Atensyon

36 2 1
                                    

Kabanata 11

Patuloy pa din niya akong tinitingnan. Pero hindi ko iyon pinapansin. Ibinaling ko ang sarili ko sa emcee na patuloy pa din sa pagsasalita. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng ilang.

"Bernadette!" May tumawag sa akin sa likod kaya lumingon ako at nakitang si Aloe na kumakaway kaway kasama si Rain at si Nathan ba iyon? Teka hindi ba ako namamalikmata?Oo si Nathan nga na nakangiti sa akin.

Kumaway na din ako at itinuro ang mga bakanteng upuan na nireserve ko para sa kanila. Pero paano si Nathan wala siyang mauupuan.

"Uyyy Bernabebe! Thank you ha at nireserve mo kami ng upuan." Ani ni Rain sa akin.

"Oo nga maraming salamat Bernadette" dugtong ni Aloe na nakangiti pero nakita ko siyang tumingin ng bahagya kay Torry na ngayon ay parang walang pakialam.

"Hi! Berna!" Bati sa akin ni Nathan. "Uyy Torry pare!" Bati niya din kay Torry at tumango lang ito.

"Hello Nathan! Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang pasok?" Tanong ko sakanya. Hindi ba siya papasok?

"Isinama nga pala namin tong si Daddy Nathan dahil waley daw siyang kwebang mapuntahan at waley din daw siyang eskwelaluuuuu" wika ni Rain na kinuha ang salamin niya.

"Pero saan ka uupo? Walang bakante?" Ani ni Aloe na tumingin tingin at naghanap ng bakanteng upuan.

"Ayaw mo ba ako dito Berna? Sige at aalis nako. Bye!" Maglalakad na sana siya pero bigla kong hinawakan ang kamay niya at medyo napatayo ako. Aysshhhhh ano ba Bernadette! Baka ano ang isipin niya! Hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin ehhh!

"A..no kasi Nathan" at binatawan ko na ang kamay niya. "Hindi yun ang ibig kong sabihin" ani ko na na nahihiya na ninerbyos na nawiwindang na anoooooooooo ba to!

"Jowk lang yun Berna hindi naman talaga ako aalis" Sabay tingin niya sa akin na nakangiti.

" yiiiiiiiiii! Hawak kamay ang dalawa!" Wika ni Rain na mukhang kami ang nakitang pagtripan.

"Uyyyyy ang dalawa." At nakisabay na din si aloe.

"Uyy ano ba kayo. Nakakahiya kay Nathan." At pinandilatan ko ang dalawa at tumawa lang sila sabay harap sa unahan.

Nagsisimula na ang seminar at ano pa nga ba napapagitnaan ako nina Torry at Nathan. Umalis kasi yung lalaki na katabi ko kanina, siguro ay naguluhan sa amin dahil sobrang ingay namin. Nasa kaliwa si Torry at nasa kanan naman si Nathan. Sina Rain at Aloe naman ay nasa unahan namin.

Patuloy akong nakinig sa mga Speaker. Magagaling talaga sila. Nagbigay sila ng ibang impormasyon tungkol sa kurso namin tulad ng dapat ay magaling kaming makihalo bilo sa mga tao at dapat marunong kaming makipagsabayan sa ibat-ibang kultura, paniniwala at tradisyon ng ibang tao.

Nakikita ko din na medyo tumitingin tingin ng palihim ang dalawang lalaking kasama ko. Minsan si Torry titingin at pagkatapos niya ay si Nathan naman ang titingin. Ano ba ang meron sa mukha ko at kanina pa silang tingin ng tingin. Nakakailang na nga ehh. Pero ni isa sa kanila ay wala akong pinapansin dahil tutuk na tutuk ako sa pakikinig.

May naglilibot na din na mga snack. Buti naman at gutom na gutom nako.
Inabutan nila ako ng zesto at fudge bar. Pero wait wala akong straw.

"Heto oh" sabay abot ng dalawa ng kanilang mga straw. At hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang problema nilang dalawa?

"A..no wag na hihingi na lang ako sa organizer" at tumayo ako para makahingi ng straw. Nakakaloka yung dalawa. Parang ayoko ng bumalik doon at dito na lang sa likod at tumayo.

Pero kailangan kong bumalik roon baka mahalata nila na SOBRA akong naiilang sa kanilang dalawa. Kaya heto nakaupo nanaman ako dito.

"Berna, ang gagaling ng mga speaker no at nakakaaliw pa sila." Wika ni Nathan sa akin na giliw na giliw sa mga speaker.

"Oo nga ehh! Madaming bagong impormasyon silang naibigay sa atin." Sabay tingin at ngiti ko sakanya.

"Bernadette yung panyo mo, nahulog" kaya napatingin ako kay Torry na ngayon ay inaabot sa akin ang panyo ko.

" Ayy! Maraming salamat Torry!" Kinuha ko iyon sa kamay niya at pinalpag.  At sabay tango naman siya.

"Berna, pati yung mga organizer" sabay turo niya sa mga nakaputing organizer kaya tiningnan ko din sila. "Ang gagaling no! Bilib ako sakanila!" Pagpapatuloy niya.

"Bilib din ako sa kanila. Napakasmooth ng lahat at walang problema" wika ko na sumasang ayon sa sinabi ni Nathan.

"Meron ba tayong assignment Bernadette sa ibang subject?" Tanong ni Torry sa akin kaya napatingin ulit ako sakanya. Napansin ko na medyo dumadaldal na siya. Siguro may nakain tong iba at panay ang daldal.

"Wala naman Torry. Basahin lang daw yung tungkol sa different society or culture we have" ani ko sakanya na nakatingin at ano pa nga ba tumango nanaman siya.

"Alam mo Berna, yang speaker kanina pa nakatingin sakin. Nagwagwapuhan siguro sakin" ani ni Nathan na sobrang ipanagmamalaki ang kagwapuhan niya. Medyo may konti din pala siyang hambog sa katawan.

"Baka hindi naman. Malay mo napadaan lang yung mata niya sayo, kaya ganun" ani ko para mahimasmasan naman siya.

"Hin-" Hindi naipagpatuloy ni Nathan ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Torry kaya napatingin ako sakanya.

" Bernadette" sabay bigay niya sa akin ng attendance namin para sa seminar na ito. At kinuha ko iyon at sempre nilagay ang pangalan ko.

" Berna may ga-" Nathan
"Bernadette an-" Torry

At nagkasabay pa talaga sila at nakita kong nagkakabanggaan ang kanilang mga mata kaya pumasok na ako sa usapan.
"Ano ba kayong dalawa
kanina pa kayo! Mas mabuting kayong dalawa ang mag-usap." Sabay walk out ko sakanila! Nakakahiya nga ehh dahil alam kong may nakarinig sa akin.
"Uyyy! Bernabebe san ka pupunta?" Dinig kong tanong ni Rain pero hinayaan ko lang iyon at lumabas na ng amphitheater ng tuluyan.
Aysshhhhhhh nakakainis! Pano na yung seminar! Yung dalawa kasi!
kanina ko pa talaga nahahalata kapag kinausap ako ni Nathan, biglang magsasalita si Torry at ganoon din si Nathan! Bahala nga sila sa mga buhay nila!
Silang dalawa ang mag-usap. Pareho silang madaldal! Ayan at magsawa kayo sa kakadaldal. Pati yung pakikinig ko sa mga speaker naapektuhan. Ayssshhhhhhh! Sayang naman iyon! Bakit ka ba kasi lumabas tapos ngayon magrereklamo ka,pagmamaktol ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon