S P O K E N W O R D P O E T R Y
—🌙
Di na’ko interesado
Kong iniisip mong ako ang muling bubuo ng araw mo, pasensya na mahal ’di na’ko interesado.
Kong inaasahan mo na meron kapang ako! Libre ang mangarap ginoo, ngunit ’di nako interesado.
Kong pakiramdam mo ay ilalaban ko yong tayo! Pasensya na mahal hindi nako interesado.
Nung ako, nung ako ang andito at bumubuo ng araw mo, hindi ka nakuntento at naghanap kapa ng bago,
nung ako ang nasa tabi mo!
Iba ang iyong gusto't balewala ako sayo, nung ako, nung inilalaban ko yong tayo, mag-isa kong lumalaban ngunit hindi ako sumuko!Pero mahal ito ang tandaan mo! Hindi sapat ang na mahal mo yong tao, para kumapit sa relasyong parang ikaw nalang ang may gusto.
Napagod na’ko, nawalan ng interes na ipagpatuloy ang tayo, patawarin moko, isinuko ko lang naman yong laban nato kasi sa una palang talo nako.
Di nako interesado, di muling bubuoin ang araw mo, sapagkat hindi ko pa rin alam kong paano bubuuin ang buhay kong sinira mo.
’Di na’ko interesado,
at kong babalikan moko
Ito ang sasabihin ko sa’yo,
ikaw naman muna mahal ko
pag aralan mong lumaban ng wala ng ako, pag aralan mong buoin ang sariling araw mo, dahil kong tatanongin moko kong pwede paba tayo?Pasensya na mahal ’di nako interesado!
Ps. Minsan kailangan nating bitawan yung mga bagay na nakasanayan na, isang araw magigising nalang tayo at ma re-realize natin na over na ang katangahan kaya kailangan ng itigil, yung isang araw magigising ka na hindi kana interesado don sa taong minsan mong ginawang mundo.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Pahina Ng Luha
PoetryThe truth is, napaparami ang mga tula na nagagawa ko when I felt empty. Kaya kung mapanakit man ang mga kinalalabasan ng piyesa, danas ko man o imahinasyon ko lang, ang bawat lungkot o sakit na mararamdaman mo pagkatapos mag basa, yon din yong mismo...