Library

33 6 0
                                    

Kabanata 8

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom at antok na antok na nakikinig sa proffesor ko.

"As we all know culture define as the beliefs, customs or act of a particular society bla bla bla bla." Ani ng proffesor ko habang itong si Rain ay panay ang bulong sa akin.

"Psst Bernabebe, ang gwapushh talaga ni Daddy Nathan. Haaaayyy bagay kami." Ani nitong bumubulong bulong at kinikilig.

"Shhhhhh Rain. Si Prof." Sabay turo ko sa Prof. Naming nagsasalita mahirap na baka masita kami. Strikta pa naman ang gurong to.

"Hoy! Renard wag ka ngang maingay at tsaka anong bagay ang pinagsasabi mong bakla ka." Si aloe iyon na bumubulong din. Takot din itong mapagalitan. Pinagtitripan nanaman niya si Rain. Kawawa naman.

"Bruhilda ka!" Banat ulit ni Rain sabay flip ng buhok niya. Nakakatawa talaga sila pinipigilan ko lang.

"Keep Quiet!" Sita sa amin ni proffesor na pinandilatan pa kami. Yaaayyyy sabi ko na nga ba ehhh. Ang daldal kasi. Buti na lang at yun lang ang inabot namin at nagpatuloy na siya sa discussion. Sabay sabay naman kaming nagtinginan pagtalikod ni prof.

"Heto kasing si Rain ehh"ani ni Aloe
"Anong ako ikaw" balik niya
"Shhhhh Tama na yan. Baka pandilatan ulit tayo ni prof." Sabi ko habang todo bulong sa kanila at yun balik ulit ang tingin namin sa blackboard.

"Okay. So class dismissed. Next meeting our discussion will be about personality" ani ni prof sabay kuha ng gamit niya. " Okay. Goodbye" at hanggang sa lumabas na siya.

"Haaaayyyy imbyerna. Konti na lang at tunaw na ako sa upuan ko!" Sabay kuha ni rain ng salamin niya at ayos ng buhok niya.

"Sinabi mo pa! Haaaayyy!" Tango naman ni Aloe. Wow ha nagkasundo sila ngayon.

"Buti na lang kamo at hindi tayo gaanong napagalitan" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Aysssshhh! Kelerkey! Basta buti na lang at wapak ang fes ko kesa sakanya" Nakakatawa talaga ang facial expressions ni Rain.

"Anong konek bakla?" Ayan at nagsisimula nanaman sila.

" Bernabeb.. este Bernadette  magpapaalam muna kami nitong si Renard, may sunod pa kasi kaming klase. Kita na lang tayo ha." Ayssshhhhhh BERNABEBE?? Nahawa na din tong si Aloe kay Rain. 9:30 na ngayon at may sunod pa silang pasok ni Rain. Ako naman vacant hanggang alas dos ng hapon. Diba ang saya ng schedule ko. -_-

"Osige babushh teh!" Ani ni Rain.
"Sige, Kita na lang tayo" ani ko sakanila ni Rain at lumakad na sila.
Saan kayo ako tatambay? Ayoko pa naman kumain. Napakaaga pa. Sa library na lang muna. Pwede akong matulog dun o hindi kaya magbasa. Sige dun na lang ng magkaroon man lang ng katahimikan.

Napakalaki naman talaga nitong library ng University. Napaka-organized ng mga libro at aba high tech na talaga. Sa bawat sulok mayroong nakalagay na tablet. At higit sa lahat may internet pa pero sempre hindi pwede ang mga social networking sites buksan. Naghanap ako ng bakanteng upuan, yung hindi masyadong matao. Meron kasing kumpol kumpol na mga estudyante at paniguradong maingay ang mga yun. Meron ding mga magkasintahan na nandito. Ano to park? Pero nakakakilig silang pagmasdan.

" Dito na lang hindi gaanong matao" ani ko sabay upo. Haaaaaaaayyy walang maingay.

Idlip muna ako.

"Berna, nandito ka pala. "  oh owwww si Nathan. Nandito din siya. Sinusundan niya ba ako.hmmmm nakakahalata na ako ha. Pero naalala ko yung text ko sakanya kagabi. Lagot!

"Uyy Nathan! Anong ginagawa mo dito?" Berna bakit ba iyon ang tinanong mo malamang mag-aaral o magbabasa siya may librong hawak ohh!

"May tinitingnan lang ako tungkol sa isang subject ko" aahh tango ko sakanya. Sana nakalimutan niya na yung text ko kagabi. Sana. Sana. Sana. " May kasama ka ba?Pwede ba akong makiupo dito?" Tanong niya  sa akin.

" Wala naman. Sige upo ka." Ani ko sakanya at siya naman ay umupo sa harap ko.

Tinitingnan niya ako na para bang may hinihintay siyang sasabihin ko.  O baka naman may dumi ang mukha. Nakakahiya naman. Oh hindi kaya muta pero hindi pa naman ako nakakatulog ha.

"A...no bakit Nathan?" Tanong ko sa kanyang hindi makatingin ng diretso dahil panay ang titig niya sa akin. Ano ba naman Nathan. Nahihiya na ako. 

" Di ba sabi mo babawi ka ngayon? Pick up lines?" Ani niya sa akin na nakangiting mukhang aso. Aysshhhh wala na Berna, naalala niya na. Ano bang pick up lines ang maganda? Hindi ko to napaghandaan. Seryoso pala talaga siya. Pano to??? Ang corny corny nemen.

"A..no kasi Nathan?" Sabay kamot ko sa ulo ko. Wala talaga akong maiisip.

" Sige na. Makikinig ako."  ani niya na mukhang kinikilig. Ayy napasubo ako ng wala sa oras. Sige na nga eto na. Sana hindi korny. Game!

"Do you have a map?" Tanong ko sakanya habang nakokornihan ako. Masusurvive ko din to. Tiwala lang

"Why?" Ani niyang nakikisabay.

"I'm getting lost na kasi in your eyes!" Boooom! Ang cornyyyyyyyy talaga. Kanina pa kasi siyang nakatingin sa akin kaya yan tuloy!

" hahaha! Ikaw talaga Berna. Pinaghandaan. Ako meron din" ani niya. Sabay tango ko. Buti naman at madyo haveyy yun. Yes! Ano kaya ang pangbawi niya dun?

"Does your left eye hurt?" Tanong niya. Sige na nga at mapatulan ang kakornihan niya.

"Why?" Tanong ko ng nakangiti at titig sa kanya.

" Because you've been looking right all day."  Ani niyang titig na titig sa akin. Ayyy aba bumabawi! Sige at mabanatan din. Pero teka ha? Nakakakilig naman yun. Napapangiti tuloy ako.

"Hmmm? Pwede na. Meron pa ako" sabi ko sakanya syempre hindi ako magpapatalo sakanya. Pick up-an pala ha.

"Sige nga, parinig" Ani niya na inaabangan ang susunod kong banat. Medyo nakakaaliw tong pinag gagagawa namin.

" Are you from Tennessee?" Tanong ko sakanya. Nakakatuwa naman ito.

"Why?" Tanong niyang natatawa. Oo korny to.

" Because you're the only TEN I SEE!" Pagdidiin ko sa mga salitang ten at see. Nakakaaliw talaga. Ang gaang kausap at kakulitan ni Nathan.

"Hahaha! Queen of pick up lines" ani niya sa akin.

"Please be quiet you're in the library" Sabay kaming nagkatinginan at tumawa ng bahagya. 

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon