Seminar

18 2 0
                                    

Kabanata 10

"Bernadette kumusta ang pag-aaral mo" wika ni Aunte Rose sa akin habang kumakain kami ng almusal.

"Okay lang naman po Aunte. Medyo marami rami ang gagawin pero kaya naman po." Ani ko at uminom ng tubig.

"Mabuti naman. Ikaw Reina anak alam kong pinaghuhusayan mo" tingin ni Aunte kay Reina sabay ngiti "Katulad ng ate Bernadette mo" sabay tingin din sa akin ni Aunte na nakangiti din.

"Opo naman po ma! Mana po ako sainyo, pati na din kay ate Bernadette!" Ngiting ngiting sabi ni Reina sa amin.

"Mabuti naman anak"sabay subo ni Aunte.

"Mama bakit hindi mo po ako tinatanong?"  Tinginan kami kay Rey na nakasimangot. Awwwwww ang cute cute talaga ng batang to! Nakakatuwa

" Rey, anak lagi naman kitang kasama sa school diba tsaka alam kong ang galing galing mong bata." Sabay pisil ni Aunte Rose sa pisngi ni Rey.

"Aray ko po mama binata na po ako. Wag niyo na po ulit gagawin iyon" ani ni Rey na hinahawakan ang pisngi niyang namumula mula. At sabay tawanan ulit kami.

"Aba, ngayon ko lang nalaman na binata na ang baby ko." At sabay tawanan kami at si Rey ay nakabusangot. Nakakatuwa talaga siya. Akala niya binata na siya.

At yun pumasok na sila sa school. Binigyan din ako ni Aunte Rose ng susi ng bahay para kung may emergency o anu pa man ay at least may dala daw akong susi.

Kailangan ko ng maligo at may pasok din ako. Inayos ko na din yung mga gamit ko para mamaya.  Pero bumabalik balik pa din sa isip ko yung mga mata ni Torry. Ano ba Bernadette? Bakit iniisip ko yun? Siguro nakokosensya ako dahil hinusgahan ko kaagad siya.

"Dama ko din ang nararamdaman mo Bernadette" ayan na naman. Aysssshhhhh! Kailangan ko ng pumasok! Hindi yung ano ano ang iniisip ko dito. Pero sa totoo lang napakaamo pala ng mukha ni Torry. Yung mga mata niyang nangungusap, ang buhok niyang sumasabay sa ihip ng hangin at pati na din yung labi niyang bagay na bagay sa kanya.

" Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiing!" Ayyy pusssit! Hindi ko namalayan na tulala na pala ako sa kakaisip nung nangyari! Sino ba tong tumatawag? Buti naman at ginising ako sa mga imahinasyon ko.

Calling Aloe

Si aloe bakit kaya
"Hello? Aloe bakit? Papunta pa lang akong school." Ani ko habang inaayos yung mga libro kong dadalhin.

"Bernabebe may seminar daw tayong pupuntahang mga Sociology student at required daw iyon. Pwede mo ba akong ireserve ng upuan kung mauuna ka doon sa amphitheater? Medyo may emergency lang dito sa bahay ehh, hindi ako agad agad makakaalis? Ehh si Rain na man daw mukhang malalate din ewan ko ba sa baklang yun. " Ani niya sa kabilang linya na mukhang abala.

"Osige Aloe pero hindi ko alam kung mayroon pang available na upuan. Sige itetext na lang kita" wika ko sakanya.

"Osige maraming salamat talaga Bernadette. Mag-iingat ka" at tumango ako. Mukha ba niyang makikita iyon? At ibinaba niya na ang telepono.

May seminar pala kami. Mabuti iyon makakatulong sa amin hindi lang puro sa classroom ang discussion. Mas maganda naman kasing may iba kang nakukuhang impormasyon tungkol sa pinag-aaralan mo tulad nung mga taong may experience kung baga hindi yung puro sa libro na lang umaasa.

Nagmadali ako para makakuha ng bakanteng upuan. Pero anoooooooo ito? Puno ang Amphitheater dahil simula sa first year hanggang fourth year na mga sociology student ay naririto. Medyo maiinit pero okay lang dahil may aircon naman.

Tingin tingin pero wala na talaga. Ayyyss siguro ay tatayo kami malamang dahil wala ng ibang upuan. At may nagsisidatingan pa.  Teka at ng matext si Aloe.

