Ballpen

30 5 0
                                    

Halos dalawang taon na din noong pumanaw si nanay. Napakabilis ng panahon. Tuwing naaalala ko yung mga panahon na iyon sumisikip pa din ang dibdib ko. Napakasakit pa kasi pero alam kong nasa maayos at mapayapang lugar na siya ngayon. Sobrang miss ko na nga siya, ngiti, boses lahat miss ko na.  Pero kailangan ko pa din ipagpatuloy ang aking buhay.
Mag thi-third year college na ako ngayong pasukan dito sa isang University at sociology ang aking curso.
Lumipat na nga pala ako ng bahay, tulad ng bilin ni nanay kay Aunte Rose. Simula noon dito na ako kila  Aunte Rose tumira. Medyo malayo layo ito sa dati naming bahay pero nasa ciudad pa din naman kami. Ibinenta na din yung bahay at lupa namin doon, ayoko noong una ngunit napagdesisyunan kong para naman ito sa ikabubuti ko. Yung pera ay inilagay ko sa bank account ko para sa aking pag-aaral. Tuloy tuloy pa naman ang komunikasyon namin ni tatay. Sa ngayon ay nasa ibang bansa siya dahil may malaking proyekto daw silang kailangan tapusin at doon siya nadestino.

"Bernadette kakain na iha, bumaba ka na riyan. Halika na. " boses iyon ni Aunte Rose. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil buong puso nila akong tinanggap bilang miyembro ng pamilya nila. Ni hindi ko naramdaman na hindi niya ako tunay na anak. Lubos lubos na pag-aaruga at pagmamahal.

"Opo Aunte Rose, bababa na po ako. Saglit lang po." Ani ko

Inayos ko muna ang litrato namin ni nanay. Niligpit ko din yung mga damit na inayos ko at inilagay sa kabinet.

Habang pababa na ako ng hagdanan,naroon na sina Reina, Rey at Aunte Rose sa hapag kainan.  Mahigit apat na taon na ding pumanaw si Uncle Tony, asawa ni Aunte Rose dahil sa aksidente. Isa siyang guro sa elementarya. Bilib nga ako kay Aunte Rose dahil naitaguyod niya ng maayos ang kanilang mga anak.

"Oh halika na dito Bernadette, kain na" anyaya ni Aunte Rose.
"Opo" ani ko.

Umupo ako katabi si Reina habang kaharap ko naman si Rey. Si Aunte Rose ang nasa dulo ng hapag kainan.

"Oh mga anak bukas lunes ibig sabihin magsisimula nanaman ang pasukan ngayong taon" ani ni Aunte sabay tango namin nina Reina.

Oo nga pala pasukan na ulit. Tapos nanaman ang bakasyon.
"Reina naayos mo na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni Aunte kay Reina na sumusubo ng pagkain.

"Opo ma. Don't worry." Ani ni Reina na kumindat pa sa nanay niya. Magthi-third year High School na din kasi itong si Reina at si Rey ay grade 4

" Bernadette handa ka na ba anak sa bago mong eskwelahan?" Pagpapatuloy ni Aunte Rose na ngayon ay umiinom ng tubig.

Sumubo muna ako at uminom ng tubig.
"Opo Aunte. Handang handa na po ako." Ani ko sabay ngiti.

"Mabuti naman." Excited na nga akong pumasok. Ika nga nila "new environment". " Anak ayusin mo naman ang pagkain mo" suway ni Aunte kay rey na mukhang pinaglalaruan lang ang pagkain niya. Nakita ko ding inaasar nanaman ni Reina si Rey. Makukulit talaga ang mga batang to. 

"Ayy Aunte magpapaalam lang po sana ako. May bibilhin lang po ako diyan sa mall?" Muntik ko ng makalimutan, wala na nga pala akong notebook o kahit isang papel man lang. Nito kasing bakasyon puro pagguhit ang inatupag ko. Medyo naging pangpalipas oras ko ang pagdodrawing.

"Oo naman Bernadette huwag lang magpapagabi ha?" Sabay tayo ni Aunte Rose at kuha ng mga platong pinagkainan namin.

"Opo Aunte, thank you po"
"Ate Bernadette isama niyo naman po ako" sabi sa akin ni Rey na nagpapacute. Nakakatuwa talaga siya.
" Huwag na anak. Lakad yan ng ate mo" pangungumbinsi ni Aunte.

