M-4

1.1K 45 7
                                    


_____________________


HINDI mawari ni Jema kung imahinasyon lamang niya ang narinig. May tumawa. Tumagal siguro ito ng limang segundo. Sarado na ang shop at nasa silid na siya ng mga sandaling iyon at patulog na sana. Yung tawang narinig niya kanina ay malapit lamang sa kanyang kinaroonan. 


Tumayo siya para buksan ang pinto ng kanyang silid. Kapag bubuksan niya ang pintuan na iyon, inaasahan na niya ang unang mapupukawan, ang nakatalikod na manikin na hindi kalayuan mula sa kwartong kanyang tinutulugan. Nakaharap naman ito sa labas ng shop.


Nakaramdam ng kilabot sa buong katawan si Jema. Taliwas sa kanyang inaasahan ang nakita pagkabukas ng pinto. Ang bumungad sa kanya'y, nakaharap na manikin. Napuna niya ang ibang paraan ng pagkakangiti nito. Ngiting nagdudulot sa kanya ng kakaibang takot.


Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita niya sa ibang posisyon ang manikin. Noong unang gabi ng manikin sa shop ay nakita niyang bigla itong nawala sa kinatatayuan. Nang isang gabing maalimpungatan siya at sandaling lumabas ng silid upang umihi ay nakita niyang nakaupo ito sa may couch. Noong isang gabi naman ay nakita niya itong nakatayo malapit sa desk ni Leona. Iba't-ibang kilos na ang pinapakita nito sa kanya. Kinakabahan si Jema sa isipang baka sa mga susunod na gabi'y magmistulang tila bangungot na ang mangyari.


Natatakot man ay hindi niya magawang masabi kay Leona ang tungkol dito. Alam niyang hindi siya nito paniniwalaan. Sino ba naman kasing maniniwala sa gano'ng bagay? Kumbaga maiisip mong sa horror movies lang iyon karaniwang nagaganap. Sa realidad, haka-haka o kwentong barbero nang maituturing kapag nagsabi ka ng ganoong pangyayari.


Isinara na lang muli ni Jema ang pinto ng silid niya. Para sa kanya, hangga't hindi siya sinasaktan ng manikin ay hindi niya ito pagtutuunan ng pansin. 


---


"BLOOMING ka yata ngayon." Puna ni Jema sa kanya na noo'y kakarating lang galing sa tapsihan. Inutusan niya itong bumili ng porksilog na siyang almusal nila sa umagang iyon. Sandali niyang tinapunan ng tingin ang kaibigan.


Kasalukuyang tinatahi ni Leona ang gown na gagamitin ng kanyang kapatid sa Binibining Brgy. Mabatong baryo na gaganapin na sa sabado. Kasali ang kanyang kapatid sa naturang pageant.


"Kailan ba ako naging haggard?" aniya makaraan ang ilang segundo. Lumapit si Jema sa kanya.


"Ikaw na!" wika nito pagkalapit.
Napansin ni Leona ang diyaryo na nilapag ni Jema sa kanyang lamesa kasabay ng dalawang styrofoams na tinake-out nito.


"Anong meron?" ang atensyon niya ay nasa diyaryo.


"Basahin mo na lang."


Kinuha niya ang diyaryo at iginala ang paningin sa broadsheet newspaper. Pumukaw sa paningin niya ang balita sa babaing nasagasaan ng malaking truck. Nakaramdam siya ng panginginig ng kamay. Dinunggol siya ng kaba ng mabasa ang balita ngunit hindi niya alam kung ano ang dahilan.


"Siya yung babaing sinabi mong mataray na nakabile ng dress." Ani Jema. Nagulat siya sa narinig. Matamang tinitigan niya ang kaibigan.

MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon