M-2

1.4K 45 3
                                    


_________________________

"SUWERTE ang dress na ito!" bulong ni Melissa sa sarili. Paakyat na sana siya sa hagdan para pumunta na sa kanyang kwarto nang makarinig siya ng malakas na katok mula sa pinto ng sala.

"Hating gabi na may bwisita pa ring pumupunta dito!" inis na usal ni Melissa.

Agad siyang nagtungo sa pintuan para buksan ito. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay wala naman siyang nakitang panauhin. Isang malakas na hangin lang ang sumalubong sa kanya.

Napuna ni Melissa na malakas pa rin ang ulan sa labas. Isang ngiti ang pinakawalan niya nang biglang may naisip. Naisip niya na kasing lakas ng ulan ang karisma niya sa debut ng kanyang pinsan. Bukod sa nakasayaw niya ang super crush niya kanina no'ng nagparty-party, napansin pa siya ng maraming kalalakihan. May mga nagtanong ng kanyang pangalan at cellphone number. Parang siya pa ang debutante sa araw na iyon dahil ang ganda-ganda ng suot niya. Para sa kanya ang gabing iyon. Nabili niya ang dress na kanyang suot sa isang couture na nag-ngangalang Maria Leona Couture. Malapit lang ang couture na iyon sa kanyang unibersidad na pinapasukan.

Isinara na niya ang pinto at ini-locked. Naisip niya na baka guni-guni niya lang ang narinig na pagkatok. Pagkatalikod ni Melissa sa pintuan at akmang ihahakbang na ang mga paa, nagulat siya nang may makitang babae na nakaupo sa may sofa. Nakasuot ito ng mahabang bestida at damit na parang pang sinauna. Maging ang ayos ng buhok nito ay animo'y panahon pa ng hapon. Hindi makita ni Melissa ang mukha nito dahil ang mukha ng babae ay nakapatong sa mga tuhod.

"Sino ka?" pasigaw na sabi niya sa babae ngunit hindi siya pinansin nito.

"Paano ka nakapasok dito sa loob? Malamang magnanakaw ka, ano?" Nakaramdam na ng inis si Melissa sapagkat hindi siya pinapansin nito.
Lumapit siya sa babae at saktong nag-angat naman ito ng mukha.

Agad na napasigaw si Melissa nang makitang blangko ang mukha ng babae. Nanginginig na patakbo siya pataas ng hagdan. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nilocked ang pinto nang makapasok. Pabagsak na inihiga ni Melissa ang katawan sa kama at nag-taklob ng kumot. Tila ngangatog ang buo niyang katawan.

Makalipas ang ilang sandali. Narinig ni Melissa na may kumakatok sa pinto ng kanyang silid. No'ng una wala talaga siyang balak buksan ito dahil baka makita niya ang babaing blangko ang mukha pero naisip niya na baka ang kawaksi nilang si Aling Perla ang kumakatok na kasama niya sa bahay na iyon. Marahil narinig ni Aling Perla ang pagsigaw niya kanina.

Kaya naman nag-angat siya ng kumot at bumangon. Pagkadating sa tapat ng pinto, dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dagli din siyang napaatras sa mga bumungad sa kanya. Bumulaga sa kanya ang isang lakaki na nakalawit ang dila at parang naglalaway ng kulay berdeng likido. May hawak-hawak itong bata na sunog ang mga balat at tila sariwa pa ang mga sugat niyon.

"AHHHHHHHHH!" malakas na sigaw niya nang unti-unting lumalapit ang mga ito. Umatras si Melissa hanggang sa makarating siya sa may terrace ng kanyang silid. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, bagamat alam niyang totoo ang lahat ng ito. Itinakip niya ang mga kamay sa mukha.

Nanginginig ang buong katawan niya habang pinakikiramdaman ang susunod na maaaring mangyari. Mga ilang sandali ay narinig niyang may bumubulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi pero nakakakilabot ang tinig na iyon na parang galing sa hukay.

Nilakasan ni Melissa ang kanyang loob at idinilat ang mga mata. Nagulat siya nang makita ang isang magandang babae sa kanyang harapan. Kinusot-kinusot niya ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Pamilyar sa kanya ang magandang babaing iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon sapagkat nasabi niya sa sarili na sana ganun siya kaganda. Ang babaing nasa kanyang harapan ay ang manikin na nakitaan niyang suot ang magandang dress na kanyang suot-suot ngayon.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Melissa ng makitang kinuha ng manikin ang paso at hinampas sa kanya at itinulak siya sa terrace.

---

"Dress po Ma'am?" Bungad na sabi ni Leona sa babae.

"Hindi! Isang kilong isda! Kakasabi ko lang, di ba?" Mataray na sabi ng babae sa kanya.

Bahagyang napataas ang kilay niya dahil sa narinig. Eksaherada naman itong babaing ito!
Tumingin siya sa lalaking kasama ng babae. Ang gwapo naman niya. May ganyang itsura pa palang nag eexist sa mundo. Boyfriend kaya niya ito? Hindi sila bagay!

"Hoy! Natulala ka na diyan!" Bulyaw sa kanya ng babae. Kung hindi lang sa gwapong kasama nito, malamang e, binungangaan na niya ito. Kahit na costumer niya pa ito. Edi, wag na lang bumili.

"Anong klaseng dress ang hanap mo ma'am?" Tanong ni Leona.
Agad namang nagtungo si Leona sa closet at hinila ang bakal kung saan nakahelera ang mga nakahanger na mga dresses.

"Pili na lang po kayo sa mga designed dresses ma'am." Aniya.
Lumapit ang babae sa may closet at hinimay-himay nito ang mga damit na naka-hanger.

"Ayoko ng mga 'to, masyadong makulay." Anito

Inikot ng babae ang kanyang paningin. Hanggang sa pumukaw sa paningin nito ang kinalalagyan ng manikin. Napangiti ang babae ng makita ang damit na suot nito.

Agad tinungo ng babae ang direksyon kung saan naka displayang manikin.Hinimas himas nito ang damit na suot ng manikin. Tiningnan niya ito mula taas hanggang ibaba.

Lumapit ang babae sa kinaroroonan ni Leona. "Now I know what kind of dress I am going to buy." Wika nito ng nakangiti.

"Nakapili na po kayo ma'am?" Tanong niya.

"Sa tingin mo?'' Tinaasan siya ng kilay nito. ''I want that dress! White cocktail dress with black feathers and crystal stone." anas nitong sabay turo sa kinaroroonan ng manikin.

"Maam, 'yan po ang latest na dre--"

"Wala akong paki! Bibilhin ko na 'yan!" Putol nito sasabihin niya.

Kalma pa rin Leona! Huwag kang maiinis sa babaing 'yan! Sa isip isip niya.
Kinuha na niya ang dress na nakasuot sa manikin. Iniligay niya sa paper bag at inabot sa babae.

"How much is it?"

"One thousand nine hundred Pesos po." Aniya. Kinuha ng babae ang wallet nito sa bag. Nag-abot ito ng dalawang libo.

"Keep the change." Anang babae at inakay na ang kasamang lalaki para umalis. Napansin ni Leona ang pagngiti ng lalaki na inukol sa kanya. Awtomatikong napangiti din siya.

"Thanks Ma'am." Pahabol na sabi ni Leona sa dalawa na noo'y papalabas na. Pakyu ka!

"Gosh! Ang gwapo talaga no'ng lalaki. Para siyang half-korean." Aniya sa sarili.

....

MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon