— Walang hanggan —By ; Yangbearllian
Napaka lakas ng buhos ng ulan
Tila ito'y sumabay sa hapding aking nararamdaman ,
Tipong ang bawat patak nito ay alam kong bat ako nasasaktan ,
Ako yong babaeng pansamantala at hindi pang walang hanggan .Mahal , Ako yong babaeng hindi pang walang hanggan ,
Hindi magtatagal at ikaw na'y aking iiwan , Hindi ko kayang ang kamay mo'y hawakan ng pangmatagalan pagkat Hindi ko kayang takasan ang bitag ni kamatayan .Hindi ako ang babaeng pang walang hanggan ,
Hindi na maaari kahit
ito'y naisin man ,
Hindi na pwedeng manatili kahit pilitin mang lumaban,
makita sayong mata na masaya ka iba magiging aking kasiyahan .Dahil hindi ako , hindi ako ang babaeng pang walang hanggan ,
Masaya nakong sa iba mo matagpuan ang sayang iyong kailangan , Kaya't mahal , kamay ko nay iyong bitawan ,
Pagkat talo nako mula ng magkaroon ng karamdaman .Hindi ako babaeng pang walang hanggan , Ngunit maari bang humihiling kahit ito'y kalabisan ?
Maaari bang mahal na , wag mokong kalimutan ...
Maaari bang bang yakapin moko at nuo ay halikan ?At kapag dumating yong araw na nawala nakong tuloyan ,
Ay Hanapin mo ang iyong babaeng pang walang hanggan ,
Magiging masaya ko kahit sa iba moto matagpuan ,
Ngunit wag mong kalilimutang ako'y dalawin saking himlayan .Hanapin mo ang iyong babaeng pang walang hanggan ,
Palalayain kita sa oras ng aking paglisan , Mga luha sayong mata'y maari mo bang punasan ,
Huling halik sa yong nuong diko na magagawa kailan man .Ps . hanapin mo yung tamang tao at wag mo kakalimutan maging tamang tao , pag nahanap mo na yung taung mamahalin ka ng walang hanggan , wag mo ng pakawalan mamahalin ka niyan hanggang kabilang buhay .
BINABASA MO ANG
Isang Daang Pahina Ng Luha
PoetryThe truth is, napaparami ang mga tula na nagagawa ko when I felt empty. Kaya kung mapanakit man ang mga kinalalabasan ng piyesa, danas ko man o imahinasyon ko lang, ang bawat lungkot o sakit na mararamdaman mo pagkatapos mag basa, yon din yong mismo...