Damo

17 2 0
                                    

Kabanata 9

Pagkatapos nung pangyayari sa library na napagalitan kami nagpaalam na si Nathan sa akin dahil may pasok pa daw siya. Kaya ako naman ay naghintay pa ng ilang minuto dahil 10:30 pa lang. Habang nagbabasa ako ng magazine biglang nagring ng pagkalakas lakas ang phone ko.

"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!Kriiiiiiiiiiiiiiiing!" Tinginan sa akin ang mga estudyante pati na din Yung librarian at pinandilatan ako at itinuro yung "Silence Please" Shhh***t nakakahiya!

" Sorry po. Sorry" bulong ko kay Ms. Librarian. Pahamak. Baka magkaroon ako ng record dito sa library o kaya baka ito na ang huling tungtong ko dito. Aysssshhhh. Sino ba kasi tong tumatawag?
si tatay sa wakas at tumawag din siya. Miss na miss ko na kasi siya! Bakit kaya?

"Hello tay?Kumusta na po kayo dyan?" Tanong ko kay tatay na bumubulong bulong. Mahirap na. Pero bakit napansin kong mahilig akong pandilatan ng mga tao ngayon? Hmmm

"Bernadette, anak okay lang ako dito. Ikaw? Kumusta ang pag-aaral mo?" Ani ni tatay

"Okay lang tay! Ako pa! Naka adjust na din po ako dito sa bagong eskwelahan ko." Ani ko para huwag na siyang gaanong mag-alala.

" Mabuti naman anak. Napatawag ako dahil miss ko na ang prinsesa ko" dinig ko mula sa kabilang linya. Nakakamiss naman si tatay. Kahit lagi lang kaming nag-uusap sa telepono ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.

"Miss na miss ko na din ikaw tay. Kelan po ba kayo uuwi?" Tanong ko sakanya. Medyo ilang buwan na din kasi siya diyan sa Abroad.

"Hindi ko pa alam anak eh, pero matatapos na namin tong project na ginagawa namin. Huwag kang mag-alala at makakauwi din ako dyan. Oh siya anak kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Pag may kailangan ka, tumawag ka lang sa akin ha? Ilove you anak" ani ni tatay.

"Opo tay. Mag-iingat ka po dyan. Ilove you too tay." At ibinaba niya na ang telepono. Haayy nakakamiss naman.

Pagkatapos nung tawag ni tatay ay lumabas na ako ng library para makakain. Isang oras pa ang natitira at tumambay muna ako dito sa may lilim ng puno. Napakapresko ng hangiinn.

"Hmmmmmmm" miss ko na ang mga magulang ko.

"Nay miss ko na po kayo" bulong ko sa hangin. Haaaaaaay.

"Ehh di puntahan mo. Problema ba yan." Nagulat ako sa nagsalita sino kaya ang kutong lupang iyon? Nakita kong nakahiga si Torry sa kabilang banda ng puno. Kanina pa ba siya dyan?!

"T..orry kani..na ka pa ba dyan?" Tanong ko sakanyang naiilang.

"Nauna pa ako sayo dito"wika niyang nakapikit ang mga mata. Aba wala talaga siyang modo! At aba kung makapagsalita parang alam na alam niya ang sinasabi niya. Ibang iba talaga sila ni Nathan. Pero hayaan mo na yan Berna at wag mo na silang ikumparang dalawa.

"Hindi ko na siya mapupuntahan" ani kong medyo malungkot.

"Bakit nasa Amerika ba siya? Mag-ipon ka para mapuntahan mo siya!" Giit niyang akala niya alam niya ang lahat!

"Wala na ang nanay. Matagal na. Naiintindihan mo ba iyon?" Tanong ko sakanya sa mahinahong boses. Medyo nagkakrack na nga ang boses ko pero pinipigilan kong huwag maluha.

"So..rry." Sabay upo niya. Upong nakahawak ang mga kamay sa mga tuhod at pinagsilop niya ang mga ito. Medyo malayo layo ang distansya naming dalawa. Ako ang nasa kanan habang nasa gitna ang puno at siya naman sa kaliwa.

" O..kay lang" wika ko sa kawalan.

Tahimik. Walang nagsasalita. Nakatuon lang ang paningin ko sa mga estudyanteng napapadaan o sa mga ibang estuyanteng nagpapraktis ng sayaw. Napagtripan ko din nga ang mga damo dito. Paniguradong unti unti na silang nauubos dahil sa kakabunot ko. Ganoon din si Torry. Nakatanaw lang siya na parang may sinusubaybayan na drama.

"Kawawa naman ang mga damo." Wika niya na nakatingin pa din sa kawalan. Ano ba ang pakialam mo. Ehh di magbunot ka din!

" May pakiaalam ako kasi pagminsan dito ako nahihiga" ani niyang hindi pa din tumitingin. Pero naririnig niya ba ang sinasabi ng utak ko? Aba may pagka maligno ata tong si Torry. Yaayy nakakatakot. Torrymaw. Kaya pala napakatahimik niyang tao. Pero wait Berna tinatakot mo na ang sarili mo niyan ehh. Sige at baka mabasa ulit niya ang mga iniisip mo!

At yun nga itinigil ko na ang pagbubunot nung mga damo. Akala ko pa naman inaalagaan niya ang mga ito yun pala dahil ginagawa niya itong kama.

Pero hindi pa din ako umiimik. Patuloy pa din ang pagmamasid ko sa mga tao.

"Dama ko din yung nararamdaman mo." Wika ni Torry, kaya napatingin ako sakanya. Nakatitig na din siya sa akin. Basa ko na sobrang malungkot ang mga mata niya. Bakit kaya? Tumayo na siya at naglakad papaalis. At ako pinagmasdan ko lang ang paglayo niya. Ano kaya ang ibig sabihin niya? May problema ba siya? Ano kayang iniisip niya? Tanong ko sa sarili ko.

At sa hindi ko namamalayan, may klase pala akong alas dos. Kaya siguro siya umalis. Aba hindi man lang ako niyaya na papasok na siya. Kaya ayun takbo ako. Ayokong malateeeeeeee.

Pagkapasok ko sa room ay wala pa naman yung proffesor namin. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero yung pawis ko hindi makahinga ng maluwag. Tagak tak na sila. Hooooo! Napakaiinit. Buti na lang at dala ko ang panyo kong muntik ng mawala. Hooooooooooooooooooooooo!

Napansin ko din na wala si Torry. Malapit ng magtime. Baka naman may pinuntahan lang. Pero isang minuto na lang. Wala pa din siya hanggang sa dumating na ang proffesor namin. Saang kama este damo nanaman kaya yun natulog? Pero hindi maalis sa isip ko yung mga titig niya kanina. Ang lungkot.

At yun,nagdiscuss ang prof. namin. Medyo nakakaantok nga ehh. Alas dos ng hapon kasi. Ang sarap matulog sa damo este kama. Ano ba Bernadette! Kanina ka pa.

"Okay class dismissed" wika ni prof at nasitayuan na din kami.

Sa wakas uwiaan na.

Hanggang sa dumating ako sa bahay yung mga mata ni Torry ang naiisip ko. Ang lungkot kasi talaga. Siguro may problema siya o may iniisip. Kaya siguro napakatahimik niya. Sana pala hindi ko kaagad siya hinusgahan. Mali iyon Berna, parang ako tuloy ang naging masama.

At tska mukhang mabait naman siya.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon