M-8

784 35 11
                                    


.......

NADISMAYA si Leona nang bumalik sa loob ng antique shop ay napansin niyang wala na yung lalaking mukhang korean. Nang magtanong ito kung ano ang kanyang hanap, sinabi niyang magbabayad lang siya sa taxi driver na naghihintay sa kanya sa labas. Alam niyang matatagalan siya kaya kailangan na niyang paalisin ito.

Ang nasa harapan na niya ngayon ay isang babae na sa tantiya niya ay higit kwarenta anyos na ang edad. Siya siguro ang ina ng lalaki. May pagkakahawig kasi sila.

"Anong kailangan mo, Ineng?"

May ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot. "Naghahanap po ako ng antigong estatwa. Yung kasing laki ng manikin." pagsisinungaling niya. Sa tingin niya ay ganung bagay ang wala sa mga antigong koleksyon sa loob ng shop. Sa totoo lang, sa pagmasid-masid niya kanina ay wala siyang natipuhan sa mga antigo. Bumalik lang naman siya sa loob para sumilay pa dun sa lalaki. Minsan talaga kahit na meron tayong ibang pakay na dapat asikasuhin o unahin, hindi natin maiwasang isingit ang may kalandiang sandali. Mga nakaw na tingin.

"Wala kaming ganoon. Ganyan kalaking estatwa lang ang meron dito." turo nito sa mga nakahilerang estatwa na katabi ng mga religious items. "Sayang at hindi mo naabutan yung antigong manikin na nandito sa shop namin noon. Alam mo suwerte 'yon. Kung bakit kahit nagdudulot siya ng kakaibang takot para sa akin sa tuwing sasapit ang gabi, hindi ko siya magawang ipamigay o ibenta. Isa kasi 'yon sa mahalagang koleksyon ng aking ina na ang sabi nito'y magdudulot ng kamapahamakan sa oras na ito ay mapunta sa ibang tao. May sumpa daw kasi ang manikin na iyon. Ayy.. Ano ba 'yan, baka natakot kita. Nadala lang ako kung kaya ko sa'yo naikwento. Pasensya ka na."

Sa mga narinig ay bigla siyang kinabahan. Kunot-noong tumitig siya sa babae. "Nasaan na ho ang manikin na tinutukoy niyo?" nagpakita siya ng interes sa kwento nito.

"Isang gabi ay nalooban ang shop na ito ng mga magnanakaw. Isa ang manikin na iyon sa mga tinangay."

Kung tama ang kutob ni Leona na ang manikin na tinutukoy ng babae at ang manikin sa kanyang shop ay iisa, ibig sabihin ay maaari siyang makakuha ng kasagutan sa kanyang mga katanungan.

"Ganoon po ba?" minsan niya pang tinitigan ang babae. "May katotohanan po pala yung mga ganung bagay. Akala ko'y kathang-isip lang. Ano pa pong kababalaghan o misteryo meron ang manikin na iyon? At ano pong klaseng sumpa meron ito?" sandali siyang natigilan. Napuna niya ang pagtataka sa anyo ng babae. Siguro iniisip nito kung bakit siya naging interesado.

"Pasensya na ho kayo." bahagya siyang tumawa at sandaling humawak sa braso ng babae. "Isa ho akong romance novelist. Naging interesado ako sa kwento niyo kasi ibig ko talagang sumulat o sumubok ng kwentong katatakutan o kababalaghan. Yung about ho sa manikin na sinabi niyo, talaga namang kakaiba. Parang gusto ko siyang gawing concept. Ayoko naman kasi ng mga serial killer, psycho murderer o mystery thriller na kwento such as revenge pati mga kwentong bampira tsaka lobo. Isipin ko pa lang yung plots ay depressing na." another lie. Muli siyang tumawa at sa huli'y humingi ng sorry kay lord dahil sa pagsisinungaling.

Ngumiti ito. "Isa ka palang manunulat. Pasensya ka na, Ineng. Hindi ko alam ang pinaka kwento ng manikin na iyon. Matatakutin ako sa ganyan kaya hindi ako interesado." saad ng babae.

Parang bumagsak ang balikat ni Leona sa nalaman. Sayang ang effort niya sa inembentong dahilan.

"Pero kung gusto mo talagang malaman ang tungkol doon, ang nanay ko ang makakatulong sa'yo sa bagay na iyan." anito. Bigla siyang nabuhayan. Parang nagningning ang kanyang mga mata mula sa isipang baka matuklasan na niya kung anong kababalaghan meron ang mannequin. Buo ang kumpinyasa niya na iisa ang manikin na tinutukoy nito at ang minikin sa kanyang shop. Come to think of it, hindi coincidence lang na napunta sa ganito ang kanilang conversation. Marahil ay destined nang magkatagpo sila at isipin pa ang hindi inaasahan pagkakapadpad niya sa antique shop. Nakatadhana na nang matuklasan niya ang lahat sa maikling panahon. After all, mabilis naman din ang mga pangyayari mula nang mapunta sa kanya ang manikin na iyon. Dapat lang na matuldukan niya kaagad ito. Napangiti naman si Leona sa isipang, hindi kaya sila din no'ng lalaki kanina ang nakatadhana? Nagkita ulit sila sa hindi inaasahang lugar.

