Ellaine's POV
Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang ilang kapwa mo estudyante na magkahawak ng kamay habang naglalakad ang mga ito sa harapan ko. Napailing ako at inubos ang iinom kong juice at isinalpak ang earphone sa tainga ko. Lagi na lang, sa room, sa gate, sa corridor, at maging sa hallway, lago na lang akong nakakakita ng mga magkasintahan na magkahawak ang kamay na parang mawawala ang isa sa kanila kapag binitawan nila ang isa't-isa.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng libro, to pass the time. May isang oras pa kasi ako bago ang susunod kong klase.
I'm Ellaine Clemente, by the way, twenty years old and third year college student in one of the prestigious University. Kumukuha ako ng kursong business management. I have an average life or you can say that we are rich because my parents owned chains of hotels and resorts here inside the country and hotels outside the country.
Ako lang naman ang nag-iisang anak nila. Mabait naman ang parents ko. Kaya lang strikto sila pagdating sa negosyo at pag-aaral ko. Isa lang naman ang hilig ko, ang magbasa ng mga nobela. Kahit anong nobela, go ako.
Kung tatanungin niyo ako kung nagkaboyfriend na ba ako? O may boyfriend ba ako ngayon? Wala 'no. Sakit lang sa ulo ang mga lalaking 'yan. Hindi ako bitter, ah. Ang saya kaya ng single life. Walang inaalala at hindi kumplikado ang buhay ko. I am happy even I don't have boyfriend. Hindi naman ako man hater. Ayaw ko lang talaga na maging kumplikado ang buhay ko at ayaw kong magkaroon ng problema. May mga gusto namang manligaw pero basted sila kaagad sa akin.
Ngumiti ako.
Nagulat ako nang may biglang tumapik sa balikat ko. Napailing ako nang makitang si Erica ang bigla na lang tumapik sa akin. Si Erica Soriano, ang matalik kong kaibigan. I don't have many friends. Dalawa lang ang kaibigan ko, si Erica at Stephanie. Silang dalawa lang ang naging kaibigan ko. Katulad ko rin sila, galing rin sila sa may kayang pamilya.
"Pwedeng huwag ka namang manggulat?" Sabi ko kay Ellaine.
"Aba, malay ko ba na magugulat ka. Masyado ka kasing nakapokus diyan sa binabasa mo." Sabi ni Erica at umupo sa tapat ko.
Kumunot ang nuo ko nang hindi ko makita si Stephanie. Dati naman na laging magkasama si Erica at Stephanie kapag pumupunta ang mga ito sa canteen dahil pareho ang oras ng klase ng dalawa.
Erica sighed. "Hayaan mo siya. Kasama niya ang boyfriend niya."
Mas lalong kumunot ang nuo ko. "Sino?" Tanong ko at uminom ng tubig.
"Si Troy."
Muntikan ko ng maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni Erica. "Siya?!" Gulat kong tanong.
Tinignan naman ako ni Erica. Are-you-kidding-me-look. "Really? Hindi mo alam?"
Nagkibit ako ng balikat. "Hindi. Hindi naman nagkwekwento sa akin si Stephanie. Lagi ngang may kausap sa phone kapag magkakasama tayo."
Well, Stephanie's boyfriend is one of the campus Heartthrob here in the University. Himalang naging mag-on ang dalawa. Kunsabagay, maganda naman si Stephanie.
Natawa ako. "Mukhang magkakaroon ng maraming hater si Stephanie kapag ganun."
Napailing si Erica. "Hayaan mo na nga siya."
I sighed. "Hay naku. Hindi na naman niya tayo kilala." Sabi ko.
"Ganun naman siya kung may boyfriend siya. Parang wala siyang kaibigan. Kilala niya lang tayo kapag break na sila. Tignan mo."
Natawa ako ng mahina saka napailing. Tinanggal ko ang suot kong earphone at inilagay sa bag ko. "Tell me, wala rin bang nanliligaw sa 'yo?"
"Kakabasted ko lang sa may balak manligaw sa akin kahapon." Sagot ni Erica at uminom ng juice.
BINABASA MO ANG
My Arrange Marriage [COMPLETED]
General FictionEllaine's parents decided to marry her to the son of their business partners who is six years older than her. She doesn't want to get married to the man she doesn't love but she doesn't have any choice. And the man she will marry is no other than th...