"Aloe wala ng bakanteng upuan. Madami na din kasi yung mga estudyante at nakareserved na yung ibang upuan na wala. Para daw sa mga kaklase din nila. "

Message sent

Ilang sandali pa at hindi pa din nagsisimula ang seminar. Siguro ay hinihintay pa ang mga guest speaker.
"Kailangan ba talaga nating tumayo? Medyo matagal tagal pa naman ang seminar na ito". Aba si Torry bigla bigla na lang sumusulpot parang kabute at nakapamulsa nanaman siya. Ano ba ang meron sa bulsa niyang iyan at laging nakapirmi ang mga kamay niya riyan. Siguro mahiyain ang mga kamay niya.

" Uyy! Torry nandito ka na din pala. Oo nga ehh pero kailangan natin ito. Maganda naman kasing makinig sa mga ganitong seminar" sabay tingin ko sakanya at yun nakatingin lang siya sa stage at tumango.

" Ayun Bernadette at may umalis na mga estudyante" sabay turo at lakad namin ni Torry. Mahirap na baka maunahan pa kami at sakto apat ang umalis.

Pero yung dalawang upuan ay nasa likod at yung dalawa nasa unahan. Kaya nilagay ko yung bag ko sa isang upuan. Pero pano yung isa? Wait isip Berna sayang nung isa kapag may nakaupu na.

At nakita ko yung bag ni Torry. Hihirimin ko muna sakanya sandali.

"Uhmm.. Ano Torry pwede ko bang mahiram ang bag mo ilalagay ko lang doon sa bakanteng upuan" medyo nahihiya kong sambit sa kanya.

"Osige." Sabay abot niya sa akin ng bag niya at inalagay ko na iyon doon "Bakit mo yun nilagay doon?" Tanong niya sa akin.

" Ano kasi dadating yung mga kaibigan ko. Salamat pala" sabay tango naman niya.

At tinext ko din pareho sina Rain at Aloe na nakakuha na ako ng mga bakanteng ipuan para sa kanila.
Maya maya ay nagsalita na ang emcee.

"Goodmorning Sociology student!" Sabi ng baklang emcee. "Okay. Dahil wala pa naman ang ating mga guest speaker, nakikita niyo bang may mga lumilibot na organizer" sabay tinginan ng mga estudyante sa mga nakaputing organizer at tango. " Alright! May ibibigay silang pirasong papel at kung may gusto kayong batiin, kung jowa,o crush yung mga nanliligaw pinapaasa at kung ano ano pa ay pwede niyo dyan ilagay. At babasahin ko ng live na live. Nasasainyo na din kung ilalagay niyo ang pangalan ninyo at ng pinapatamaan niyo. Pero maari din kayong bumati halimbawa " kh@muzzta ka Mhal koxckszxxdx from icebreaker21. Mga ganyan. Jejemon!" At tawanan kaming lahat.

Wala pa din sina Rain at Aloe pero okay lang dahil hindi pa naman nag-uumpisa.

May nakuha na din akong papel at nilagay ko ay

" Maganda itong seminar. Sobrang makakatulong sa aming mga estudyante. Keep it up mga magagaling na mga organier:))" at yun hindi ko nilagay ang pangalan ko. Nakita ko din si Torry na nagsulat. Ano kaya ang sinulat niya? Inabot na din namin sa mga organizer. Nakakatuwa naman ito.

"Okay, so let me read this messages" ani ng emcee. Binunot niya ang unang babasahin niya.

" Is it hot in here or is it just you? Aba naiinitan si Mr. Carebear. Palakasin ang aircon. Pero wala ng ilalakas nandito kasi ako, super hot" sabay kindat niya at tawanan nanaman kami. Nakita ko din na bahagyang tumawa si Torry.
Bumunot ulit siya.

"Walang forever. Isinusumpa ko yan sa bato. Sino kaya itong bitter. Nahiwalayan siguro ito ng jowa ano?" Wika ng emcee. At bumunot ulit.

" okay eto. "Maganda itong seminar. Sobrang makakatulong sa aming mga estudyante. Keep it up mga magagaling na mga organizer:)) aba ang bait naman ng batang to at naapreciate itong event." at sabay sabay nag awwwwwwwwwwwwwwww ang mga estudyante. Nakakatuwa naman iyon.
Bumunot ulit siya.

" Sana nagpakilala ako sayo ng mas maaga . Aba sino kaya itong mukhang may pagsisising nararamdaman. Pero payo lang magpakilala ka hindi pa huli ang lahat! Ngeee!" At tawanan na naman kami. Pero nakita kong tumingin sa akin si Torry pero hindi ko yun pinansin.Hindi ako magkakamali. Dahil hanggang ngayon nakatingin pa din siya sa akin.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon