Sinkwenta

47 5 0
                                    

Kabanata 2

Lumabas ako ng Hospital at ipinagbilin muna si nanay sa mga nurse. Bibili muna ako ng prutas, pagkain at ibang kailangan ni nanay.

Pumunta akong grocery store malapit dito sa hospital. Una kong hinanap ang section ng mga biscuit at tinapay, kumuha din ako sa ng isang bote ng tubig at inlagay ang mga iyon sa cart. Pumunta din akong fruit section at kumuha ng apple, orange, at grapes. Kumuha din ako ng alcohol at tissue. Pumunta agad ako sa may counter area para makapagbayad at baka gising na din si nanay.

"200 po lahat ma'am" ani ni ate na nakangiti

Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa upang makapagbayad, ngunit pagkakita ko 150 lang ang laman nito. Kinapkap ko ang bulsa ko ngunit wala na talaga akong ibang dalang pera. Sh****ttt panooo to?

"Bakit po ma'am? May problema po ba?" ani ni ate na naghihintay ng aking bayad.

"Ate pwede po bang balikan ko na lang ang mga ito, kulang ang dala kong pera ehh, dyan lang naman ako sa may hospital." sambit kong nagmamakaawa. Namumuo na ang pawis sa noo ko. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong wala na pala akong pera. Ayyy buhay pano to ngayon? Nakakahiya 

"Miss hin-" Hindi ni ate naituloy ang kanyang sasabihin  dahil may sumabat mula sa likod ko. Naiirita na siguro dahil ang tagal tagal ko na dito. Sobrang kahihiyan na talaga ito.

"Ako na ang magbabayad. Ilan po ba ang kulang?" dahan dahan akong tumingin sa aking likod at nakita ko ang lalaking siguro'y kasing edad ko lang.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya. Hindi ako nakaimik at nakatingin lamang ako sakanya.

"50 pesos po sir ang kulang." Nagulat ako sa pagsulpot ng boses ni ate. Kinuha ko ang 150 pesos at iniaabot kay ateng naghihintay. Kumuha ang lalaki ng sinkwenta sa kanyang wallet at ibinigay din kay ate.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaimik. Parang nalagyan ng superglue ang bibig ko, dahil siguro sa kahihiyan. Nakakahiya talaga aisshhh! Ng naibalot na ang aking mga pinamili, tiningnan ako ni ate sa counter at kumindat siya na mukha pa atang kinikilig. Ano ang ibig sabihin nun? Kung alam niya lang sana kung anong klaseng kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon.

Lumabas na ako at hinintay yung lalaking nagbayad sa akin kanina. Magpapasalamat ako at syempre kailangan ko siyang bayaran. Heto na at papalabas na siya.

"Uhhmm sir maraming salamat po kanina dun" at itinuro ang counter area at tumango siya." Pero sir teka lang po, hintayin niyo po ako dito kukuha lang po ako ng pera para mabayaran po kita. Diyan lang naman po ako sa may hospital building." sabay turo ko doon sa hospital.

"Una sa lahat miss huwag mo na akong tawaging sir at huwag ka na ding mag po. Ganito na ba ako katanda?" sabay tingin sa sarili niya ng medyo natatawa. " Tsaka mukhang magkaedad lang naman tayo." pagpapatuloy niya habang nakangiti.

"Ayy sorry po si- ay ano po... este anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya na medyo naiilang at nahihiya. Nakita kong pinipigilan niyang tumawa siguro dahil nakakabuhol buhol na ang dila ko dito. Sige hiya atakihin mo lang ako ngayong araw! Pagbibigyan kita. Pero sa tingin ko mabait naman tong lalaking to. Palangiti at tsaka hindi hambog.

"Nathan" at inilahad niya ang kanyang kamay. Inabot ko ito para makipagkamayan.

"Thank you Nathan. I'm Bernadette." Malambot ang kanyang kamay, siguro'y wala itong ginagawa sa kanila.

"Nice name- Bernadette" pag-uulit niya sa pangalan ko at ngumiti ako ng bahagya

Sabi ng nanay ko kaya naging Bernadette ang aking pangalan dahil noon daw may aleng tinawag siyang Bernadette. Akala daw ng ale ay siya yung babaeng hinahanap niya. Kaya yun. Ewan ko ba sa nanay ko. Pero marami ang nagagandahan ng pangalan ko mukha daw pang prinsesa.

" Ayy teka lang ha! Kukuha muna ako ng pera. Dito ka lang muna, babalik ako." Tatakbo na sana ako ng bigla niyang hinatak ang braso ko.

"Huwag na Okay na sa akin ang thank you."

"Pero hindi pwe-"

"Huwag na Berna. Nice to meet you." Sambit niya habang nakangiti. Ayon hanggang sa lumakad na siya papuntang kotse niya at nagbababye.

 Teka lang?Ano? tinawag niya akong BERNA? tanging si nanay lang ang tumatawag sa akin ng Berna. Ni maski mga kamag-anak o mga kakilala ko ay buong Bernadette ang tawag sa akin.  Pero mas gusto ko talaga na ang tawag sa akin ay Berna.

"Maraming salamat ulit!" Sigaw ko habang umaandar na ng bahagya ang kotse niya.

Sa totoo lang gwapo si Nathan. Matangos ang ilong, maganda ang kurba ng kanyang labi at ang mga mata niyang nangungusap at animo'y diyamente. Ang buhok niyang bagay na bagay sa kanya at may katangkaran din siya. Magaling manamit, kahit simpleng shorts ang suot niya at puting t-shirt ay bagay na bagay ito sa kanya.

Ayyyshhh ano ba to! Nasuri ko kaagad siya sa loob lamang ng ilang minuto! Pero napakabait niyang tao. Hindi hambog tulad na lamang ng iba.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at juskoooo magaalas -cuatro na pala! kailangan ko ng bumalik paniguradong gising na iyon si nanay.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon