xii

48 2 0
                                    


∞ xii ∞


"Hindi ko nga alam na nililigawan niya ako! I mean, he didn't say anything!"


Pagke-kwento ko sa kanila sa pangyayari. Paminsan-minsan ay tumitili rin ako habang nagke-kwento. Habang tumatagal siya sa isip ko ay mas lalo lang akong kinikilig!


"TMI nga! Anong sinabi niya, 'yung exact talaga," pangungulit ni Chaos.


"Masyado na po kayong chismoso, Chaos," pabalang na sagot ni Sol kaya tumawa kaming dalawa ni Forest ng malakas.


Hindi makapaniwalang bumaling si Chaos kay Sol. "Wow, sumasagot ka na ha!"


"Sinasabi ko lang naman po iyong totoo," inosenteng sabi ni Sol at kumagat ng tinapay niyang kanina pa hawak.


"Tulad nga ng sinabi ko, tinanong ko siya kung kailan niya ako liligawan kasi nga naiinip na ako. Kung hindi niya ako liligawan ay ako ang manliligaw! Tapos e 'to 'yung sinabi niya..."


Tumigil muna ako sa pagsasalita at uminom muna ng tubig para inisin sila. Siyempre, kailangan ng kaunting suspense 'no! Nahalata naman agad 'yon ni Scythe kaya sinapok niya ang ulo ko.


"Tangina mo, pa-yummy ka pa diyan, hindi ka naman yummy," umirap siya. Nakita kong pasimpleng uminom ng tubig si Lyle.


"Hindi man yummy, at least cinrushback," may ngising naglalaro sa labi ko. Irap lang ang naging sagot niya kaya muli akong tumawa bago tumikhim. "He said, 'I'm already courting you. Isn't it obvious?'"


Napaubo bigla si Lyle sa iniinom niya at saktong sa mukha pa ni Chaos nabuga 'yung tubig! Agad umasim ang mukha ni Chaos dahil sa ginawa ni Lyle kaya agad ko siyang kinuhanan ng litrato habang tatawa-tawa.


Tinuro ko pa ang phone ko at pinakita 'yon kina Sol, Scythe, at Forest habang tumatawa. Mas lalo silang napahagalpak ng tawa dahil sa itsura ni Chaos. It was so epic! Might add to collection!


"Tanginamo, Lyle!" Sigaw ni Chaos habang nandidiring pinunasan ang mukha niya. Tumikhim si Lyle at umiwas ng tingin.


"Sorry. Nagulat lang..."


"Grabeng gulat naman 'yon!" Asik ni Chaos habang masama pa rin ang timpla sa mukha.


"Ano ba 'yan, change topic kayo!" Pinaharap ako ni Scythe sa kaniya. "Mag-kwento ka na, tanga."


"Mahal 'yung talking service ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya. "Kay Sol ko na lang sasabihin kasi libre 'yon para sa kaniya."


"Bakit naman po?" Nagtatakang tanong ni Sol.


Ngumiti ako sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Kasi binigay mo sa kaniya 'yung number ko! Hulog ka talaga mula sa magandang langit, Sol!"


City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon