M-7

789 38 3
                                    

.........................

  

NAAAWA si Leona sa kalagayan ng kapatid na si Alena. Dalawang araw na itong walang malay at nakaratay sa isang pribadong kwarto sa hospital na iyon. Lumapit siya sa kapatid at bahagyang itinaas ang kumot hanggang sa dibdib nito.

"Iiwan mo na kita Alena. Babalik lang si Ate sa shop, babalik din ako dito kaagad." Wika niya at inayos ang sarili.

Napapitlag si Leona at bahagyang nagulat nang makitang biglang gumalaw ang isang daliri ng kapatid. Hanggang sa magmulat ito ng mga mata. Napangiti siya at agad na hinawakan ang kamay ng kapatid.

"Sa wakas.. Nagising ka na Alena.." Aniya sabay halik sa noo ng kapatid.

"A-ate?'' tila confused pang usal nito.

''Ate, yung m-manikin." halata sa tono ng boses nito ang takot.

Kunot noong tumitig siya sa kapatid. "Manikin?"

"Y-yung manikin..namukhaan ko siya! Siya yun. Hindi ako pweding magkamali!"

"Alena, huminahon ka.." Aniya sa kapatid. Nagsalin siya ng tubig sa baso at pinainom dito.

"Anong meron sa manikin?" Mayamaya'y tanong niya.

"Yung manikin na nakita ko sa shop natin.. Siya yung gustong pumatay sa akin.." Anito sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Leona.

Nanlaki ang mga mata ni Leona sa narinig.

"Sigurado ka? Pero paano nangyari 'yon?"

"Oo ate.. Alam ko naman ang pinagkaiba ng itsura ng tao sa isang manikin.. Manikin siya, nakasisiguro ako. Nagda-drive ako nun pauwi nang makita ko siya na nasa tabi ko na. Nakipag-agawan siya sa akin sa manibela. A-ate, baka nabubuhay ang manikin. Natatakot ako.. Natatakot ako.."

"Huwag kang matakot Alena, nandito lang ako." alo niya.

Hindi nga kaya tama ang kutob ko? May kinalaman nga kaya ang manikin sa pagkamatay ng mga costumer na umorder sa shop namin? Pero paano nangyari 'yon? Hindi kaya yung mga nakakabili ng sinusuot namin sa manikin ang namamatay? Tama! Sinuot ko sa manikin yung tinahi kong gown para kay Alena. Sa isip niya habang marahang nakatitig sa kanyang kapatid.

Yung anak ni congressman, saka yung mataray na babae. Isa sila sa nakabili ng dress na sinuot ng manikin na nalaman kung namatay. Alam ko marami pang nakabili ng dress at gown na sinuot namin sa manikin, hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanila. imposibleng mangyari 'yon pero kailangan kong alamin kung may katotohanan ba ang sinasabi ng kapatid ko.

---

"Oh Leona, kamusta na si Alena?" Agad na bungad na sabi ni Jema pagkapasok niya sa loob ng shop.

"Nagising na siya.. Matapos ko siyang pakainin ay iniwan ko muna nang makita kong nakatulog ulit siya."

"Buti naman at nagising na siya."

"Jema, sandali lang ako. Meron lang akong aasikasuhin. Pupuntahan ko yung address ng enterprise na siyang pinanggalingan ng manikin. " Aniya.

"Bakit?" tanong nito.

"May sa maligno ang manikin na iyan!" sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ni Jema. Pero alam nito iyon at nararamdaman. Natutuwa siya at alam na rin iyon ni Leona. Gusto na rin niyang mawala ito. Takot na takot na siya sa maniking iyon tuwing mag-isa na lang sa gabi.

"Gusto mo samahan na kita?"

"Huwag na, Jema. Magbantay ka na lamang dito." aniya. Kumuha siya ng gunting at lumapit sa manikin. Sinira niya ang suot niyon. "Wala ka nang mabibiktima!" usal niya habang pinipiraso-piraso ang mga tela na noon ay isang casual dress. Matapos nun, tinakpan niya ng malaking tela na kulay pula ang mannequin.

Tumayo si Jema. Kinabahan. Sa isip niya, parang napagdudugtong-dugtong na rin niya ang lahat. Kanina, habang nagbabantay sa shop ay nanonood din siya ng TV . Isang flash news ang napanuod niya. Yung isa sa dalawang babae na nagpagawa sa kanila ng gown na pang-abay, pinagbabaril ang mga bisita sa wedding event. Sa huli ay nagpakamatay din ito.