Alam niyang may katotohanan ang kanta ni Rihanna na 'We found love in a hopeless place'. At dahil dun, para sa kanya ang antique shop na ito ay isang malaking hopeless place. Wala ng iba pang dapat itawag dun. Paano mo nama- managed ipagsabay yung kalandian sa gitna nang kagustuhan mong matuklasan ang misteryo at kababalaghan ng manikin? sigaw ng kung saang bahagi ng kanyang isipan.

"Nasa Bulacan ngayon ang nanay ko. Ibibigay ko sayo yung address." wika ng babae. Napansin siguro nito na hindi na siya nagsalita. Napatango na lang siya at ngumiti.

Matapos iabot ng babae sa kanya ang pinilas na papel kung saan nakasulat ang address ng nanay nito sa Bulacan, naisip niyang bumili na rin ng antigong bagay doon para may dahilan naman ang pagpunta niya sa shop na ito at parang pasasalamat niya na rin.

"Siya nga po pala, meron po ba kayong mga antigong kagamitang pang-bahay? Katulad ng mga kagamitan sa kusina, kagaya ng silya, lamesa o mga kaldero. Yung ganun po." aniya.

"Oo, marami. Punta ka na lang dun sa second floor, nandoon yung mga hinahanap mo. Magtanong ka na lang sa anak ko. Nasa itaas siya."

"Antigo po ba yung anak niyo? Bibilhin ko." birong sabi ni Leona pero halos pabulong lang.

"Ano 'yon?" pag-uulit ng babae. Nakangiti ito.

"Wala po, itatanong ko na lang sa anak niyo yung bibilhin ko." ngumiti siya at sinimulan nang umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag. Ibinulsa niya yung kapirasong papel.

Sa second floor, agad hinagilap ng mga mata niya kung nasaan yung lalaki. Hindi niya ito nakita. Marahil ay natatakpan ito ng cabinet o shelves na nandoon. Sinimulan niyang maglakad. Sa isang gilid, nakita niya ang lalaki na nakaharap sa isang cabinet. Inaayos at pinupunasan nito ang mga antiques doon na puro mga babasagin.

"Hi!" pagkuha niya sa atensyon nito. Feeling niya napalakas ang pagkakasabi niya nun. Nadugtungan niya tuloy ng salitang "Charr."

"Bakit?" tanong nito.

"Ahm.." wala siyang maapuhap na salita. Napakagat labi na lang. Ang inaasahan kasi niya na ang itatanong nito ay 'anong hanap mo?' katulad ng tanong nito kanina pagkakita sa kanya. Inihanda na kasi niya ang sarili na sabihing ang salitang 'Ikaw'. Balak niyang bumanat ng hugot. "Landi pa more!" sa isip niya lang.

"Ikaw pala yung anak ni ate." ngumiti siya ng pilit. Napalunok. Ayaw niyang titigan ito pero ito yung klase ng lalaki na parang may kung anong magnet para mahatak siyang tumingin. A man who commanded attention. Bagamat nakangiti ito, mysterious face parin ang dating ng anyo nito para sa kanya katulad noong una niya itong makita. Nakasando lang ito kaya napuna niya ang makisig nitong pangangatawan.

"Anong hanap mo?" saka naman nito tinanong kung kailan nawala na yung confidence niya.

"Yung ganyan mismo." nakangiting turo ni Leona sa antique na hawak nito. Lumapit siya sa lalaki.

"Sige pili ka lang.." niluwagan nito ang pagkakabukas sa salamin ng cabinet.

Nang mahawakan na niya ang isa sa sa mga antigo na nasa loob ng shelf, naitanong niya tuloy sa sarili na, kailan pa siya nagkaroon ng hilig sa antigong banga? Kailandian niya kasi.

"Eto, bibilhin ko 'tong dalawang ito." sabi niya. At talagang dalawa pa Leona? tinig ng kung saang bahagi na naman ng kanyang isipan.

Kinuha ng lalaki yung dalawang banga at ibinalot. Matapos nun ay umalis na siya. Sa ibaba, ay nagpasalamat siya sa ginang.

Sa labas ng shop, may ilang minuto na rin siya doon at habang naghihintay si Leona ng taxi, nakita niya yung lalaki na papalabas ng antique shop.

"Hindi ka pa rin nakakaalis?" nakangiting usal nito. "Sumabay ka na sa akin. Papunta akong North. Saan ka ba?"

"Huwag na, okay lang ako." aniya. Pero keme niya lang 'yon. Bet niya syempre. Kumbaga isang pilit pa.

"Okay." sumakay na ito sa sasakyan na nakaparada lang sa may gilid.

Naiwan siyang nakanganga. Napaputragis. Nang marinig niya ang pag-start ng kotse ay agad niya itong pinara. Ibinaba nito ang salamin ng bintana. Sumalubong sa kanya ang pagsenyas ng kilay nito na sadyang inangat sa paraang parang nagtatanong ng 'bakit?'

"Sabay na pala ako sayo." wika ni Leona. Ngumiti ang lalaki.

"Sige."

....1

MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon