Pagkakasala

115 8 2
                                    

Kabanata 1

Tumango ako at yinakap siya. Hindi ko kayang mawala ang nanay ko. Kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay simula noong iniwan kami ng tatay ko. hindi ko kayang gumising sa umuga na wala ang nanay sa tabi ko. Paano na lamang ako kung wala siya? Oo napakamakasarili ko ngunit masisisi niyo ba ako? Sa halos araw araw na ginawa ng Diyos, ayos lang sa akin na bitbitin ang mga ito, makita ko lang ang nanay kong humihinga sa tabi ko. Kaya kong tiisin ang lahat ng paghihirap, kung ang kapalit nito ay ang buhay ng nanay ko.

"Kring Kring Kring"

Tumayo ako at pinahid ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. Tiningnan ko si nanay at tumango siya ng dahan dahan. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at nakitang tumatawag ang aking tatay.

"Hello, kumusta ang lagay ng nanay mo Bernadette?" dinig na dinig ko ang boses niya na punong puno ng pag-aalala sa lagay ng aking ina. Hindi maipagkakailang mahal na mahal niya pa din si nanay.

"Okay na po siya Tay. Huwag po kayong mag-alala. Natutulog po siya ngayon."

"Maaari bang pumunta ako diyan sa hospital ng masilip ko man lang si Maricel, anak?"

Medyo matagal-tagal na din noong huli kong narinig na tawagin niya akong "anak". Sa totoo lang miss na miss ko na ang aking tatay. Walong taong gulang pa lamang ako ng magkahiwalay sila ni nanay. Masakit man aminin ngunit hindi kami ang legal na pamilya ng aking ama. Oo, kabit ang aking nanay at ako ang naging bunga ng pagkakasala nila.

FLASHBACK

"Walang hiya ka Arthur! anong ginawa ko para ipagpalit mo ako sa haliparot na babaeng yan!"

Sabay sigaw at hablot ng babaeng may hanggang balikat ang buhok, maputi at may suot ng mga mahahaling kwintas kay nanay ngunit napigilan siya ni tatay. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari, nagtago ako dito sa may pintuan ng kwarto para hindi nila ako makita. Patuloy sa pagiyak ang nanay ko.

"Umuwi na tayo Ester halika na." giit ni tatay sabay hawak sa braso nung babaeng sumisigaw.

"Layuan mo ang asawa ko babae. Napakawalang hiya mo. Hindi pa tayo tapos!". Tsaka lumapit ako kay nanay pagkaalis nung babae kasama si tatay.

End of Flashback

"Anak maaari ba?" pag-uulit ni tatay

"Huwag na po itay. Ako na po ang bahala kay nanay, babalitaan ko na lang ho kayo." ani ko.

Dinig na dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya na para bang nanghihinayang. Ngunit, wala akong magagawa. Alam kong ikakasaya ni nanay ang makita ang mahal niya pero hindi ito pwede. Hinding hindi. Alam ko din na hindi na si tatay magpipilit na masilayan si nanay dahil alam niya sa sarili niya na kapag ginawa niya iyon para na din niyang pinatay si nanay.

FLASHBACK

Muli nanaman bumalik yung babaeng nang-away kay nanay. Hindi maalis ang mga mahahaling singsing at kwintas sa katawan niya. Siguro'y napakayaman ng babaeng ito. Sumisigaw din ng karangyaan ang sapatos , bag at damit niya.Nandito ulit ako sa may pintuan kung saan ako nakapagtago noong huli nilang pagkikita ni nanay. Pinagmamasdan at nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Aaanong ginagawa mo dito Ester? Wwala dito ang asawa mo. Umuwi ka na." paguumpisa ni nanay na mukhang nakakita ng aswang.

I'm not here for my husband, I'm here because of you." ani ng babae sa maarteng tono. Umupo din siya at may kinuha sa bag niya. Isang envelope iyon at inilatag niya sa center table.

Pumunta si nanay sa harap ng babae, tiningnan niya ito sa mata at kinuha ang envelope. Bigla na lang bumuhos ang luha ni nanay ng buksan niya ang envelope. Napaluhod ito sa babae. Ano ang laman ng envelope na iyon? Lalabas na sana ako para ipagtanggol si nanay ngunit,

"Please Ester maawa ka huwag mo tong gawin please, lalayuan ko na si Arthur. Hinding hindi niya na din ako makikita, pinapangako ko. Huwag mo lang gawin to Ester, nagmamakaawa ako sayo." sambit ni nanay sa gitna ng hikbi. Hindi ako lumabas, hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nagkaugat ang binti ko at hindi ko ito maiangat-angat.

Humalakhak ang babae animo'y isa siyang witch sa mga fairytales.

"Kung ganoon ay nagkakaintindihan tayo ng mabuti Maricel. Just Leave us alone and don't dare again to meet my husband. You know what will be the consequences of your action." at tumayo na ang babae sabay alis sa bahay namin. naiwan si nanay na nakaupo sa sahig at tuloy tuloy sa pag-iyak.

End of Flashback

"Huwag kang mag-alala sa mga gastusin anak, ako na ang bahala bantayan at asikasuhin mo lang ang iyong nanay." ani nito

"Opo tay." at ibinaba niya na ang telepono.

Kahit nangyari iyon, hindi pa din tumigil si tatay sa pagsuporta sa amin ni nanay, lalo't na nung nalaman niyang mayroong malubhang sakit ang mahal niya. Hindi din niya alam na nagkausap si nanay at ang kanyang asawa noon. Nilayuan siya ni nanay tulad ng kanyang sinabi noon ngunit ako na mismo ang humingi na tulong kay tatay. Hindi ako galit ng dahil lang na anak ako sa labas, hindi ako tulad ng iba na makitid ang utak.

Sinilip ko ang kwarto ni nanay at nakita kong mahimbing siyang natutulog. Malaki ang ipinagbago ng kanayang itsura. Malaki ang ibinawas ng kanyang timbang, ang makinis niyang kutis noon ay parang lantang gulay na ngayon, naglaho na din ang makintab niyang buhok pati ang pisngi niya'y animoy isang lobo na walang hangin.

Habang pinagmamasdan ko si nanay hindi ko mapigilang umiyak. Naalala ko din yung mga pagkakataong kaming dalawa lang. Masaya at walang problema.

FLASHBACK

"Nay nakakuha po ako ng perfect score sa Science oh." excited akong ipinakita kay nanay ang nakuha kong score sa quiz namin kanina.

"Patingin nga anak, aba mana ka talaga sa akin anak, maganda na matalino pa." at hinagkan niya ako.

"Syempre naman po." sabay kindat kay nanay

"at dahil diyan may ice cream ang Berna ko!"

"Yehey! Maraming salamat nay. I Love You." sambit ko

"Mahal na mahal na mahal kita anak." sabay pisil nito sa magkabilang pisngi ko.

End of Flashback

Ayan na naman ang mga luha ko. Hindi naman ako iyakin pero iyak ako ng iyak. Siguro ang dami daming tubig sa loob ng katawan ko kaya ganito.

Heto pala ang nagagawa ng cancer sa buhay ng isang tao. Akala ko puro sa telebisyon lamang ito ngunit heto at isinampal sa akin ang katotohanan. Napakasakit nga eh pero sino ba naman ako para umangal.. Minsan nga iniisip ko siguro ito yung sinasabi nilang karma. Dahil nagkasala ang nanay at tatay heto yung naging karma nila sa buhay.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon