M-3

1.2K 49 3
                                    


--------------------------


HABANG abala si Leona sa pagtatahi ng gown ay biglang may pumasok na dalawang kababaihan sa kanilang shop na agad pumukaw ng kanyang pansin. Iniwan muna nya ang kanyang ginagawa at sinalubong ng bati ang mga costumers.


"Good morning.. Anong hanap nila?" nginitian niya ang mga ito.


"Gown na pang-abay." Wika ng babaing maikli ang buhok.


''Jema, ipakita mo nga sa kanila yung mga gowns na pang-abay.'' utos niya dito. Muli siyang bumalik sa table.


Ilang sandali habang patuloy sa pagtatahi si Leona ay rinig niya ang pag-uusap ng dalawang babaing costumers.


"Nabalitaan mo na ba yung nangyari sa anak ni Congressman? Nalaman ko lang kasi kanina no'ng bumili ako ng prutas sa palengke." Wika ng babaing may maikling buhok.


"Ano 'yon?" Tanong ng isang kasama nito na siyang pumipili ng gown.


"Nahulog daw yung anak ni Congressman mula sa terrace ng kwarto nito. Hindi nga alam kung nahulog daw ba o may nagtulak. At ang sabi pa daw ng mga kaibigan ng anak ni Congressman, ang saya-saya pa nga daw nung babae sa debut ng pinsan nito kaya malabong magpakamatay ito."

"Kawawa naman.. Ang ganda pa naman nun." Ani ng isa.


Natigilan naman si Leona sa pagtatahi. Bahagyang napatingin siya sa dalawang babaing nag-uusap.

 Anak ni Congressman? Bigla naman niyang naalala na sa kanilang couture ito bumili ng dress kahapon at sinabi rin nitong pupunta sa debut ng pinsan. 
Hindi makapaniwala si Leona sa nangyari para sa anak ni Congressman. Masyado pa kasi itong bata. At kung iisipin mo, iyon na pala ang huling sandali ng babae. Napailing na lang siya at pinagpatuloy ang pagtatahi.


''Excuse me.. Sa makalawa pa yung wedding, may napili na kami pero ibig ko sanang padagdagan ng motif yung akin. Okay lang kung magkano yung idadagdag niyo sa price.'' anang babaing morena. ''Pwede naman po 'yon, di ba?'' Dugtong pa nito.


''Sure. Meron ako ditong drawing ng designs and motif ng gowns. Pili na lang kayo.'' aniya.


''Salamat.''


Matapos ipaliwanag at pumili ng disensyo ang dalawang babae. Nagpaalam na ang mga ito at sabay umalis.


''Ikaw talaga, Dianne. Gusto mo talagang maging kapansin-pansin sa kasal ni Robert. Kakabugin mo pa yata yung bride.'' narinig niyang sabi ng babaing maikli ang buhok bago lumabas sa shop.


Napansin naman ni Leona na tumayo si Jema mula sa kabilang lamesa.
"Nabili na pala ang ginawa kong dress?" Ani Jema nang mapansing iba na ang nakasuot sa manikin.


Tumingin siya dito at sabay tumango. "Kakabili lang nung mataray na babae kanina." Aniya.


"Ah, baka yung nakasalubong ko.. Yung may kasamang gwapo ba na mukhang Korean?" Tanong nito.


MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon