∞ x ∞
"So, ano kayo?"
Tumigil ako sa pagnguya ng pagkain nang magtanong si Lyle. Kinwento ko sa kanila kanina 'yung nangyari kagabi. Napapantastikuhan ko siyang tinignan.
"Tao kami, siyempre!" Sagot ko. "Pero pwede ring bagay," humagikhik pa ako bago kumain muli ng chichirya. Tinignan nila ako na para bang wala na akong pag-asa!
Hindi ko na lang sila pinansin at dinamdam pa rin ang kilig dahil nag-text si Aurelio sa 'kin gamit ang number niya! Siyempre, alam kong siya 'yon. Siya lang naman 'yung nakasama ko kagabi, 'no!
Paano niya kaya nalaman 'yung number ko? Sino-stalk niya ba ako? Gosh, sana pala nagpa-mysterious type ako!
"Bobo mo talaga, Lavy," sinamaan ko ng tingin si Chaos.
"Mas bobo ka," sabi ko pabalik.
"Ano, hindi pa rin ba nagana 'yang charms mo?" Napasimangot ako nang marinig ang tanong ni Forest. Para sa 'kin ay pang-aasar 'yon!
Napangisi na lang ako sa kaniya. "Just wait and see."
"Gaga, may balak ampucha," ipinailig ni Scythe ang ulo niya at tinungga 'yung beer. Nandito kami ngayon sa Monarchy para uminom. Rest week naman kaya walang problema.
Agad kong kinuha ang phone para sana kumuha ng picture namin pero natigil 'yon nang makita ulit ang wallpaper ng phone ko. Hindi ko napigilang ngumiti habang tinititigan 'yon.
"Gago, ano 'yan?" Hindi ko na namalayang nakasilip na pala si Chaos sa phone ko! "Bakit ka may picture niya?"
"Siyempre, kinuhanan ko!" Sarkastikong sagot ko. "Naalog na ba ang utak mo at hindi mo alam ang halatang sagot?"
"So... he did walk with you?" Tanong ulit ni Lyle habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako ng maluwag habang tumatango.
"We had late night walk!" I said giddily. Kumuha ako ng litrato namin at pinost 'yon sa Instagram which was quickly liked by my friends- Other friends.
lavygarcia: @monarchy w/ homies
Inilapag ko muna ang phone ko at nakipagkwentuhan muna sa mga kaibigan ko habang umiinom. Mula rito sa lamesa ay nakita ko ulit 'yung mga volleyball players team ng Leota.
I'm suck in memorizing names kaya pamilyar lang sila sa 'kin, pero nakalimutan ko na 'yung pangalan nila. Maybe dahil marami na akong kakilala kaya minsan ay nalilimutan ko na rin 'yung pangalan ng iba.
Tumayo si Forest at kinatok ang mesa para kuhanin 'yung atensyon namin. "Hanap muna ako ng chupapi."
BINABASA MO ANG
City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)
Novela JuvenilAVENUE SERIES #1 When the lavender meets the rose-like guy under the city lights of the avenue, she knew it wasn't a play anymore. She fell, hardly to the bone.