“ Pansamantagal ”
Pansamantalang panyo sa
tuwing ang luha mo’y
Nagbabadyang tumulo ,
Pansamantalang takbuhan tuwing ika’y Nasasaktan ,
Pansamantalang ikaw na aking nakakausap tuwing gabi at sa pagsapit ng araw .Pansamantagal ...
Handang maging panyo kahit gaano pa katagal ,
Handang punasan ang yong luha kahit di mo ko mahal ,
Maaaring sakin ka sumandal kahit sakanya ka sumugal ,
Sa bisig ko’y magpahinga kapag sa paghahabol sa kanya'y tuluyan ka ng hiningal .Ikaw ang Pansamantala ngunit ako’y pansamantagal ,
Hindi ako mawawala kahit iba ang iyong mahal , Saakin ka huminga pag sakanya’y ikaw ay nasakal , Ginusto kong manatili kaya’t di ako aangal .Ako ang pagsamantagal at Ikaw ang Pansamantala ,
Alam kong darating ang araw na kailangan ko ng bitawan ka ,
Ngunit wag kang mag alala, minahal kita sa paraan na
Kaya kong manatili upang ika'y mapasaya , at sa paraan na kaya kong lumayo kapag masaya kana sa iba .Ps. Don ka sa pipiliin ka hanggang dulo o hindi kaya'y mamahalin ka dumating man yung araw na iba na ang mahal mo (^.^)
Yangbearllian♡
BINABASA MO ANG
Isang Daang Pahina Ng Luha
PoesiaThe truth is, napaparami ang mga tula na nagagawa ko when I felt empty. Kaya kung mapanakit man ang mga kinalalabasan ng piyesa, danas ko man o imahinasyon ko lang, ang bawat lungkot o sakit na mararamdaman mo pagkatapos mag basa, yon din yong mismo...