Ellaine's POV
HUMINGA ako ng malalim at pinilit na makapagpokus sa binabasa ko. I need to finish my project. Dead line na kasi ito bukas. Nagkasakit ako kaya hindi ko nagawa. Kaya naman ngayon na magaling na ako ay tinatapos ko na. Napabuga ako ng hangin at binitawan ang librong binabasa ko. Sumandal ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapagpokus sa binabasa ko dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Pagkatapos ng halikan namin ni Nathan, hindi ko siya kinausap at talagang iniiwasan ko siya. Kapag nandiyan na siya, nagkukunwari na akong tulog o di kaya naman ay nagkukunwari akong busy para hindi niya ako kausapin. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano. Pabalik-balik sa isipan ko ang paghalik niya sa akin noong nakaraang araw. Muli na naman akong napabuga ng hangin. Hindi ko alam kung tama ba ang pag-iwas ko sa kaniya?
Tumingin ako sa laptop ko na nasa harapan ko. Nakatitig na lang ako doon. I looked at the clock and it's already six in the evening. Siguradong parating na si Nathan. I sighed and picked up my book. I tried to focus to finish my project.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto pero hindi ko na tinignan kung sino ang pumasok dahil alam kong si Nathan 'yon. Hindi ko siya pinansin. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero naramdaman kong nakatayo siya sa likuran.
"Ellaine, hindi ka ba kakain?" tanong niya sa akin.
"Mamaya na siguro," sabi ko. "Kailangan ko pa itong tapusin. Hindi ako kakain hangga't hindi ko 'to natatapos."
"Okay."
Wala na akong sunod na narinig mula kay Nathan. Narinig ko na lang ang papalayo niyang yabag at ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Napabuga ako ng hangin at napahawak sa tapat ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at talagang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nathan kissed me that his kiss made me feel nervous. Hindi ko alam kung bakit pero talagang nakaramdam ako ng kaba. Kaba para saan? He's my husband and it's normal for us to kiss. But after that torrid kiss, nakaramdam ako ng saya pero nakaramdam rin ako ng lungkot.
Nangalumbaba ako at napailing. Saka ko na lang iisipin ang tungkol kay Nathan kapag tapos ko na ang project ko. I focused on my doing my project. Hindi ko namalayan ang oras. Napatingin na lang ako sa gilid ng mesa nang may naglapag doon ng tray na may lamang pagkain.
"Kumain ka muna, Ellaine," sabi ni Nathan.
Tumango ako. "Salamat."
"May hindi ka ba alam? I can help you." Nathan said.
Umiling ako. "Kaya ko na 'to. Salamat na lang."
I heard him sighed. "Okay."
Wala na ulit akong narinig mula sa kaniya. Tahimik na siya. Mukhang nakatulog na siya kaya lumingon ako, mabilis aking humarap sa laptop ko nang makita kong hindi pa pala siya tulog. Nakasandal siya sa kama at hawak niya ang cellphone niya. Tinignan ko ang pagkain na dinala niya. Napangiti lang ako ng tipid at nagsimulang kumain. Nang matapos akong kumain, tumayo ako at dadalhin ko sana sa kusina ang pinagkainan ko nang magsalita si Nathan.
"Where are you going?"
"Dadalhin ko lang 'to sa kusina," sabi ko.
"Ako na," sabi niya at bumaba ng kama.
Kinuha niya ang tray at lumabas ng kwarto. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy sa paggawa ng project ko. Nagpasalamat naman ako na natapos ko na ito. Nakahinga pa ako ng maluwang. Tumayo ako at nag-inat. Inayos ko ang study table ko. Nagtaka ako nang hindi na bumalik si Nathan sa kwarto. Saan naman kaya nagpunta ang taong 'yon?
I sighed. Hihiga na sana ako sa kama pero napatingin ako sa pintuan. Napabuga ako ng hangin at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa living room para hanapin si Nathan pero wala siya doon pati na sa kusina, wala rin siya doon. Napatingin ako sa pinto ng mini bar at nakita kong bahagya itong nakabukas, naglakad ako patungo roon at sumilip sa loob, nakita ko si Nathan na umiinom.
BINABASA MO ANG
My Arrange Marriage [COMPLETED]
General FictionEllaine's parents decided to marry her to the son of their business partners who is six years older than her. She doesn't want to get married to the man she doesn't love but she doesn't have any choice. And the man she will marry is no other than th...