Chapter 11

165 8 0
                                        

Noze's POV



"Gusto mo nito?"

"How about this, Noze?"

Ganun nalang ang pag hinga ko nang malalim dahil kanina pa itong dalawa na ito na kinukulit ako. Hindi ko ba alam kung anong trip nila.

They are not tripping me, aren't they?

"Marunong ka bang mag laro nito, ha?"Tanong naman ni Jungkook kay Limario habang nandito naman kami sa may mga baril na laruan"I bet, hindi ka marunong. Of course, a soft man like you have no idea how to hold a gun"

Napatingin naman ako kay Limario na ngayon ay halatang naiinis na kay Jungkook.

"Try me, then"Sambit naman ni Limario at pinunta sa slots dito. Ngumisi naman si Jungkook at pumunta din sa isang slot na katabi ni Lim.

Parang mga bata...

Pinanuod ko naman silang kunin ang kanilang mga baril. Kailangan straight na ten ang mapatumba nilang target. Hindi ko alam kung marunong pa si Limario, pero kay Jungkook, sure na ako.

Pakiramdam ko ay mahihilo ako sa dalawang nag lalagay na ng pellets sa kanilang mga gun toy.

Nakita ko pang may sinabi si Jungkook kay Limario at tumango naman si Limario, parang sinasabi na pumapayag s'ya sa sinabi ni Jungkook. Ano iyon?

Pinangunahan naman ni Jungkook ang laro at ganun nalang ang hanga ko dahil agad n'yang natamaan ang tatlong target.

"Ikaw naman"Sambit naman ni Jungkook sa kanya. Kinasa naman ni Limario ang kanyang baril bago huminga nang malalim. Pakiramdam ko ay ako ang kinakabahan dahil hindi ko alam kung makakatama na s'ya o hindi.

At para akong nakahinga nang maluwag nang matamaan n'ya ang isang target. Kahit s'ya ay napahinga nang malalim. Tatlo din sunod-sunod ang natamaan n'ya kaya ngumisi din s'ya kay Jungkook.

"Tss"Ngisi ni Jungkook at tinapat ang baril sa target. At ganun nalang ulit ang hanga ko dahil na straight n'ya iyong last seven target n'ya. Bakas din sa mukha ni Limario ang bigla habang nakatingin kay Jungkook.

"Ikaw naman.."Sambit ni Jungkook at nagkrus ng mga braso kaya naman napatingin sa akin si Limario bago kunin ang kanyang baril at tinapat sa target. Nakita ko pa ang pag lunok n'ya bago Inayos ang hawak sa baril.

Napakagat ako ng aking labi nang matamaan n'ya ang dalawang target.

Lima nalang...

This may sounds so unfair but gusto ko din na ma-straight ni Limario ang target n'ya.

"You look tensed"Sambit naman ni Jungkook sa kanya bago kunin ang prize n'ya dahil na-straight n'ya ang target.

"Shut up!"Sambit ni Limario bago kasahin ang baril. Napatawa lang si Jungkook bago lumapit sa akin at pinanuod din si Limario sa tabi ko.

Umabot sa 8 ang natamaan ni Limario kaya parang nakahiga ako nang maluwag. Napatingin naman ako kay Jungkook ang akbayan n'ya ako bago ngumiti sa akin.

Medyo nagulat ako sa ginawa n'ya pero hindi ko na magawang makakilos dahil sa gulat.

"Fuck!"Sambit ni Limario kaya napatingin ako sa kanya at ganun nalang ang pag tingin ko sa kanya nang hindi n'ya natamaan iyong target. Iyon na sana ang pang huli!

"Oh, sayang naman"Sambit ni Jungkook bago inalis ang braso sa aking balikat. Napatingin naman ako kay Limario na ngayon ay binaba nalang ang baril bago nag pasalamat sa staff dito.

Nakita ko pa kung paano nag igting ang kanyang panga habang hindi nakatingin sa amin.

"Anyway, here Noze"Abot sa akin ni Jungkook sa nakuha n'yang prize dito sa gun game. It's a cute emoticon stuff toy.

Why do you hate me?Where stories live. Discover now