11 pahina ng luha

11 7 0
                                    

— ?  Palaisipan  ? —

By ; Yangbearllian 🌙

— Bakit kailangan na mainit yong kape kung hihipan din naman ?

Bakit ang dali mong  pagsawan ang putaheng minsan mo lang natikman ? ngunit ang kanin ay hindi mo pinag sasawaan ?

Wala namang aso sa hotdog pero bakit yon yong ipinangalan ?

Mga tanong na hindi mo mawari kong ano ang kasagutan , wag mo ng isipin baka mabaliw kapa diyan , nakakalito nga kong pakinggan ngunit may mga
bagay na mananatili na lamang palaisipan .

Para saan ang kamay ng orasan, kong kahit isang minuto ay hindi moko kayang bigyan ? 

Para saan ang mga pangkong walang kataposan , kong laging sa  dulo ay mag isa kong maiiwan ?

Paano ko iiponin ang pitong dragon balls para
makapag super sayan ?

Paano ka lalaban kong tuloyan kana nyang binitiwan ?

Nakakatawa man kong iyong pagmamasdan pero ito ay pawang katotohanan .

Bakit ka naka electric fan kong magkukumot ka din naman ?

Bakit moko pinaglaroan hindi naman ako mukhang manika sa bahay bahayan ?

Paano bang nag mahal ng hindi nasasaktan ?

Medyo nakakahilo ng pag-isipan ,
may mga bagay talaga na walang kasiguradohan , pero kailangan mong sugalan kahit mahirap ,
at alam mong sa dulo ikaw lang yong masasaktan .

Ps. hindi lahat ng tanong ay may sagot , kaya itigil mo na ang pagiisip sa mga tanong na dimo nmn masasagut baka sa halip na malaman mo ang kasagutan tulyan ka nang masiraan .

Keep moving forward may mga tanong na hindi na kailangan ng sagot kusa itong bibigyan ng kasagutan sa tamang panahon .

♡´・ᴗ・'♡

Isang Daang Pahina Ng Luha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon