-----------------
''Anong nga palang pakay mo sa grandma ko?'' tanong ng lalaki. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
''Gusto ko siyang makausap. May itatanong lang ako sa kanya, isang mahalagang bagay.'' turan niya. Napatango-tango ito. Katahimikan.
Kapag sinusuwerte ka nga naman oo, doon din ang punta ni pogi sa lola niya. Makakasabay siya ng bonggang-bongga. Mabuti na lang pala't binaggit niya na doon siya pupunta. Ang balak lang kasi sana nito kanina n'ong sabihin niyang sa Bulacan siya tutungo ay isabay siya hanggang sa bus station. Sa mga sandaling iyon, tatlong beses palang itong nagsasalita. Puro patanong pa tapos mahabang katahimikan na. Ayaw namang magpakita nang pagkainteresado si Leona sa lalaki kaya pinili niyang manahimik kahit parang hindi niya kaya.
''Ano nga palang pangalan mo?'' hindi nga niya kaya. Ibig niyang makausap ito at makakuha ng information mula dito kaya hindi na niya natiis ang hindi magsalita.
''Miguel.'' nginitian siya nito. Kinilig siya ng slight. Marunong naman palang ngumiti. Pinagkakait pa.
''Ako si Leona.'' kahit hindi nito tinatanong ay nagpakilala na rin siya. Hindi na ito nagsalita. Napanguso na lang siya. Suplado ka boy! Pero ang gwapo niya talaga. Parang ginaganahan na naman akong buksan ang aking puso. Ha! Ha! Kay landi ng bawat sandali.
Sa sobrang tahimik ay nakatulog si Leona. Nakakatulog talaga siya kapag biyahe. Sa jeep nga e, kahit nakakangalay matulog sa braso, go pa din siya. Mayamaya'y ginising na lang siya ni Miguel.
''Ikaw ang magbayad ng toll fee.'' sabi nito. Nasa NLEX na pala sila. Napanguso si Leona. Akala niya makakalibre na siya. But come to think of it, makakapunta siya sa bahay ng lola nito ng hindi siya hustle. Hindi na niya kailangang magtanong-tanong hanggang sa matuntong ang address. Hindi na siya talo. Suwerte pa rin.
''Sure.'' nag-abot siya dito ng five hundred. Medyo nawindang siya nang hindi ibigay sa kanya ang sukli.
''Idadag ko 'to pang gasolina.'' anas ni Miguel. Ngumiti lang siya. Juskopey, power! Taga-Tandang Sora lang siya, tapos sa Bulacan lang ang pupuntahan, dun siya nalugi. Mukha namang mayaman. Ang kuripot.
Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa bahay ng lola ni Miguel. Napanganga si Leona nang makita ang mala-mansyon na bahay. Pinaghalong old style at pang modern ang pagkakadisenyo niyon. Pagkapasok palang sa gate ay napansin na niyang may flat area ng lupa na merong grass at mangilan-ngilang bonsai. May malaking fountain pa sa bandang gitna.
''Dream house.'' aniyang namimilog ang mga mata habang lumilinga-linga.
''Come here.'' sumunod lang siya sa lalaki. May nadaanan pa silang fishpond at mga punong kahoy sa may bandang gilid. Kay ganda ng mga orchids. Napansin niya na hindi sila dumaan sa harapan. Grabe, sa labas palang ay kasing lawak na ng isang mall.
''S-sir Mig.'' gilalas ng isang ginang. Nagulat pagkita sa lalaki. ''Bakit hindi kayo nagsabing uuwi kayo ngayon? Sana'y pinagluto ko kayo ng poborito niyong pagkain.''
''Biglaan Manang. Tinawagan ako ni Bernard, yung kababata ko po. Ngayon na pala yung despedida niya. Pupuntahan ko mamaya.'' anang lalaki.
''Ganun ba?'' biglang bumaling sa kanya ang ginang. Ngumiti ito. ''Sino naman ang magandang babae na ito? Girlfriend mo? Ngayon ka lang may ipapakilang babae sa'min.'' saad nito. Feeling tuloy niya ay bigla siyang namula. Napailing lang si Leona.
''Si Winona po.'' pagpapakilala sa kanya ni Miguel. Winona? Tsk! Halatang hindi siya interesado sa akin. Hindi isinapuso't isip ang pagpapakilala ko kanina. pero tignan mo nga naman, hindi nito itinanggi ang tanong kung girlfriend ba siya. Gusto yata ang ideyang kunwa'y merong sila. Lihim siyang napangiti.
BINABASA MO ANG
MANNEQUIN
ParanormalMangingibabaw ang iyong kagandahan panandalian. Bukod tangi ang alindog mo sa lahat. Ang suot-suot mo'y minsang naisuot sa MANNEQUIN. May hatid itong swerte na ikaliligaya mo. Subalit---- Sisingilin niya sayo ay buhay!