Katulad ng Revenge of the college student/Sigaw sa Dilim, ginawa ko ang story na ito no'ng 2012 pa. Bale, medyo babaguhin ko lang yung plot sa dulo.
_______________________
Kung titignan mo siya,
Para siyang isang modelo.
Nagtataglay ng ganda na hahangaan ng sino mang makakakita.
May mga matang parang nangungusap.
May ngiting parang nang aakit.
Para siyang totoong tao.
Para siyang may buhay.
Subalit isa lamang siyang manikin na binibihisan ng magagandang damit.
Isa lamang siyang manikin na nagsisilbing modelo sa mga nag gagandahang kasuotan na tinatahi o ginagawa namin.
Ako si Leona, bente dos anyos. Isang fashion designer sa sarili kong couture.
Nang dumating sa shop namin ang manikin na iyon..
Nagbago ang lahat!
Naging mabenta ang mga kasuotan sa shop at dinadayo na rin kami mula sa malalayong lugar. Maging ang mga sikat o kilalang personalidad ay sa amin bumibili.
Hanggang sa dumating ang araw na nagtaka na ako..
Bakit lahat ng mga kababaihang bumili sa amin na minsang sinuot sa manikin na iyon ay namamatay?
Yung swerteng dala ng manikin ..
Ang kapalit pala ay buhay!
Anong misteryo meron ang manikin?
Halika! Samahan mo akong tuklasin ang lihim sa likod ng magandang manikin ...
BINABASA MO ANG
MANNEQUIN
ParanormalMangingibabaw ang iyong kagandahan panandalian. Bukod tangi ang alindog mo sa lahat. Ang suot-suot mo'y minsang naisuot sa MANNEQUIN. May hatid itong swerte na ikaliligaya mo. Subalit---- Sisingilin niya sayo ay buhay!