Ellaine's POV
PAGDATING namin sa bahay ng magulang ni Nathan, niyakap ako ng Mommy niya. Napangiti na lang ako. Dito daw kami magdi-dinner sa bahay nila. Plano namin sana na kahapon kami pupunta dito sa bahay ng mga magulang ni Nathan pero pinagpahinga ko siya kaya ngayon kami pumunta.
"Kumusta po?" tanong ko.
"Maayos naman kami, hija. Kayo ni Nathan, kumusta na? Inaalagaan ka ba niya ng maayos?" tanong sa akin ng Mommy ni Nathan at hinaplos ang buhok ko.
"Maayos naman po kaming dalawa," sagot ko.
Umupo kami sa sofa.
"Mabuti naman kung inaalagaan ka niya," sabi ng ina ni Nathan. "I'm relieved."
Ngumiti ako.
"Mom, ipapaalala ko lang po. Nandito ako. Bakit parang si Ellaine lang ang nakita niyo?" nagrereklamong sabi ni Nathan. Pabagsak siyang naupo sa sofa. And he sulked.
Binato naman ni Mommy Valerie si Nathan ng unan na nasa tabi nito. Mabilis namang sinalo ni Nathan ang unan. Napangiti na lang ako.
"Mommy," sabi ni Nathan.
"Huwag ka ngang mag-drama diyan. Bata ka talaga." Inirapan ni Mommy Valerie si Nathan.
Napailing si Nathan. "Si Daddy po?"
"Nasa hardin."
"Doon na lang po ako," paalam ni Nathan. Tumayo siya at lumabas ng mansyon.
"Hija."
Napabaling ang atensiyon ko sa Mommy ni Nathan. "Bakit po?"
Ngumiti si Mommy Valerie, "maayos lang ba talaga kayong dalawa ni Nathan? Hindi ba kayo nag-aaway? Inaalagaan ka ba niya?" May pag-alala akong naramdaman sa tanong ni Mommy Valerie. "Tell me if he's giving you a cold shoulder. I will scold him."
I smiled to let feel rest assured, "nagsasabi po ako ng totoo. Nathan and I were both okay. Maayos po kami."
Napatango si Mommy Valerie. "Then I'm relieved. Kilala ko kasi ang anak kong 'yan, he's cold to other people. Kaya akala ko ganun din siya sa 'yo. Nathan won't tolerate any single mistake either big or small."
Kumunot ang nuo ko. "He's cold to other people?" nagtataka kong saad. "Hindi naman po siya ganun sa akin."
"Mukhang hindi niya pinapakita sa 'yo ang ugali niya kapag kaharap niya ang ibang tao," sabi ni Mommy Valerie.
Bigla naman akong may naalala, "now that you mentioned it, Mommy. I remembered something," I said. Tumango ako. "He's indeed cold to other people. He doesn't even smile. And when I was in the Dean, his expressions are cold and serious. It's rare for me to see him like that."
Mommy Valerie sighed. "Ganun na talaga siya. Pero mabuti at mabait siya sa 'yo."
Ngumiti ako.
"Oo nga pala. Gusto mo bang makita ang pictures ni Nathan noong baby pa siya?" tanong ni Mommy Valerie.
I suddenly feel excited. "Talaga po? Yes po. Gusto kong makita."
"Sandali lang, kukunin ko para may pagtawanan tayo sa kusina habang nagluluto tayo," sabi ni Mommy Valerie.
Tumango ako.
Umakyat si Mommy Valerie sa itaas. Tumayo ako at tinignan ang mga larawan na naka-display sa living room. Napangiti ako nang makita ko ang family picture nila. May individual photos din kung saan ay naka-tux si Nathan. Napangiti ako. Ang gwapo niya lang pero kaagad din akong natigilan. I thought of him as gay that's why I married him. I facepalmed. Kapag nalaman 'to ng mga magulang ni Nathan, hindi ko alam kung ano ang iisipin nila tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
My Arrange Marriage [COMPLETED]
Ficción GeneralEllaine's parents decided to marry her to the son of their business partners who is six years older than her. She doesn't want to get married to the man she doesn't love but she doesn't have any choice. And the man she will marry is no other than th...