∞ vi ∞
"Ayos na ba ang lahat? Nailagay na sa SUV?"
Pagfa-follow up ni Lyle habang inilalagay namin sa loob ng SUV ang mga instrumento naming gagamitin sa Battle of the Bands.
Tahimik kong tinulungan si Sol sa pagbubuhat ng electric guitar ni Forest, sunod ang acoustic guitar ko, at ang keyboard niya.
"Ayos ka lang po?" Napalingon ako kay Sol nang magtanong siya. Dahan-dahan akong tumango at ngumiti ng kaunti.
"Kinakabahan lang," sagot ko saka pumasok sa SUV. Drumsticks lang 'yung dala ni Chaos dahil 'yung mga Leotan daw ang magpo-provide sa drums set. Pati na rin sa speaker na gagamit sa mga gitara namin.
"Gagi Lavy, ikaw ba 'yan?" Inilapat ni Chaos ang palad niya sa nuo ko. "'Yung Lavy na kilala ko hindi naman kinakabahan sa Battle of the Bands!"
"Ayan, sige! Landi pa ng taga-Leota. Anong napala mo?" Umirap ako sa komento ni Scythe.
"Bakit ba galit na galit ka, ha?! Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo!" Utas ko habang nakasimangot.
"Sampalan! Sampalan! Sampalan!" Sabay na sigawan nina Chaos at Forest habang pumapalakpak. Hindi ko sila pinansin at nag-cling lang sa braso ni Scythe.
"'Wag ka nang magalit, bhie! Anong gusto mo, milktea, burger, fries, or prutas?" Tanong ko sa kaniya.
"All of the above, pwede?"
"Ano ba 'yan, nag-iipon nga ako! Wala sa choices 'yan!" Reklamo ko. Nagkibit-balikat lang siya. Sungit! Huling sumakay si Lyle at umupo sa driver's seat.
"Ayos niyo mga pards, ah, ginawa niyo pa akong driver," Lyle sarcastically said and clicked his tongue. Napatawa ako. They chose Lyle to drive. Napaka-reckless daw mag-drive ni Chaos at nakaka-trauma raw kaya hindi na nila aasahan si Chaos.
Narito kami sa Luminous dahil si Sol ang huli naming sinundo since malapit lang mula sa Luminous Avenue ang Leota Avenue. Nandoon din kay Sol ang gitara namin ni Forest.
Mga one hour lang naman 'yung biyahe pero dahil sa traffic ay nadagdagan ng 30 minutes! Puro kadaldalan lang naman namin ni Chaos ang namamayani sa SUV. Puro nga walang kwenta 'yung mga sinasabi ni Chaos! Mabuti na 'yung akin, may sense!
Lyle pulled the car over when we reached the LAA's parking lot. Napalingon ako sa may bintana at nakitang maraming kotse na ang naka-park, mabuti na lang at may napag-parking-an kami. Marami na rin ang mga estudyanteng pumapasok sa gate.
Naghalu-halo na ang mga estudyante mula Luminous, Leota, Vivere, at Clara. Bumaba na kami sa SUV at isinukbit ko sa balikat ang lalagyan ng gitara ko.
Si Chaos na ang nagdala ng keyboard ni Sol since drumsticks lang naman ang dala niya. Sana all. Pero ayos na rin dahil hindi naman ako sanay gumamit ng ibang gitara.
BINABASA MO ANG
City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)
Ficção AdolescenteAVENUE SERIES #1 When the lavender meets the rose-like guy under the city lights of the avenue, she knew it wasn't a play anymore. She fell, hardly to the bone.