"Jusko po, Leona." ani Jema.

"Bakit?" nagtaka ito.

"May bumili kanina ng dress. Yung dress na matagal mo nang nagawa. Meron daw silang Alumni homecoming mamayang gabi. Pinasuot niya ito sa manikin bago bilhin." nahihintakutang usal nito.

"Bakit ba kasi hindi na lang sukatin? Kailangan pa bang isuot sa manikin para makita?"

"Mahirap daw hubarin yung suot niyang ripped jeans kaya sa manikin na lang niya tinignan. Magkasing katawan lang naman daw sila nito."

Natigilan siya. Napaisip. "Subukan mong itali ng mahigpit yung manikin. Baka nga nabubuhay ito pagsapit ng gabi. Aalis na ako." iyon lang at umalis na siya. Nagkukumahog ang mga hakbang.

--

NAGTATAKA si Leona. Minsan niya pang tinignan ang address ng enterprise kung saan inorder niya ang mannequin. Hindi siya nagkamali ng pinuntahan. Pero bakit isa itong abandonadong gusali? Bakit dito naka-address ang enterprise na napagbilhan niya sa mannequin?

Luminga siya sa paligid. Mula sa kalsadang kinatatayuan niya ay napuna ni Leona na halos puro pabrika at warehouse ang naroon. May ilang sadaling nakatayo lang siya sa harap ng abandonadong gusali bago may matanaw na paparating na tricycle. Agad niya itong pinara.

Sa isip niya, hindi siguro lehitimo ang enterprise na iyon. Baka nga hindi nila produkto ang mga binebenta. Siguro ngayon ay wala na ito. Hindi na rin kasi niya matawagan ang nasabing kumpanya.

Nakalabas na siya sa avenue na iyon at kabababa niya lang ng tricycle. Ngayon naman ay sasakay siya ng Taxi pabalik sa kanyang shop.

Nang makasakay na siya sa taxi, gulong-gulo ang isipin niya. May pag-asa pa bang malaman niya ang katotohanan? Anong gagawin niya sa mannequin? Itapon? Sunugin? Pero sapat na ba iyon para matapos na rin ang lahat?

Paano kung hindi? Mahirap magpasya ng isang hakbang lalo na kung hindi man lang niya nalaman kung talaga ngang may kakaibang misteryo o kababalaghan ang mannequin. Hindi niya pa nabibigyan ng kasagutan ang kanyang mga katanungan.

Nang mga sandaling iyon, tanging ang mannequin lang ang naka-occupy sa isipin ni Leona. Inihilig niya ang ulo sa sandalan ng upuan. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Ipinikit niya ang mga mata.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakapikit o kung nakatulog ba siya sandali. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman niyang may kumakalabit sa kanya. Yung taxi driver.

"Ma'am, iihi lang ako sandali." anito. Tumango siya.

Pansamantalang ipinarada ng driver ang taxi sa may gilid ng kalsada. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng isang karinderya.
Habang nakatingin siya sa bintana, nahagip ng kanyang mga mata ang isang shop ng mga antigo.

Dahil sa may pagkainterasado siya sa mga ganoong bagay at bumibili siya ng ganoon, bumaba siya ng taxi upang sumilip sandali doon sa shop at baka may magustuhan siya sa mga tinitinda.

Bago makalapit ay nakita niya ang taxi driver na palabas na sa karinderya. Nagsabi siya dito na may titignan lang siya sa loob.
Sa karatula na nasa itaas, nabasa niya ang pangalan nito. Lola Pepita's antique shop.

Pagkapasok ni Leona sa loob ay napuna niya na ang karamihan sa mga antigo ay puro mga istatwa, religious items at kung anu-ano pang rebulto o imahe na nasa kahoy na nangingitim na ang kulay. Iginala niya ang mga mata. Ang antigong collection niya ay yung mga sinaunang kagamitan sa bahay.

''Miss, anong hanap nila?" bumaling siya sa lalaking nagsalita. Bahagyang nagulat nang makilala ito. Yung lalaking kasama nung babaing minsang bumili sa couture nila. Yung mukhang korean.

....

MANNEQUINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon