— Bakit di natin subukan —
By : Yangbearllian
Ang aking puso ay iiwan
ko sayo ngayon ,
May nais akong sabihin sayo na diko masabi noon ,
Hayaan mong mag panggap tayo sa unang pagkakataon ,
Na tila walang kinatatakotan kahit hindi alam ang kasunod
Pagkat natatakot ako na mawala ang lahat sa paglipas ng
Panahon .Huwag mong sabihing mali , baka wala ng bukas
O pagkatapos ng ulan ay bahag hari , may nais akong
Itanong na diko mawari .Paano ? Paano kong ito na , ang huling gabing kasama ka ,
Panghawakan mo , panghawakan mo ang aking pagmamahal ,
Higit pa sa kaibigan , bakit di natin subukan ?!Bigyan natin ng magandang alaala ang bawat
Sandali na magkasama tayo , hawakan mo ang aking
Kamay ng higit pa aa kaibigan na tila mahal mo talaga ko ,
Kahit di natin alam ang simula o kahihinatnan ng pagmamahal natin sa dulo .Hindi ko kailangang maging totoo ka , basta't alam ko sayong mga mata ang tunay mong nadarama ,
Walang ibang nakaka alam at wala akong paki alam sa
sasabihin ng iba , ipaalam mo kong saan ako tatakbo o kong may balak kang masalo ako sa pagkadapa .Wag mong sabihing mali ito , paano kong wala ng bukas at ang mayroon nalang ay tayo ? Hayaan mong tayo'y matutu sa pag ibig nato , hayaan mong dito natin maalala ang tayo , hindi ko gustong mag sinungaling sayo ,
Ang tanong ko lang ay paano ?Paano kong ito na , ang huling gabing kasama ka ?
Panghawakan mo ang aking pagmamahal .
Higit pa sa Kaibigan ...
Bakit di natin subukan ?plagiarism is a crime 🌻💛
Ps. Gusto mo ? Mahal mo ?
Aminin mo , sugalan mo ,
Wag mong sayangin yung pagkakataon na makuha siya ,
Subukan mo nakuha mo man siya o hindi at least alam niya yung nararamdaman mo .Mahirap makulong sa mga what if ...
What if umamin ako ?
What if Sinubukan ko ?if you have the opportunity grab it , Hindi mali ang magmahal .
BINABASA MO ANG
Isang Daang Pahina Ng Luha
PoetryThe truth is, napaparami ang mga tula na nagagawa ko when I felt empty. Kaya kung mapanakit man ang mga kinalalabasan ng piyesa, danas ko man o imahinasyon ko lang, ang bawat lungkot o sakit na mararamdaman mo pagkatapos mag basa, yon din yong mismo...