CHAPTER 23

1.1K 33 0
                                    

Ellaine's POV

"WHAT?! Clyde did that?!" Hindi na napigilan ni Erica ang pagtaas ng boses niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko. Sinabi ko kasi sa kaniya ang ginawa ni Clyde. "How dare he!"

I sighed.

"Mabuti na lang at dumating on time ang asawa mo," sabi ni Stephanie. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nilang dalawa ni Erica.

Kasalukuyan kaming nasa isang café ngayon at nagmemeryenda. Napabuntong hininga ako. Erica wanted to go out so she invited me and Stephanie. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya dahil nagyayang lumabas si Erica na hindi naman nito gawain dati.

"What did you husband say?" Erica asked.

Umiling ako. "Nothing. But I know he's mad. Ayaw niya lang ipakita sa akin."

"Looks like someone has going to suffer." Nakangising sabi ni Stephanie.

"Ellaine, I'm sorry. Muntikan ka ng napahamak. Hindi na lang sana kita iniwan," sabi ni Erica.

Ngumiti ako. "It's okay. Hindi ko naman inaasahan na ganun ang gagawin ni Clyde." Sumimsim ako ng kape.

"So, malapit na naman ang pasukan. Anong plano niyo?" tanong ni Stephanie.

Umiling ako. "Wala. Katulad pa din ng dati."

"Ano pa bang gagawin natin kung hindi ang mag-enroll?" sabi naman ni Erica.

Nagtawanan kaming tatlo. Napailing ako at napatingin sa labas ng café. Napangiti na lang ako nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Nathan. Mukhang talagang gagawin niya ang sinabi niya na siya na babantayan niya ako kahit gaano pa siya kabusy.

I get my phone and texted him. 'You can come here.'

Hindi siya nag-reply pero nakita ko siyang bumaba ng kotse.

"My husband is coming," sabi ko.

Napatingin si Erica at Stephanie sa labas ng café.

"Ang gwapo ng asawa mo. Pero mas gwapo ang Troy ko," Stephanie said.

Nagkatinginan kami ni Erica at sabay pa kaming nagkibit ng balikat. Napailing na lang ako kay Stephanie. Ayaw talaga nitong minsan ang magpatalo.

Napatingin ako sa pintuan ng café nang pumasok si Nathan. He's just wearing a plain white v-neck shirt and black pants. Then he paired with white sneakers. Kumunot ang nuo ko at napatingin sa suot ko na white sneakers din. Bakit parang magkapareho kami? Pareho din kaming naka-white shirt.

"You're really a couple," sabi ni Erica. "You two are wearing the same."

Ngumiti ako. "It's just a coincidence," sabi ko naman. Hindi ko naman alam na kapareho sa suot ko ang isusuot ni Nathan ngayon.

"Pero mukhang swerte ka naman sa asawa mo despite your age gap and I could see that he's treating you well. And he respect you," sabi ni Erica.

Ngumiti ako. "Yeah, you're right."

When Nathan reached our table he greeted me, "hi," and he kissed me on my cheek.

Ngumiti ako. "You're not busy?"

Umiling si Nathan. "No. Wala ka pa sa bahay kaya tinanong ko si Ivy at sinabi niyang nandito ka," sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Oh."

Tumikhim si Stephanie at Erica.

"Hello. Nandito pa kaming dalawa," sabi ni Stephanie.

Tumingin kami ni Nathan sa kanilang dalawa.

"Baka pwedeng huwag munang maghawakan ng kamay. Nakaka-bitter eh," sabi ni Erica.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon