M-1

1.8K 69 6
                                    


___________________


"PAPIRMA na lang po nitong sales invoice at delivery receipt." anang delivery boy na nagdala ng mannequin sa shop ni Leona isang umaga. Noong isang linggo niya pa in-order iyon at sa wakas ay dumating na. Kinuha niya ang mga documents at nilagdaan.


"Pakilagay na lang doon yung manikin." utos niya sa delivery boy at tinuro ang kinaroroonan ng malaking salamin. "Diyan sa tabi ng mirror." 


Ilang sandali ay inabot na niya sa lalaki ang cheque. Matapos ibigay sa kanya ang collection receipt ay nagpasalamat na ito at umalis na.


"Ito na sana ang magbigay ng swerte sa akin." aniyang hinawakan ang manikin. "Hmm.. Kakainggit naman ang ganda nitong manikin!" tinalikuran na niya ito. Lingid sa kaalaman ni Leona nang talikuran niya ang manikin ay umangat ang isang kilay nito at ngumisi. 


Lumapit si Leona kay Jema na kasama niya sa shop. Tinanong niya ito about sa benta kahapon.

"Dalawang casual dress lang ang nabenta." ani Jema.


"Okay lang 'yan, ganyan talaga sa simula.." umupo siya sa katabing table at tinignan isa-isa ang mga pinamiling pang designs sa mga gown o dress na kanyang gagawin. Maliban sa mga dresses, casuals,  gowns ay marami pang mabibili sa couture na pagmamay-ari niya. Syempre nandun na ang fashion wears for men and women. May bags, shoes, heels, accessories, swimwears at iba't-ibang costumes.


Maya-maya'y tumayo siya at naisipang bihisan ng gown ang mennquin na kanyang in-order.
Tinungo niya ang closet at namili doon. Nang makapili ng gown ay agad niya itong isinuot sa minikin.


"O di ba, ang gandang tignan!" bulalas niya. Sa loob ng shop niya ay pulos mga kalahating katawan lang ng manikin ang makikita at wala pa itong mga ulo. Naisip niyang kapag kumita na siya ng malaki-laki ay magdadagdag pa siya ng isa. Yung mannequin na nabili niya ay may kamahalan din ang presyo.


Pagkabalik ni Leona sa kanyang table ay may pumasok na isang babae sa loob ng shop.

"Good morning, Ma'am. Ano pong kailangan nila?" tanong niya. Lumapit ang babae sa kanyang direksyon.


"Umorder ako ng gown sa website niyo one week ago but you never responded, that's why I personally came here to your couture." anito. Sandali niyang sinulyapan si Jema bago siya nagsalita.


"Pasensya na Ma'am, kung hindi po namin nacheck yung website namin. Ano po bang hanap niyo?" aniya. Tumingin-tingin ang babae sa kabuuan ng shop hanggang sa pumukaw sa atensyon nito ang suot ng mannequin. Lumapit ito doon.


"This one looks good." sabi ng babae sa gown na nakasuot sa manikin.


"We will be having a victory party for the successful of our company. I need a perfect gown that can make me looks stunning for that special occasion. I think this one is good for me." anitong sinasalat ang telang nakasuot sa mannequin.


"Bagay nga po sa inyo ang isang 'yan," komento niya.


MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon