Business Life 6

28 4 0
                                    

Chapter 6

[MAUREEN]

Maaga akong pumasok. Sabog na sabog dahil tinapos ko ang lahat ng assignment ko kagabi.

Pucha may reporting pa kami mamaya, sabog pa ko. May masasabi ba ako doon?

Baka sabihin ko don, "si Emilio Aguinaldo ang Anak ng Katipunan ng Bayan"

Haha gago.

"Mukha kang tanga sa paglalakad, ikakasal ka na ba at kay bagal-bagal mo?" si Bully.

Humarap ako dito.

"Ako wag mo simulan dahil puyat ako baka matadyakan kita, alis nga!"

"Oooh.. sad, puyat, bakit ka napuyat?"

"Pake mo?"

"Wala, sino bang may sabing may pake ako?"

"Ikaw, kakasabi mo lang."

Habang naglalakad ay nag aasaran kami kaya pinagtitinginan kami.

"Bakit sila magkasabay?"

"Baka naman sinundo sya ni Clinton, malandi kasi"

"Impossible yan, ayaw ni Clinton sa mahihirap"

"HAHAHAHA"

Nonsense.

Nang makapasok sa room ay binatukan muna ako ni Clinton bago umalis at pumunta sa kanyang room.

Tanginamo Clinton.

"Bakit magkasabay kayo ni Clinton? Kayo ha" Asar sakin ni Mikaela.

Hindi naman kami close nito, feeling.

Nagkibit-balikat na lang ako at pumunta sa upuan ko.

"May reporting ka diba mamaya?" Lilian's asked.

Tumango ako dito.

Isa ako sa napili ni Ma'am na magrereport hays.

"Baka kung anong masabi mo, mukha kang sabog HAHAHAHA" sabi nito.

Napangiwi naman ako ngunit nag agree sa isip-isipan ko.

Imaginin mo, anong oras ka na umuwi dahil napatagal ka doon sa party kuno ni Azrael.

-------

Nang subject na ng AP ay tinawag ako para magreport sa unahan.

Dala ang aking cartolina ay iprinisenta ko ang aking irereport.

"Goodmorning, so my topic for my reporting is Emilio Aguinaldo, so what Emilio Aguinaldo do for Philippines? Let me discussed." Intro ko sa kanila.

Lahat ay nakinig sa akin, akala mo naman interesado.

"In 1898, Emilio Aguinaldo achieved independence of the Philippines from Spain, Emilio Aguinaldo led a revolutionary movement against the Spanish colonial government in the Philippines. He cooperated with the U.S. during the Spanish-American War but subsequently broke with the U.S. and led a guerrilla campaign against U.S. authorities during the Philippine-American War."

"And he was elected the first president of the new republic under the Malolos Congress." Dagdag ko pa.

"Why did Filipino nationalist leader Emilio Aguinaldo turn against US rule in the Philippines?" tanong ko pa sa kanila.

My Business Life (COMPLETED)Where stories live. Discover now