Ellaine's POV
NAGISING ako kinabukasan na wala na akong katabi sa kama. Ang aga naman yatang nagising ni Nathan. Bumangon ako at inayos ang kama. I went to the bathroom and did my morning routine. I took a bath. Nagbihis ako at tinuyo ang buhok ko. Weekends ngayon kaya walang pasok. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa salas. Nagtaka ako nang hindi ko makita si Nathan. Saan naman kaya nagpunta 'yon? Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko doon si Mommy at Manang Lita na nagluluto. Natigilan ako at literal na napatigil ako sa paglalakad dahil nagulat ako nang makita ko si Mommy na nakaharap sa kalan. Kailan pa siya nagluto. Mukhang naramdaman ni Mommy ang presensiya ko dahil tumingin siya sa akin.
"Morning, anak," bati niya sa akin.
Napakurap ako, "m-morning, Mom."
Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Mommy, anong nakain niyo?" tanong ko. "Bakit kayo ang nagluluto?" Tumingin pa ako kay Manang Lita.
"Bakit? Masama ba kung ako ang magluluto?" tanong naman sa akin ni Mommy.
Umiling naman ako. "Hindi naman po, Mommy, pero nakakapanibago lang po kaso," sabi ko.
Tumawa si Mommy pati si Manang Lita ay natawa na din.
"Mommy, nakita niyo po ba si Nathan?" tanong ko.
"Nasa hardin kasama ang Daddy mo. Nag-uusap sila doon."
Napatango ako. "Ano pong maitutulong ko?" tanong ko.
"Ihanda mo na lang ang mesa, anak. Malapit ko na itong maluto," sabi ni Mommy.
"Opo."
Hinanda ko ang mesa at inilagay ko ang mga niluto doon ni Mommy.
"Tawagin mo na si Nathan at ng Daddy mo," sabi ni Mommy.
"Yes, Mom."
Lumabas ako ng kusina at pumunta sa hardin. Pagdating ko sa hardin, nakita kong seryosong nag-uusap si Nathan at Daddy. Kumunot ang nuo ko. Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawa at mukhang seryoso sila? Walang ingay na lumapit ako sa kanila at nagtago sa mga matataas na halamanan.
"Huwag po kayong mag-alala," sabi ni Nathan. "Aalagaan ko po ang anak niyo."
"Salamat, Nathan. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko noon. Nakikita ko naman na masaya sa 'yo ang anak ko. Kilala ko si Ellaine, kung ayaw niya sa 'yo baka noon pa lang umuwi na siya dito sa bahay," sabi ni Daddy.
Napangiti ako. Kilala talaga ako ni Daddy.
"Ellaine is a nice woman. You raised a good daughter, Dad."
Tumikhim ako, "anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko.
"Nothing," mabilis na sabi ni Nathan. "Wala ka namang narinig 'di ba?"
Umiling ako, "wala," sabi ko. "Pumasok na po tayo sa loob. Kakain na po tayo."
Tumango si Daddy at ngumiti.
"Okay," Nathan said.
Ngumiti ako at nauna na akong pumasok sa loob. Sumunod naman sa akin si Daddy at Nathan. Habang kumakain kami, nag-uusap ang mga magulang ko at si Nathan habang ako ay tahimik lang. Napatingin ako kay Nathan nang hawakan niya ang kamay ko.
"Ang tahimik mo yata," sabi niya.
"Wala naman akong maisip na sasabihin kaya makikinig na lang ako," sabi ko sa kaniya.
Natawa ng mahina si Nathan saka ako sinubuan. "May sasabihin ako sa 'yo mamaya."
"Ano?"
"Mamaya na," sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Arrange Marriage [COMPLETED]
Fiction généraleEllaine's parents decided to marry her to the son of their business partners who is six years older than her. She doesn't want to get married to the man she doesn't love but she doesn't have any choice. And the man she will marry is no other than th...