— 𝖨𝖽𝖺𝖽𝖺𝖺𝗇 𝗇𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗌𝖺 𝗀𝗂𝗍𝖺𝗋𝖺 —
By ; Yangbearllian
La, la , la , la , la , la , la , lahat ay idadaan sa gitara ,
Sinasabayan ng musika ang pagpatak ng bawat luha ,
Magkubli sa dilim at kunin ang pluma , Mag sulat ng tula at himigan ng musika gamitin ang
Gitara at mag isang kumanta ,Ito na ....
Hindi ko naman hiniling saiyong manatili ka ,
Alam ko namang malabong maging ako dahil may iba na ,
Masakit man isipin dahil mahal kita , Walang alinlangang suporta kong saan ka masaya ,Idadaan nalang sa gitara ,
Malilimutan din kita ,
Dating ang araw na , matututunan ko ring sumaya
Mag isa , babaunin nalang ang
ala ala ...Mahal malaya kana ,
kakayanin ko naman sigurong
Mabuhay ng wala ka ,
kuntento nako kahit yong
Kulang ko ay napunan ng iba , kakayanin ko naman siguro na makitang kamay mo ay hawak niya na ,Isa nalang talaga ....
Maari bang mayakap ka sinta ,
Sa huling sandali , bago ka mapunta sa iba ,
Bitawan mona ako pagkat bibitawan na kita ,
Tatanawin ka nalang habang siya ang kasama ...
Babaunin nalang ang ala alaIdadaan nalang sa gitara
Ps. This must be a song
BINABASA MO ANG
Isang Daang Pahina Ng Luha
PoetryThe truth is, napaparami ang mga tula na nagagawa ko when I felt empty. Kaya kung mapanakit man ang mga kinalalabasan ng piyesa, danas ko man o imahinasyon ko lang, ang bawat lungkot o sakit na mararamdaman mo pagkatapos mag basa, yon din yong mismo...