-------------------------''KATRINA?'' eksaheradang bulalas sa kanya ng isang babae na nakaupo sa mini-bar. Tinitigan niya ito. Hindi niya masino ang babae.
''Is that you? Ang sexy mo. Ang layo ng itsura mo ngayon kumpara no'ng high school tayo.'' anang babae. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi ba nito naisip na insulto iyon sa kanya. Wala namang nagbago sa mukha niya except sa kanyang katawan. Tabachoy kasi siya no'ng high school pero dapat pa bang ungkatin ang bagay na 'yon? Para saan ba ang class reunion na ito? I-reminisce kung sinong binubully noon? Kung sino ang tampulan ng mga tukso at madalas mapagtripan?
''Bes! Halika, tignan mo si Katrina. Dumalo siya.'' tawag ng babae sa isa pang babae na noo'y nakikipag-usap sa bartender. Sa pustura at anyo ng pananamit ng babae, mukha siyang proud kerida. Ayaw niyang manlait pero nang makilala niya ito, tila nanumbalik lahat ng hirap na pinagdaanan niya no'ng nag-aaral pa siya sa Alta-Monica.
Ibinalik niya ang tingin sa babaing kaharap. Kilala na rin niya ito. Si Victoria. At yung isang babae na tinawag nito ay si Beverly. Mga pangalan pa lang kontrabida na.
''Katrina? Ikaw ba talaga 'yan?'' gulat na usal ni Beverly sa kanya. Ang mga kamay ay nakatakip pa sa bunganga. Horror lang? Baka naman isipin ng ibang makakarinig ay dati siyang bakulaw o nawawalang kapatid ni bakekang. Lalo siyang nainsulto. Imbes na kamustahin na lang muna sana siya, ang anyo niya ngayon ang pinupuna ng mga ito. At that point, she was irritated. May mga lumapit pa sa kanilang mga kalalakihan.
''Bakit parang nasurpresa kayo na dumalo ako dito? Inaasahan niyo bang hindi ako pupunta? Isa na akong successful woman. May masayang buhay, lovelife at career. Kayo, Victoria at Beverly? Anong nangyari sa inyo? Nagmukha kayong pipitsuging bayaran!'' bago pa man magsalita ang mga ito ay tumalikod na siya. Narinig niya pang napamura ang mga ito at ang hiyawan ng mga kalalakihan.
Naghanap si Katrina nang mauupuan. Tinext niya si Chona na siyang nag-iisa niyang kaibigan during her school life. Kakauwi lang nito sa Pinas mula Switzerland. Sinuwerte rin sa buhay ang gaga. Nakapag-asawa ng foreigner. Six years na ang nakalipas no'ng huli silang nagkita. Nakaka-chat niya lang ito minsan sa FB.
Luminga-linga siya sa paligid. Kanina niya pa napapansin na maraming tumitingin sa kanya. Marahil ay hindi siya nakikilala. Para tuloy ibig niyang tumayo at isigaw na siya yung dating tabachoy na palaging inaaway noon.
Ilang sandali ay pumailanlang ang malakas na musika na nagmumula sa mga speakers. Isang tugtugin na sumikat noong 90s ang kanyang narinig. Naging dim ang paligid hudyat na magsisimula na ang event. Wala pa si Chona.
Mayamaya'y tumayo siya at nagtungo sa mini-bar. ''Apple wine, please.'' sabi niya sa bartender. Nginitian siya nito.
''Parang kilala kita.'' anang lalaki. Tinitigan niya ito. Hindi niya gusto ang lalaking may pagka-kalbo pero aminado siyang gwapong-gwapo siya dito. Pamilyar ito sa kanya.
''Katrina?'' parang awtomatiko siyang napatango.
''And you are...'' kunwa'y inaalala niya ito.
''Charles.'' ubod ng tamis na ngiti ang ginawad nito nang sabihin ang pangalan. Sandali siyang natigilan. Napaisip.
''Charles Savedra?'' ilang sandali ay bulalas ni Katrina. Hindi makapaniwala. Paanong ang ultimate crush niya no'ng high school ay hindi niya agad nakilala. Ang lalaking dahilan kung bakit lagi siyang namamaos sa tuwing magche-cheer siya sa basket ball kapag naglalaro ito. Sabagay, kung iisipin, 2001 nang grumadweyt sila sa sekondarya. Halos labing limang taon niya rin itong hindi nakita. Sa Bulacan na kasi siya nag-aral ng college.
''I'm just quite happy to see you again, Katrina.'' anito. Tanging ngiti lamang ang kanyang tinugon.
Lumalim pa ang gabi. Masaya ang lahat maliban kay Katrina. Kahit na maraming nagpapakilala at pilit na kumakausap sa kanya ay pinapakitaan niya ito ng ka-boring-an. Mapapansin, siya lang yata ang hindi nakikihalubilo. Ewan niya lang kung bakit tila siya ang center of attraction. Marami namang mas maganda sa kanya. Yung isang ka-batch nga nila e, beauty queen. Nanalo sa Mutya somewhere in Metro-Manila.
BINABASA MO ANG
MANNEQUIN
ParanormalMangingibabaw ang iyong kagandahan panandalian. Bukod tangi ang alindog mo sa lahat. Ang suot-suot mo'y minsang naisuot sa MANNEQUIN. May hatid itong swerte na ikaliligaya mo. Subalit---- Sisingilin niya sayo ay buhay!