Pagpapanggap

33 5 0
                                    

Kabanata 3

Tumakbo ako ng mabilis hindi alintana ang mga dala dala kong pinamili. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang number 3. Siguradong gutom na iyon si nanay, kailangan kong bilisan dahil halos isang oras din akong nawala at paniguradong hinahanap na ako nun.

Tumunog na ito hudyat na nasa tamang palapag na ako. Naglakad ako ng mabilis hangang marating ko ang room 304. Ng sana ay kakatok na ako narinig kong may kausap si nanay. Pinakinggan ko ng mabuti ang boses at napagtanto kong si Aunte Rose iyon, nakababatang kapatid ni nanay.

"Ate Maricel paano na lamang si Bernadette?" Ako ang pinag-uusapan nila. Bakit paanong ano? Idinikit ko pa ng mariin ang aking tainga upang mas marinig ko ng mabuti ang kanilang pinag-uusapan.

"Uhhg Uhhg Rrose... UHhg" Umuubo si nanay at halatang nahihirapan siyang magsalita

"Ate" ani ni Aunte Rose na mukhang nag-aalala.

"Rrose... k..kapag nawwala na a..ko ikaw na ang bbhala kay Berna. Aa..alam mo nnaman ang sit..wasyon ng Uhhg...pamilya ko."

Unti-unti nanamang bumabagsak ang mga pesteng luha ko. Bakit ba hindi maubos ubos ang mga luhang to!? Nanghihina ang tuhod ko dahil sa mga naririnig ko. Muntik ko ng maihulog ang mga pinamili ko ng dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ako iiwan ng nanay di ba? pero bakit parang malapit na? Pinipigil ko ang pag hikbi ko. Ayokong marinig nila na nandito ako. Masakit, sobrang sakit parang hindi ako makahinga, mas malala pa ito sa nadudurog na puso.

"Huwag kang magsalita ng ganyan ate! gagaling ka!" pagkukumbinsi ni Aunte Rose kay nanay at medyo nagkakrak na din ang boses niya. Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Rr...ose please i..kaw na ang bahala kkay Berna." Dinig na dinig ko mula rito ang boses ng nanay kong naghihirap. Para tong kutsilyo na tumatagos dito sa labas ng pintuan.

"Oo ate ako na ang bahala kay Bernadette, huwag kang mag-alala. Ituturing ko siya na parang tunay kong anak. Basta kailangan mong magpagaling para makalabas na tayo dito." saad ni Aunte Rose sa mahinahong tono.

Pinahid ko ulit ang mga luha ko. Gusto ko ng pumasok. Hindi ko na kakayanin pa ang mga susunod nilang pag-uusapan.

Nagpanggap akong wala akong narinig. Nagpanggap akong hindi ako nasasaktan at higit sa lahat nagpanggap akong okay lang ang lahat.

"Oh Aunte Rose nandito po pala kayo." Sabay lapag sa mesa ng mga pinamili ko kanina. Lumapit ako sakanya at nagmano.

"Kumusta na po? sina Reina at Rey po? Kumusta na po sila?"

"Bernadette, aba naman dalagang dalaga ka na ha. Manang mana ka talaga sa amin ng nanay mo, maganda. Okay lang naman sina Reina at Rey makukulit pa din." ani ni Aunte rose na nakangiti

Lumapit ako kay nanay at umupo sa may kama niya.

"Miss na miss ko na nga po ang kakulitan nila Aunte ehh" sina Reina at Rey ay mga anak ni Aunte Rose. Sobrang babait ng mga batang iyon. Miss ko na talaga ang makipagkulitan sa kanila. Medyo matagal tagal na din kasi kaming hindi nagkikitang magpipinsan. 

Hinawakan ko ang kamay ni nanay at medyo malamig iyon.

"Hayaan mo Bernadette, kapag nagkaroon ulit ako ng oras dadalhin ko sila sainyo." pagpapatuloy ni Aunte Rose.

"Maraming salamat Aunte." Sabay tingin at ngiti sa kanya. " Nay kamusta po ang pakiramdam niyo? Nagugutom na po ba kayo?" tanong ko kay nanay

"Hh..indi uhhgg anak okay l..ang ako. Dinalhan ako ni Aunte Rrose mo ng pag..kain." Sabay tingin ko sa isang supot ng tinapay na mayroon ng bawas na nasa kabilang lamesa.

"Oh siya, Ate Maricel at Bernadette, dadalaw na lang ulit ako dito. Dumidilim na din at paniguradong hinahanap at hinihintay na ako nina Reina at Rey." Sambit ni Aunte Rose na tumayo para hagkan ako.

"Paggaling ka Ate Maricel ha." Pahabol niya sabay hawak at pisil sa kamay ni nanay.

"Ro..se mag-iingat ka." ani ni nanay at tumango si Aunte Rose

"Aunte ihahatid ko na po kayo diyan po sa may labasan." Pagboboluntaryo ko.

"Ayy huwag na Bernadette. Bantayan mo na lang ang nanay mo dito ha." Tumango ako. "Oh sige po Aunte Rose mag-iingat po kayo ha. Ikumusta mo na lang po ako kay Reina at Rey Aunte." at tumango siya, hanggang sa makaalis na si Aunte Rose.

 "Nay, may ikukwento po ako sainyo." ani ko ng nakangiti para naman maiba ang aura dito sa loob ng kwarto. Isasantabi ko muna pansamantala ang mga narinig ko kanina. Tsaka hindi makakatulong kay nanay kung babangitin ko pa ang mga iyon. Ayokong makita ulit siyang umiiyak o nasasaktan. 

 "A..ano yun anak? dahan dahan na sambit niya.

"Medyo nakakahiya nga po iyon ehh." Sabay kamot  sa ulo ko at ngiting patago.

Miss ko na ang ganitong usapan namin. Yung alam mong para lang siyang isang kaibigan na handang makinig sa mga ikukwento mo. Nakakamiss SOBRA. 

"K..kwento mo na a..nak" aniya ng nakangiti.

"Eh kasi po ganito yun..." hanggang sa ikwinento ko ang nangyari kanina sa grocery store.

Kumuha ako ng tinapay at isinubo iyon.

"Oh a..anong nang..yari anak?" tanong ni nanay na naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.

 Hanggang sa ikinuwento ko kung ano ang nangyari. Nakakahiya nga ehh. Pero nakita kong tumatawa ng bahagya si nanay. Nakakatuwa parang bumalik lahat sa dati. SANA ganito ng lang. SANA.

Tumayo ako para uminom ng tubig.

"Sa para..an ng panana..lita mo anak para..ng gusto mo na si Nath..an"

Bigla akong nabilaukan sa mga sinabi ni nanay. Muntik ko ng mailuwa yung tinapay at tubig.

"Nay naman eh! Hindi po. Mabait at matulungin lang po talaga siya." Pagdedepensa ko. Nakita kong ngumingiti si nanay parang kinikilig.

Hindi ko naman talaga gusto o crush o kung ano pa man yan si Nathan. Sadyang mabait at GWAPO lang naman siya. Aysshhh! naalala ko nanaman yung ginawa niya kanina pati ang mukha niya.  Alis! alis! alis!. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Pero bakit parang kinilig ako ng bahagya ng sambitin iyon ni nanay? Hindi kaya...

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon