Chapter 19

184 8 0
                                    

Noze's POV



"ARE YOU FEELING OKAY NA?"

'Yon agad ang tanong ko kay Limario after n'yang magising. Hapon na nung magising s'ya, hindi na nakapag breakfast at lunch.

Napatingin naman s'ya sa akin habang nakaupo dito sa kama n'ya. Napahawak pa s'ya sa kanyang ulo bago tumango sa akin.

"Yes, babe. Thank you"Nilapitan ko naman s'ya at tinabihan. Bakas parin sa kanyang boses ang lungkot kaya alam ko na hindi parin s'ya okay.

"Let's eat muna"Sambit ko pa sa kanya"Come here, I already ordered food"Sumama naman s'ya sa akin sa balcony dahil doon ko na inayos ang pag kain namin.

Napapansin ko naman ang pagiging tahimik n'ya kaya I tried my best to make him happy.

"Babe, I have joke for you"Doon naman s'ya napatingin sa akin.

"Really?"He tried to look excited but nararamdaman ko talaga ang lungkot n'ya.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango"Of course"Nilapit n'ya naman ang kanyang upunan upang mag tabi ko.

"Okay, what is it?"Tanong n'ya sa akin, smiling at me.

Patay, ano nga bang joke? Sa isip ay napasapo ako. Nag isip naman ako ng pwedeng joke.

"Uhm.."Huminga ako nang malalim"Anong tanong ni Baby ulan kay Mommy ulan?"Tanong ko naman sa kanya. Nakita ko naman na kumunot ang kanyang noo, iniisip ang aking tanong.

"What, babe?"Tanong n'ya pa sa akin.

"E'di, Nay, ambon ba ako?"I dramatically said and made a fake cry. After that, tumawa naman ako dahil natawa talaga ako sa joke ko. Oh, my gosh! I'm so galing.

"I love your laugh, babe"Ngiti n'ya pa habang ako ay tumatawa parin"But what's ambon, babe?"Pero doon unti-unting nawala ang aking ngiti at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya.

Hindi n'ya alam ang ambon...?

Inosente n'ya akong tinitigan habang ako ay nakaawang ang labi. Seriously?

"Hindi mo alam?"Umiling naman s'ya sa akin"So, hindi mo na-gets ang joke ko?"Napatingin naman s'ya sa akin, he gave me a innocent smile and slight nod.

"Ah, hehehehe!"Tanging nasabi ko sa kanya, napakamot sa aking noo"Nevermind! Here, I have jokes pa"I keep saying jokes kahit hindi n'ya masyadong nage-gets. But nakikita ko naman s'ya na natatawa habang nakain kami. As long as he's laughing, okay na ako.

Kinagabihan ay pinuntahan nila Lisa si Limario. Hinayaan ko naman muna silang mag usap-usap. Buti nalang din at magaling mag patawa si Jisoo kaya medyo naging okay si Limario.

Magkasama kaming natulog ni Limario sa last night namin sa beach resort. Mawawala si Lisa and and Jennie mahigit dalawang linggo because of their honeymoon. Pero mukhang hindi pa sila makaalis dahil nag aalala sila kay Limario.

So, nung makabalik kami sa Manila ay kinausap ko sila ni Lisa. Ayoko naman na masira ang plano nilang honeymoon. And Jennie need to relax her mind and self. Ayaw namin na ma-stress s'ya.

"Noze, thank you talaga"Sambit ni Jennie sa akin nang mag kita kaming tatlo sina Lisa.

"Noze, please take of him, okay?"Si Lisa naman ang nag salita.

"Don't worry, I'll take care of him. Just enjoy your honeymoon in Maldives. Kami na ang bahala kay Lim. Madami kami dito, and hindi ko naman hahayaan na malungkot s'ya. Don't worry"I assured them.

"Thank you so much, Noze"I gave them a smile and nod. Ganun din naman sila sa akin bago kami nag hiwa-hiwalay.

At nung umalis na sina Lisa and Jennie for their honeymoon, pinuntahan ko naman si Lim kinagabihan noon.

Why do you hate me?Where stories live. Discover now