" Oo nga Rey, hayaan mo na muna si ate" sabay belat ni Reina kay Rey.

Lumapit ako kay Rey na mukhang iiyak na dahil ayaw siyang pasamahin ng mama at ate niya.
" Sa susunod Rey tayong dalawa lang ang maglalakwatsa. Bibili lang naman ako ng notebook. Hayaan mo ibibili kita ng icecream pag-uwi ko." Lumiwanag bigla ang mukha ni Rey ng biglang narinig ang icecream. Sabi ko na nga ba ehhh.

"Promise ate?" Tanong niya sa akin
"Promise".at itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay at ayun tuwang tuwa.

"Narinig mo ba yun ate Reina? Ibibili ako ng icecream ni Ate Bernadette" ani ni Rey na ipinapainggit pa ang sinabi ko sakanya at binelatan din ang ate niya.

Nagbihis na agad ako. Naka jeans, simpleng peach na damit pangitaas at keds ang suot ko ngayon at nagpaalam na kay Aunte. Marami ngayong tao dito sa mall siguro dahil araw ng Linggo ngayon. Nakakalula silang tingnan. Alas dos na nga pala ng hapon. May mga nadaanan akong shop ng dress at pumasok ako sa isa sa mga ito. Tingin tingin.  Sa katunayan bihira lang akong magsuot ng mga ganitong damit. Pero maganda ang isang to. Light pink at pormal tingnan.  Ibinalik ko iyon at lumabas na ng shop. Dumiretso na ako sa may mga school supply. Aba pati dito maraming tao. Natural bukas ay pasukan at kailangan ng gamit.
Naglakad na ako papunta sa section ng mga notebook at kumuha ng apat. Pati ng din ng sketch book.  Kumuha na din ako ng tatlong ballpen at mga coloring materials para doon sa mga ginuhit ko. Naglakad na akong papuntang counter para makapagbayad.  Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko, pero nahulog yung mga ballpen sa kamay ko. Bakit ba naman kasi hindi ako kumuha ng lalagyan. Aysshhhhh. Teka lang at titingnan ko kung sino ang nagtext.

One message received
Reina
"Ate kanina pa po ako kinukulit ni Rey na itext ka. Baka daw po makalimutan mo yung icecream niya. Lol."

"Miss, excuse me? Sayo po ba ang mga ballpen nato?" Tanong sa akin ng lalaki sa likod ko. Pero mukhang pamilyar ang boses niya.

Tiningnan ko kung sino iyon habang hawak ko pa ang cellphone ko at sabi ko na nga ba si Nathan!

"Nathan"
"Bernadette"
At sabay pa talaga kami.  Napakaliit ng mundo ha.

"Ayy oo akin ang mga iyan. Salamat." Ani ko na medyo nahihiya at kinuha yung mga ballpen sa kamay niya. Iniabot din ito ni Nathan.

" K..kumusta na Berna?" Saad niyang medyo nauutal. Anong nangyari sa kanya?

" Okay na okay na ako" alam niya naman siguro kung bakit "na". Naalala ko tuloy noong nakita niya akong umiiyak.

" Mabuti naman." Ani niya ng nakangiti "Maganda ka pa din" bulong niyang nahihiya. Akala mo hindi ko iyon narinig.

" ha ano yun?" Pangpapanggap ko
"A..ano w..ala.  Eto nga pala si James and Torry." Sabay turo niya sa dalawang lalaking kasama niya. " and siya naman pala si Bernadette" pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya.

"Hi Bernadette" saludo sa akin ni James. Siguro makulit ang lalaking to. Halata ehh

" Torry." Ani ni Torry na nakapamulsa. Eto medyo suplado. Sungit eh.

"Hi." Ngiti ko sa kanila.
"Ayy magpapaalam na ako. Nathan.  Kailangan ko pang bayaran ang mga ito" sabay tingin sa mga hawak ko "hinahanap na kasi ako sa bahay. Nice meeting you James and Torry." Ani ko sakanila.

"Sige" ani ni nathan.
Tumalikod na ako sa kanila at nag- umpisang maglakad.
"Berna!" Sigaw ng bahagya ni Nathan.
Tumingin ako sa kanila.
"Mag-iingat ka" ani ni Nathan. At mukhang tinutukso pa siya ni James.
Tumango ako at nagpunta sa counter para makapagbayad.


HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon