin!


Tahimik lang siya kaya tumahimik na rin ako. Nakakahiya namang daldalin siya kahit kating-kati na 'yung bibig ko! Para maiwasang magkuda ay nagpatuloy na lang ako sa pag-sketch.


Dahil sa presensya niya ay agad kong natapos ang sketch ko na para bang ang dali-dali lang! Siya lang pala ang alas para gumana ang creative juices ng utak ko!


Nakangisi ako habang tinatanaw ang sketch ko. Sketch pa lang 'to, paano pa kaya kung inayos ko na sa illustration board 'di ba?


"Is it done?" Napalingon ako kay Aurelio nang magsalita siya. Kahit nagtataka ay tumango ako.


"Yeah? Why?"


Mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang inilahad niya sa 'kin ang kamay niya kaya napatingin ako doon. Napaawang ang labi ko. Shit, ang ganda ng kamay! Ang hahaba pa ng mga daliri! Paano pa kaya kung magho-holding handa kami?

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon