19 Pahina ng luha

6 2 0
                                    

“ Masaya ka na sa iba ”

Ang bawat ngite na ako ang dahilan , darating sa puntong ako'y nasa kalayoan ,
Nakangite habang nasasaktan ,
Pagkat ang saya ngayo'y sa iba mo na natagpuan .

Wala sa plano kong iwan ka ,
Sadyang kailangan lalo't masaya kana sa iba .
Ako ay naging panandaliang ulan , Ikaw ang batang sa pagtampisaw ay nasisiyahan ,
Di magtatagal ako ay hihinto kahit alam kong ika'y masasaktan .  

Lalayo ako dedestansya mula sayo , Masakit man saking makita kang masaya sa piling ng ibang tao ay gagawin ko ,
Sapat ng natatanaw kita , 
Sapat ng masipat ang nining ng iyong mata ,
Sapat ng masulyapan ang labi mong mapupula ,
Ayos lang akong making masaya kana sa iba .

“ Mahal kita ”

Uulitin ko Mahal kita !

Hihinto mula sa pang gugulo ,
Ngunit kailan ma'y hindi hihinto ang nararamdaman ko ,

Marahil dumating ako sa buhay mo para minsang
Maging dahilan ng iyong pagtawa ,
Ngunit ang lahat ay talagang pansamantala ,
Ngunit hindi porkit Hihinto ako'y  dika mahalaga ,
ayuko lang makaistorbo lalo't masaya kana sa iba

[ Insert song “ Masaya kana sa iba ” by : Arcos . tyrone . Chy & sevenjc ]

Isang Daang Pahina Ng Luha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon