CHAPTER 29

1.4K 37 0
                                    

Third Person's POV

"ANAK, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ng ina ni Ellaine.

Tumango si Ellaine. "Yes, Mom. Sigurado na po ako."

"Hindi ka namin pinipilit," sabi naman ng kaniyang ama. "You can stay here if you want. We just wanted you to move on."

"I know, Dad. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako napipilitan lang," sabi ni Ellaine. "At isa pa, anong mag-move on ang sinasabi niyo? Hindi pa naman kami hiwalay ni Nathan. Wala pa ngang annulment, eh."

Ngumiti ang kaniyang mga magulang.

"Let's go. Ihatid ka na namin sa airport."

"Sige po," sabi ni Ellaine pero may pumasok bigla sa isipan niya. "May pupuntahan lang po ako saglit, Dad. Mauna na po kayo sa airport, susunod na lang po ako doon."

"Sige."

Ngumiti si Ellaine at lumabas ng kanilang bahay.

"Saan siya pupunta?" Nagtatakang tanong ng ama ni Ellaine sa asawa nito,

Napailing ang ina ni Ellaine. "Saan pa nga ba siya pupunta? Sige na. Mauna na tayo sa airport."

Patakbong lumabas ng kanilang village si Ellaine at sumakay sa taxi. Nagpahatid siya sa bahay ni Nathan. For the last time, gusto niyag makita ang lalaki. Napabuga siya. Hindi niya pala kayang umalis ng hindi nagpapalam dito.

Nang makarating siya sa bahay ni Nathan, huminga siya ng malalim at nag-door bell sa gate. Bumukas ang gate at nagulat pa si Ivy na siyang nagbukas ng gate.

"Ma'am?"

Ngumiti si Ellaine. "Andiyan ba si Nathan?" tanong niya.

Umiling si Ivy. "Nasa kumpanya siya ngayon, Ma'am. Gusto niyo bang tawagan ko siya?"

Umiling si Ellaine. "Hindi na kailangan. I just want to take a look."

Tumango si Ivy. "Sige, Ma'am. Pumasok kayo."

"Salamat."

Ellaine entered the compound. Pumasok siya sa loob ng mansyon habang nakasunod naman sa kaniya si Ivy. Nagulat pa ang mga kasambahay na nakakita sa kaniya. Nginitian na lamang niya ang mga ito at umakyat siya sa ikalawang palapag. Huminga siya ng malalim nang makarating siya sa kwarto nila ni Nathan. Binuksan niya ito at pumasok siya sa loob. Ilang buwan na mula ng umalis pero walang nagbago sa master's bedroom. Katulad pa rin ito ng umalis siya. Her study table was still in place and even her dresser cabinet. Hindi rin nagalaw ang mga gamit niya doon.

Pumasok siya sa walk-in closet. Natigilan siya nang makita ang mga damit niya na nandoon pa rin. Hindi nagalaw ang mga ito. Napangiti na lang siya at lumabas ng walk-in closet. Umupo siya sa gilid ng kama. Kinuha niya ang isang nakatuping papel sa bag niya at inilagay sa ibabaw ng unan ni Nathan. Huminga siya ng malalim at tumayo. Naglakad siya palabas ng kwarto nila ni Nathan, sinulyapan niya ito bago niya ito isinara.

"Ma'am, ihatid ko na kayo."

"Salamat, Ivy. Then please, ihatid mo ako sa airport."

"Ma'am?"

"I'm leaving the country today, Ivy," sabi ni Ellaine.

Lumabas si Ellaine ng mansyon at sumakay ng kotse. Nang makalabas si Ellaine sa compound, saka naman ang pagdating ni Nathan. Katulad ng dati, dederetso siya sa kwarto para magpahinga. Pero natigilan siya nang malanghap niya ang pamilyar na amoy ni Ellaine. Napakurap siya at tumingin siya sa loob ng kwarto.

"Ellaine..."

Tumingin siya sa loob ng kwarto at nakita niya ang nakatuping papel sa ibabaw ng unan niya. Mabilis niya itong kinuha at binuklat. Natigilan siya nang makita niyang sulat ito ni Ellaine.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon