v

57 2 0
                                    

∞ v ∞


"So, ano, 'di mo na crush?"


Nakataas ang kilay ni Scythe habang tinatanong 'yon. Agad nagsalubong ang kilay ko.


"Grabe, wala naman akong sinabi! Nako-konsensya lang ako! Kasi 'di ba, nilalandi ko siya tapos nakikita niyang may kalandian akong schoolmate niya," explain ko uli sa kaniya.


"Medyo makapal ka sa part na nakikita ka niya," umirap ako. Napasapo siya sa nuo niya at napapikit ng mariin. "Jusko, pati ako namomroblema!"


Napangiti naman ako nang marinig ko 'yon. "Thank you!"


What I said was genuine. Nagpasalamat ako dahil kahit papaano ay nalalaman kong tinutulungan niya ako sa simpleng problema lang na sinasabi ko.


"So, anong plano mo?" Tanong niya sa 'kin. Nagkibit-balikat ako.


"Ewan," sagot ko. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay ia-uncrush ko siya!"


Nakaturo pa ako sa kaniya habang sinasabi ko 'yon. Bakit ko ia-uncrush 'yon? Hindi naman ako ganoon kabobo para gawin 'yon!


"Gaga ka talaga, 'pag talagang malaman kong laro na naman 'yan, sasabunutan kita," banta niya sa 'kin kaya lumawak ang ngiti ko.


"Excuse me, baka ako pa 'yung masaktan sa 'ming dalawa!" Sagot ko pabalik dahil totoo naman. 'Yon ang pakiramdam ko, e. Malakas pa naman 'yung radar ko pagdating sa ganito.


Umirap si Scythe pero hindi na nagsalita. Sumandal muna ako sa puno habang nag-iisip ng pwedeng gawin ngayon. Sabado ngayon, may klase si Aurelio kaya hindi ko siya magugulo.


"Ang tagal naman ng mga hinayupak," bagot na reklamo ko at naghalumbaba. Gusto ko sanang mag-mall kasama sila.


"Malapit na raw sila," sabi ni Scythe at uminom ng tubig.


"Hindi ba kayo busy?" Tanong ko. Baka kasi may ginagawa pa sila tapos siningit lang nila 'tong lakad namin sa mall! Kargo-konsensya ko pa, ayaw ko no'n!


"Ayos lang," walang kwentang sagot ni Scythe.


"Anong 'ayos lang'? Rate from one to ten, highest ang 10."


"11," napasimangot ako sa sagot niya.


"Busy ka pala, e! Bakit ka pa sasama?"


"Ay sis, hindi pwedeng maglakwatsa? Kailangan bang ikaw lang?" Napairap na lang ako sa sinagot niya. Sinagot niya ng tanong ang tanong ko! Ang hirap talagang makipag-away sa matalino! Bobo na nga ako, mas nabobobo pa ako!


Para pamatay sa pagkabagot ay kinuha ko na lang 'yung phone ko. Kating-kati na nga akong i-chat si Aurelio kaso baka nasa class pa. Ang weird nga, e. May class pala sila sa Saturday.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon