M-6

824 35 1
                                    



-----------------------



Nang gabing iyon ay hindi makapaniwala si Jema. Ito na ba ang simula ng bangungot o kapahamakan sa kanyang buhay mula sa manikin? Binato siya ng manikin at nakakasiguro siya sa bagay na iyon. Sarado na ang shop at mag-isa lang naman siya sa loob. Walang ibang pwedeng gumawa nun. Sa mga oras na iyon ay kasalukuyan niyang tinatapos ang isang gown na pang abay na kukuhain na bukas ng umaga. Kailangan niya itong matapos bago siya matulog. Wala si Leona. Binabantayan ang katapatid na nasa hospital. Bali sumandali lang ito kanina sa shop para kamustahin siya.


Bago ibalik ang atensyon sa ginagawa ay minsan pa niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng manikin. Nagulantang siya. Nakaharap ito sa kanya habang Nakatingin at nakangisi. Natakot man ay hindi na lang niya ito pinansin. Ang isip niya'y sumisigaw na kapag sinaktan siya ng manikin ay hindi siya magdadalawang isip na tumakbo palabas ng couture.


Inabala niya ang sarili sa pagtatahi. Sinasabayan niya pa iyon ng pagkanta. Ilang sandali ay nakarinig siya ng palakpak dahilan upang siya'y matigilan. Noong una ay may kahinaan ito hanggang sa unti-unti na lang lumalakas ang palakpak. Kinikilabutan na si Jema. Parang gusto na niyang pumasok sa loob ng silid at doon ay magkulong. Nag-angat siya ng mukha. Doon ay napansin niyang parang lumapit ang distansya ng manikin mula sa kanyang kinauupuan.


Tumayo si Jema. Kinuha ang gown at inilagay doon ang mga sinulid na gagamitin pati na rin ang mga disenyong ilalagay sa gown. Mas gugustuhin niya pang magmano-mano sa pagtatahi kaysa sa gumagamit nga siya ng makina ngunit heto't binabalot naman ng katatakutan. Atubiling pumasok siya sa loob ng kanyang. Doon na lamang niya tatapusin ang ginagawa.



ALAS nueve y media na ng umaga nagising si Jema. Bukas na ang shop. Nakita niya si Leona nainaayos ang mga nabiling tela. Tumingin ito sa kanyang direksyon.


"Gising ka na pala. Hindi na kita ginising kanina dahil alam kong puyat ka. Kamusta yung mga gown? Natapos mo ba?" tanong ni Leona.


"Oo. Natapos ko siya," inaantok pang usal niya. Tumitig siya sa kaibigan. Gusto niyang sabihin dito ang nalalamang kababalaghan tungkol sa manikin kaso hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Napabuntong-hininga na lang siya at iiling-iling nang pumunta sa CR.


Pagkabalik niya ay nakita niya ang may kalakihang cake na nasa ibabaw ng kanyang table. Bumaling siya kay Leona.
"Happy birthday!" bati nito. Napangiti siya at naramdaman na lang ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata. Masaya siya for another year of her life that god given to her. This year ay masasabing she had a lot of blessings. May bahagi ng kanyang isip ang na medyo nalulungkot sa pagkat isa na namang kaarawan niya na malayo sa pamilya.


Pero kung kakalkulahin, alam niya na mas nakakalamang ang kasiyahan kumpara sa kalungkutan. Natutuwa siya kasi hindi iba ang turing sa kanya ni Leona. Kung tutuusin ay boss niya ito subalit ang gusto nito'y ituring siyang isang kaibigan. Kumbaga, walang nakakaangat dahil para dito ay dalawa lang silang nagtutulungan sa negosyo nito.


"Mamaya magce-celebrate tayo." nakangiting saad nito.


MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon