Ellaine's POV
PAGDATING namin ni Nathan sa University, nakita kong marami na rin ang mga dumarating na estudyante. Men are in their tuxedo. Women are in their nice dresses. Napabuntong hininga ako isinuot ang wedge sandals ko. Sana lang hindi ako matapilok dahil sa suot kong 'to. Bumaba si Nathan at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
He smiled and offered his arm. Humawak naman ako sa braso niya. Naglakad kami patungo sa hall kung saan gaganapin ang gathering. Habang naglalakad kami patungo ni Nathan sa hall, napansin kong napapatingin sa amin ang iba. Nakaramdam naman ako ng pagkailang. Hindi ako sanay sa atensiyon ng ibang tao.
"Baby, chin up and let them see how beautiful you are," Nathan said.
I pinched his arm slightly. "Tumahimik ka nga."
"What? I'm just saying the truth. My wife is beautiful," he said and winked at me.
Hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ang paglakad ko kaya napasama sa akin si Nathan. Bumilis ang lakad niya.
"Baby, baka matapilok ka. Ang bilis mong maglakad," sabi niya kaya binagalan ko ang lakad ko.
I looked at my wrist watch. It's already five-thirty in the afternoon. Malapit nang magsimula ang gathering. I sighed and looked at Nathan.
"Mauna ka na," sabi ko nang makarating kami sa labas ng hall.
Nathan looked at me. Confusion was written on his face. "Why?"
"Basta mauna ka ng pumasok. Ayaw kong makakuha ng atensiyon," sabi ko.
"But you're already gaining atensiyon, Ellaine," sabi niya at tumingin sa paligid. Tumingin rin ako sa paligid namin at nakita kong nakatingin sa amin ang mga estudyante.
I looked at Nathan. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. "My wife will enter the hall with me. Don't mind other people."
"But..."
"No buts. Let's go."
I sighed. Wala na akong nagawa nang masuyo akong hilain ni Nathan papasok sa loob ng hall. Naririnig kong maingay ang loob ng hall pero pagpasok namin ni Nathan, bigla na lang tumahimik. Humigpit ang hawak ko sa kamay.
"Hindi ka ba talaga sanay sa atensiyon?" tanong sa akin ni Nathan.
"I'm not like you," sabi ko.
Nathan smiled. "Let's go. Don't mind them."
Naglakad kami ni Nathan patungo sa mga kaibigan ko. Nang makarating kami doon, nakangiti sa amin si Erica at Stephanie.
"You're beautiful. Hindi na ako nagtataka na nakuha mo ang lahat ng atensiyon ng mga tao dito sa loob ng hall," nakangising sabi ni Erica.
"And plus, your husband is so handsome. I'm sure marami ang naiingit sa 'yo ngayon," sabi naman ni Stephanie.
"Don't tease me," I said.
Nakita ko naman si Clyde pero hindi ko siya pinansin kahit pa ngumiti siya sa akin. I don't know but I'm not really comfortable around him. Umupo kami ni Nathan. Katabi ko si Erica sa kaliwa ko at si Nathan naman sa kanan ko.
"Hindi ka ba pupunta sa harapan?" tanong ko kay Nathan.
Tumingin naman si Nathan sa harapan kung nasaan ang Dean at iba pang head ng University. Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Anong gagawin ko do'n?"
"Makipag-usap," sagot ko.
Umiling si Nathan. "I don't want. I want to stay beside you. I don't want you to be snatched by someone."
BINABASA MO ANG
My Arrange Marriage [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturEllaine's parents decided to marry her to the son of their business partners who is six years older than her. She doesn't want to get married to the man she doesn't love but she doesn't have any choice. And the man she will marry is no other than th...