CHAPTER 28

1.1K 34 0
                                    

Third Person's POV

UMUWI si Ellaine sa bahay ng kaniyang mga magulang pagkatapos niyang umalis sa mansyon nila Nathan. Syempre nagtaka ang mga magulang niya sa biglaan niyang pag-uwi. Hindi siya tinigilan ng mga ito hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

"So, what's your plan now?" tanong ng kaniyang ama na bahagyang galit.

Ngumiti si Ellaine. "Continue with my life, Dad. Ano pa nga bang gagawin ko?"

Niyakap naman siya ng kaniyang ina at hinalikan siya sa kaniyang nuo. "Anak, we will support you on what you will do. Nasa likod mo lang kami."

"Thank you, Mom."

"Kailangan kong kausapin si Nathan," sabi ng kaniyang ama.

"Daddy, hindi na po kailangan. Hayaan niyo na po. Nathan and I both need to cool down. He can't decide while I'm with him so it's better for me to leave," sabi ni Ellaine upang pigilan ang kaniyang ama.

"But you're the legal wife. Mas malaki ang karapatan mo. Anong karapatan ng babaeng 'yon?"

Ngumiti ng tipid si Ellaine. "Dad, let Nathan decide. Hindi ko siya pipigilan sa anumang desisyon niya. Kilala niyo ako. Ayaw ko ng gulo. So, let it be."

Napabuntong hininga ang kaniyang ama. "Ngayon, nagsisisi na ako na pumayag ako noon na ipakasal ka kay Nathan. Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako pumayag."

Umayos ng upo si Ellaine. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Her father just sighed. Kaya tumingin si Ellaine sa kaniyang ina.

Napabuntong hininga rin ang kaniyang ina. "Nathan came to us and begged us to marry you."

Natigilan si Ellaine. "What?"

"He promised us that he will take good care of you and he will love you. We felt his sincerity so we agreed that he will marry you," sabi ng kaniyang ina.

Napasandal si Ellaine sa kinauupuan. "I thought you just wanted me to have a better life and for our better business."

Umiling ang kaniyang ama. "Sinabi lang namin 'yon dahil sinabi ni Nathan na huwag naming sabihin sa 'yo ang totoo."

Natawa si Ellaine ng mahina saka napailing. Tumayo siya. "Mom, Dad, magpapahinga lang po muna ako." Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kaniyang kwarto.

Humiga siya sa kama at ipinikit ang kaniyang mata. Her decision was reckless but it's for the best. Alam niyang naguguluhan si Nathan sa desisyon nito dahil nasa tabi siya nito kaya naman aalis na lang siya. Alam niyang konting panahon lang, Nathan can pull himself. Huminga ng malalim si Ellaine. Tumulo ang luha niya. Bakit kung kailan mahal na nila ang isa't-isa saka pa dumating ang ganitong problema.

Happiness indeed won't last long. Aniya sa kaniyang isipan. At hindi rin lahat ng taong nagmamahal ay nagkakatuluyan.

Napailing si Ellaine. Ano ba 'tong mga iniisip niya?

She sighed and force herself to sleep. Baka paggising niya, she's ready to face the new day.







NATHAN went to Maine's condo. He rang the doorbell. Maya-maya pa ay bumukas na ito. Kaagad na ngumiti si Maine nang makita siya. "Nathan."

"Is Miguel inside?"

Tumango si Maine. "Sandali lang at tatawagin ko siya."

"No need," malamig na saad ni Nathan. "So, you gave my wife the DNA test result?"

Natigilan si Maine kapagkuwan ay ngumiti ito. "Yes. Why? Mabuti na malaman niya ang totoo."

Malamig na ngumiti si Nathan. "Because of what you did, mas lalo lang na lumayo ang loob ko sa 'yo. I was planning to tell this to my wife, pero inunahan mo ako. Then bear the consequences, from now on, I won't support you. Si Miguel lang ang susuportahan ko. I won't give you the money. I will make Miguel's own account. Of course, I will give it to you but there's a limitation and you can't withdraw the money without my permission. You pushed it too far."

My Arrange Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon